Martes, Enero 6, 2015

Ukol sa Isaias 9:6


Ukol sa Isaias 9:6


ISA sa pinakapaboritong talata na palasak na palasak na ginagamit ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay ang nasa ISAIAS 9:6 na ating sisipiin:

Isaias 9:6 “Sapagka't sa atin ay IPINANGANAK ANG ISANG BATA, sa atin ay ibinigay ang isang ANAK NA LALAKE; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ANG KANIYANG PANGALAN AY TATAWAGING Kamanghamangha, Tagapayo, MAKAPANGYARIHANG DIOS, WALANG HANGGANG AMA, Pangulo ng Kapayapaan.”

Walang mababasa sa Biblia na ang BATA ang MAKAPANGYARIHANG DIYOS o siya ang WALANG HANGGANG AMA.

Ang sabi sa talata:

ANG KANIYANG PANGALAN AY TATAWAGIN

hindi sinabing:

ANG BATA AY TATAWAGING MAKAPANGYARIHANG DIYOS… o kaya ay

ANG BATA AY ANG MAKAPANGYARIHAN DIYOS, WALANG HANGGANG AMA, ETC.

Dahil imposible na ang MAKAPANGYARIHAN DIYOS ay ipanganak ng isang tao at lumabas sa daigdig bilang isang BATA. Ganito sabi ng Biblia:

Bilang 23:19 “ANG DIOS AY HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?”

Niliwanag ng Biblia na ang Diyos ay HINDI TAO, NI ANAK NG TAO. Kaya kung ipipilit na ang talagang Diyos ang BATA na IPINANGANAK na binabanggit sa Isaias 9:6, ay napakaliwanag na KOKONTRAHIN noon ang talatang iyan.

Kaya nga atin na ngayong natitiyak ngayon pa lang na ang salitang MAKAPANGYARIHANG DIYOS at iba pa, ay hindi talaga tumutukoy sa bata. Dahil ang TUNAY NA DIYOS ay hindi ipinanganganak at hindi maaaring maging ANAK NG TAO.

Kaya nga dahil sa ang banggit ay:

ANG KANIYANG PANGALAN AY TATAWAGIN…

Samakatuwid ang mga salitang: KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHANG DIOS, WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN.” Ay hindi tumutukoy sa bata kundi sa kaniyang PANGALAN, maliwanag kung gayon na ang PANGALAN na ipantatawag sa bata ay ang may LITERAL MEANING o ang siyang may katumbas ng mga salitang nabanggit at hindi ang mismong bata ang tinutukoy ng mga salitang ito.

Ano ang PANGALANG ito?

Ating tunghayan sa isang salin ng Biblia na inilathala ng mga JUDIO:

Isaiah 9:6 “For a child is born unto us, a son is given unto us; and the government is upon his shoulder; and his name is called PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM" [The Jewish Publication Society, 1917 ]

Sa Filipino:

Isaias 9:6 “Sa atin ay ipinanganak ang isang bata, isang anak na lalake ay ibinigay sa atin; at ang pamamahala ay nasasa kaniyang balikat; at ang kaniyang pangalan ay tatawaging PELE- JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM”

Ang pangalang PELE- JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM, ay isa sa mga PANGALAN ng Panginoong JESUS o iyong tinatawag sa English na THEOPHORIC NAME.

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang THEOPHORY?

"Theophory[1] refers to the practice of embedding the name of a god or a deity in, usually, a proper name. Much Hebrew theophory occurs in the Bible, particularly in the Old Testament..."

Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Theophory_in_the_Bible


Ang THEOPHORY ay ang paglalagay ng PANGALAN ng Diyos sa PANGALAN na itinatawag sa TAO.

Dahil may mga PANGALAN sa Biblia na nagtataglay ng PANGALAN ng Diyos, Mga halimbawa:


Ezrael – Help of God

Gabriel, Gavriel – Man of God, God has shown Himself Mighty, Hero of God or Strong one of God

Gaghiel – Roaring Beast of God

Gamaliel – Reward of God

Hamaliel – Grace of God

Hanael – Glory of God

Immanuel – God with us

Imriel – Eloquence of God

Iruel – Fear of God

Ishmael, Ishamael – Heard by God, Named by God, or God Hearkens

Yisrael – Struggles with God or Prince of God

Elijah (Elias) – Whose God is Jah, God Jah, The Strong[dubious – discuss] Jah, God of Jah, My God is Jah. Reference to the meaning of both (Eli)-(Jah)

Isaiah – Salvation of Yahweh

Jeremiah – "Raised by YahwehYahweh exalts"Yahweh Appointed""Yahweh's Chosen"

Jeshaiah – Salvation of Yahweh

Ang mismong PANGALAN ni JESUS:

Yehoshua (Joshua, Jesus) – Yahweh saves, Yahweh is Savour, Yahweh is my Salvation


Kaya nga ang banggit ay ANG KANIYANG PANGALAN at hindi sinabi na ANG KANIYANG MGA PANGALAN, dahil ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM, ay ISANG MAHABANG PANGALAN LAMANG, wala itong tuldok ni kuwit sa pagitan.

Kaya isang pagkakamali ang nagawa ng mga nagsipagsalin ng Biblia na isalin ang LITERAL na KAHULUGAN nito sa wikang ENGLISH at iba pa. Tama ang ginawa ng mga Judio na pinanatili ang Orihinal nitong anyo sa Wikang Hebreo. Dahil sa ito ay ISANG PANGALAN, at hindi ISANG PANGUNGUSAP.

Ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM ay Isang THEOPHORIC NAME na ipinantatawag kay JESUS, tulad ng kaniyang isa pang THEOPHORIC NAME na EMMANUEL, na may LITERAL MEANING na “SUMASAATIN ANG DIYOS”.

Pero hindi nangangahulugan na si Cristo ang Diyos na sumaatin, kundi kahulugan lamang ng kaniyang PANGALAN iyon, Sapagkat niliwanag ni Cristo iyan:

Juan 8:28-29 “Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI, KUNDI SINALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA. AT ANG NAGSUGO SA AKIN AY SUMASA AKIN; hindi niya ako binayaang nagiisa; SAPAGKA'T GINAGAWA KONG LAGI ANG MGA BAGAY NA SA KANIYA'Y NAKALULUGOD.”

Maliwanag kung gayon na ang DIYOS na SUMAATIN ay hindi si Cristo kundi ang AMA na NAGSUGO sa KANIYA.

Kaya nga hindi komo ganun na ang kahulugan ng isang PANGALAN ang ibig sabihin noon ay iyon na rin ang kalagayan nung tinatawag sa PANGALANG iyon.

Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Isaias 8:1 “At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay MAHER-SALALHASH-BAZ.”

Kung isasalin ang MAHER-SALALHASH-BAZ sa English ay MAKE HASTE TO PLUNDER, na sa TAGALOG ay, MAGMADALI UPANG MAKAPANGULIMBAT o MAKAPAGNAKAW.

Kung ating uunawain iyan gaya ng kanilang pagintindi sa ISAIAS 9:6 na dahil sa iyan ang meaning nung pangalan ng ANAK ni ISAIAS hindi ba lalabas niyan na ang ANAK ni Isaias ay isang MAGNANAKAW?

Lagi po nating TATANDAAN na iba ang KAHULUGAN ng PANGALAN sa KALAGAYAN ng taong PINATUTUNGKULAN.

Halimbawa ang pangalan mo ay REX, ang ibig sabihin niyan ay HARI, Ibig bang sabihin niyan ay Hari ka talaga?

Ang Pangalan mo halimbawa ay ROSARIO na ang ibig sabihin ay BULAKLAK SA ILOG, Ibig bang sabihin noon hindi ka tao at isa kang bulaklak na nasa ilog?

Ganiyan lang naman kasimple unawain iyan eh, nilalabo lamang nila, dahil sa mali nilang pagkaunawa sa ISAIAS 9:6.

Kaya nga pakakatandaan natin na ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM ay isang PANGALAN lamang [Theophoric Name] na may kahulugan na: “KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHANG DIOS, WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN”.

Hindi nangangahulugan na kung ano ang ibig sabihin ng PANGALAN ay iyon na rin ang talagang KALAGAYAN ng pinatutungkulan.

Bukod doon niliwanag ng Diyos sa aklat din ni Isaias kung ano ba talaga kalagayan ni Cristo:

Isaias 53:3 “SIYA'Y HINAMAK AT ITINAKUWIL NG MGA TAO; ISANG TAONG SA KAPANGLAWAN, AT BIHASA SA KARAMDAMAN: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.”

Niliwanag ng Diyos na si Cristo ay: “ISANG TAONG SA KAPANGLAWAN” Kaya maliwanag na siya ay TAO at ang Diyos mismo ang nagpatunay sa pamamagitan din ni Isaias.

Ano ang katibayan na si Cristo nga ang tinutukoy?

1 Pedro 2:23 “NA, NANG SIYA'Y ALIPUSTAIN, AY HINDI GUMANTI NG PAGALIPUSTA; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid.”

1 Pedro 2:24 “Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na DAHIL SA KANIYANG MGA SUGAT AY NANGAGSIGALING KAYO.”

Kaya nga kung ipipilit na Diyos si Cristo sa Isaias 9:6, ay KOKONTRAHIN nito ang sinabi ng Diyos sa Isaias 53:3 na si Cristo ay TAO.

Maliwanag kung gayon na nagkamali lamang sila ng pagkaunawa sa nasabing talata, na lagi naman nilang ginagawa mapatunayan lang na totoo ang kanilang baluktot na paniniwala na si CRISTO ay TUNAY NA DIYOS.