Ang Likas na Kalagayan ni Cristo
Ang Orihinal na Paniniwala ng mga Unang Cristiano
(Ikapitong Bahagi)
Pinatutunayan ng mga tagapangaral ng iba’t ibang relihiyon na ang paniniwalang si Cristo ay Diyos ay hindi paniniwala ng mga unang Cristiano.
NAUNAWAAN NATIN MULA sa mga manunulat ng Bagong Tipan na tinaglay ng mga unang Cristiano ang paniniwala na ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos (Juan 17:3, Salita ng Buhay). Hindi nila tinaglay ang isipang pinalaganap ng iba na si Cristo raw ay eksistido o umiiral nab ago a Siya ipanganak ni Maria at Siya raw ay Diyos na nagkatawang-tao. Wala silang aral na si Cristo ay Diyos. Pinatutunayan ito maging ng ibang mga nagsaliksik tungkol sa buhay at mga aral ni Cristo. Ganito ang Patotoo ng isang iskolar na Protestante na si George E. Ladd:
“Binabasa natin ang mga Ebanghelyo at mga aklat ng mga Gawa sa liwanag n gating pagkaunawa sa pre-eksistensiya at sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak. Suabalit, ang mga unang Cristiano ay walang gayong konsepto sa kanilang mga isipan. Wala silang doktrina tungkol sa pagka-Diyos ni Cristo…” (The Young Church: Acts of the Apostles, p. 48)1
Ipinahayag din ng paring Katoliko na is Richard P. McBrien na hindi Diyos ang pagtuturing ng mga manunulat ng Bagong Tipan kay Cristo:
“Ni hindi man lamang karaniwang binabanggit ng mga manunulat ng Bagong Tipan ang tungkol kay Jesus bilang ‘Diyos’…” (Catholicism, p. 346)2
Maging ang paring Jesuita na is Pedro Sevilla ay nagpatotoo rin na is Cristo ay hindi tinawag na Diyos sa mga kauna-unahang araw ng Cristianismo:
“Kaya’t hindi maaaring sabihin na tinatawag nang Diyos si Jesus noong mga kaunaunahang araw ng kristiyanismo.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiyano, p. 32)3
Katugma ito ng pahayag ni Shirley C. Guthrie ng Presbyterian Church na sumulat ng aklat na pinamagatang Christian Doctrine:
“Hindi tuwirang sinabi ng mga pinakaunang Cristiano na si Jesus ay Diyos o na ang Diyos ay si Jesus” (p. 94).4
Sa kaniyang komentaryo ay sinabi naman ni George Lamsa na sa mga unang araw ng Iglesia ni Cristo ay hindi tinawag na Diyos si Jesus: “Si Jesus ay hindi tinawag na Diyos sa mga unang araw na yaon…” (New Testament Commentary, p. 149).5
Tinatanggap kapuwa ng mga teologong Katoliko at Protestante na hindi inisip ni Cristo na Siya ay Diyos:
“Ang krisis ay bumangon mula sa pangyayaring ngayon ay malayang tinatanggap kapuwa ng mga Protestante at Katolikong teologo at tagapagpaliwanag ng Biblia: na batay sa mauunawaan mula sa mga makukuhang datos na pangkasaysayan, hindi inisip ni Jesus na taga-Nazaret na siya ay Diyos ….” The First Coming: How the Kingdom of God Became Christianity, p. 5)6
Inaamin din ni John A. T. Robinson ng Anglican Church na hindi kailanman itinuro ni Cristo na Siya ay Diyos:
“Kailanman’y hindi personal na inangkin ni Jesus na siya ang Diyos: gayunman lagi niyang inaangkin na dinadala niya ang Diyos nang lubusan …” (Honest to God, p. 73)7
Maliwag, mula sa mga patotoo ng mga tagapangaral ng iba’t ibang relihiyon, na ang paniniwalang si Cristo ay Diyos ay hindi paniniwala ng mga unang Cristiano.
Ano, kung gayon, ang orihinal at wastong paniniwala tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo? Ano ang paniniwala ng mga unang Cristiano at ng mga manunulat ng Bagong Tipan? Tunghayan natin ang patotoo ng Bibilia:
Tao si Cristo ayon kay Apostol Pablo. “Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)
Tao si Cristo ayon kay Apostol Pedro. “Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, Magandang Balita Biblia)
Tao si Cristo ayon kay Apostol Mateo. “Ganito ang pagkapanganak kay Cristo. Si Maria ay nakatakdang pakasal kay Jose. Ngunit bago sila magsama, nagdalang-tao si Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” (Mat. 1:18, New Pilipino Version)
Tao si Cristo ayon sa anghel ng Panginoon. “Datapuwa’t samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka’t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.” (Mat. 1:20)
Malinaw sa mga talatang ating sinipi na sa paniniwala ng mga unang Cristiano, si Cristo ay tao. Ito ang orihinal na paniniwalang Cristiano. Ang katotohanang ito ay pinatutunayan din ng ibang mga nagsaliksik sa buhay, mga aral, at likas na kalagayan ni Cristo.
Si George Eldon Ladd ay nagsabing:
“Mula sa gayong mga talata, maaari nating ikonklusyon na ang unang kaisipang Cristiano tungkol kay Jesus ay Siya’y isang tao na pinagkalooban ng kadakilaan ng Espiritu ng Diyos. Sa katunayan, sa mga unang kabanata ng [Akalat ng] mga Gawa, si Jesus ay dalawang ulit na tinawag na isang propetang tulad ni Moises na ibabangon ng Diyos upang ipahayag sa mga tao ang lahat ng katotohanan ng Diyos (Gawa 3:22; 7:37).” (The Young Church: Acts of the Apostles, p. 48)8
Isa namang paring Katoliko, si Ronald J. Wilkins, ang nagpapatotoo rin na ang paniniwala ng mga unang Cristiano kay Cristo ay Siya’y tao:
“Ang katangian ng paninindigang ito ay, hindi naranasan ng mga apostol at mga unang Cristiano si Jesus bilang isang Diyos na nagbalatkayong tao o bilang Diyos na nagkukunwang tao (Ito ang dahilan kaya itinakuwil ng unang Iglesia ang mga salaysay tungkol sa buhay ni Jesus na batay sa mga pala-palagay at kathang-isip). Naranasan nila siya bilang isang tao. Siya’y totoong-totoo sa kaniyang buhay, tunay na tunay na tao sa kaniyang espiritu, at lubhang kapani-paniwala sa kaniyang mga pananalita na anupa’t sila ay sumampalataya sa kaniya. Ang pakiramdam nila’y anuman ang tunay na buhay ng tao, inihayag ni Jesus bilang isang tao ang buhay na iyon.” (The Emerging Church, pp. 27-29)9
Isa pang paring Jesuita, si Charles Herzog, ay nagpahayag nang gayunding diwa:
“Kung mayroong anumang bagay na malinaw sa mga Ebanghelyo, ito ay yaong si Cristo ay tao. Siya ay mayroong tunay na katawan ng tao at tunay na kaluluwa ng tao, na pinagkalooban ng pag-iisip at kalooban ng tao.” (God the Redeemer: The Redemption From Sin As Wrought By Jesus Christ the Son of God, p. 5)10
Sinipi naman ni Johannes Lehman, isang iskolar ng Biblia, ang sinabi ng istoriyador na si Bernhard Lohse:
“Gaya ng isinulat ng isang mananalaysay ng Iglesia, si Bernhard Lohse, sa Motive im Glauben (Motivation for Belief): ‘Ipinaaalala sa atin ni Ario na si Jesus, gaya ng paglalarawan niya sa mga Ebanghelyo, ay hindi isang Diyos na lumakad sa lupang ito, kundi tunay na tao. Mangyari pa, sa pamamagitan mismo ng kaniyang pagiging tao ay pinatunayan ni Jesus ang kaniyang ganap na pakikiisa sa Diyos’.” (The Jesus Establishment, p. 175)11
Isang katotohanang hindi mapasusubalian na ang paniniwala ng mga unang Cristiano ay tunay na tao ang ating Panginoong Jesuscristo – hindi Siya ang Diyos. Ito ang orihinal at tunay na paniniwalang Cristiano tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo.
[May Karugtong]
Sanggunian:
1 “We read the Gospels and the book of Acts in the light of our understanding of the pre-existence and the incarnation of God the Son. However, the early Christians had no such concepts in their minds. They had no doctrine of the deity of Christ …” (Ladd, George E. The Young Church: Acts of the Apostles. London: Lutterworth Press; New York and Nashville: Abingdon Press, 1964.)
2 “The New Testament writers do not even ordinarily speak of Jesus as ‘God’ …” (McBrien, Richard P. Catholicism. Third Edition. Great Britain: Geoffrey Chapman, 1994.)
3 (Sevilla, Pedro S.J. Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiyano. Quezon City: Loyola School of Theology – Ateneo de Manila University, 1988.)
4 “The very earliest Christians did not say directly that Jesus is God or the God is Jesus.” (Guthrie, Shirley C., Jr. Christian Doctrine. Virginia, USA: CLC Press, 1968.)
5 “Jesus was not called God in those early days …” (Lamsa, George. New Testament Commentary.)
6 “The crisis grows out of a fact now freely admitted by both Protestant and Catholic theologians and exegetes: that as far as can be considered from the available historical data, Jesus of Nazareth did not think he was divine …” (Sheehan, Thomas. The First Coming: How the Kingdom of God Became Christianity. New York: Random House, 1986.)
7 “Jesus never claims to be God, personally: yet he always claims to bring God, completely …” (Robinson, John A. T. Honest to God. London: SCM Press Ltd., 1963.)
8 “From such passages, we might conclude that the early Christian concept of Jesus was that of a man who was mightily endowed by the Spirit of God. In fact, twice in the early chapters of Acts Jesus is designated a prophet like Moses whom God would raise up to declare to the people all the will of God (Acts 3:22; 7:37).” (The Young Church: Acts of the Apostles.)
9 “The unique feature of this conviction is that the apostles and early Christians did not experience Jesus as a God in human disguise or as God pretending to be human (this is the reason that the early Church rejected fanciful and wildly imaginative accounts of Jesus’ life). They experienced him as a human. He was so real in his life, so genuinely human in his spirit, and so convincing in his words that they believed in him. They felt that whatever human life really was, Jesus as a person expressed that life.” (Wilkins, Ronald J. The Emerging Church. Part One. Iowa: WM. C. Brown Company Publishers, 1968.)
10 “If anything is evident in the Gospels, it is that Chirst was man. He had a real, human body and a real, human soul, endowed with a human mind and will.” (Herzog, Charles G., S.J. God the Redeemer: The Redemption From Sin As Wrought By Jesus Christ the Son of God. New York: Benziger Brothers, Inc., 1929.)
11 “As one Church historian, Bernhard Lohse, writes in Motive im Glauben (Motivation for Belief): ‘Arius reminds us that Jesus, as he described in the Gospels, was not a God who walked this earth, but truly human being. Of course, by his very humanity Jesus proved his full community with God’.” (Lehman, Johannes. The Jesus Establishment. New York: Doubleday & Company, Inc. 1974.)