Martes, Mayo 17, 2016

ANG PAGKAKAIBA NG KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA KAPANGYARIHAN NI CRISTO

ANG PAGKAKAIBA
NG KAPANGYARIHAN NG DIYOS
SA KAPANGYARIHAN NI CRISTO

NI DANIEL J. LAPID SR.


ANG PANGINOONG Jesucristo ay binigyan ng Diyos ng kapangyarihan na dahil dito’y nakagawa Siya ng mga kamangha-manghang gawa.  Subalit, may pagkakaiba ang kapangyarihang taglay Niya sa kapangyarihang nasa Diyos.  Mahalagang maunawaan ang kaibahan ng kapangyarihan ng Diyos sa kapangyarihan ni Cristo sapagkat may mga nag-aakalang si Cristo ay Diyos dahil sa taglay Niyang kapangyarihan.  Mapanganib ang magtaglay ng maling pagkakilala o maling pananampalatayang gaya nito sapagkat ito ay ikapapahamak.

ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS
Paano malalaman ng tao na mayroon ngang tunay na Diyos at ano ang katangian Niya ayon kay Apostol Pablo?  Sa kaniyang sulat sa mga Cristiano sa Roma ay ganito ang sinabi niya:

“Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila.

“Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan. (Roma 1:19-20)

     Ayon kay Apostol Pablo, taglay ng tunay na Diyos ang walang hanggang kapangyarihan dahil sa Siya ay makapangyarihan sa lahat (Gen. 17:1).  Ito ay nahahayag sa pamamagitan ng mga bagay na Kaniyang ginawa.  Halimbawa nito ay ang mga bagay na nasa sangkalangitan—ang araw, buwan, at mga bituin—at ang mga bagay sa lupa—mga halaman, hayop, bundok, karagatan, at marami pang iba.  Sa Deuteronomio 3:24 ay ipinakilala ni Moises ang walang hanggang kapangyarihan ng tunay na Diyos:

     “Oh Panginoong Dios, iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan: ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos?

     Pinatunayan ni Moises na walang ibang Diyos sa langit at sa lupa na makagagawa ng katulad ng ginawa ng Diyos.  Walang sinuman na makatutulad o makapapantay sa mga bagay na ginawa Niya.

     Sa paglalang ng Diyos ng lahat ng bagay, mayroon ba Siyang katulong o kasangguni?  Sa Isaias 40:13-14 ay ganito ang nasusulat:

     “Sinong pumatnubay ng Espiritu ng Panginoon, o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya?

     “Kanino siya kumuhang payo, at sinong nagsaysay sa kaniya, at nagturo sa kaniya sa landas ng kahatulan, at nagturo sa kaniya ng kaalaman, at nagpakilala sa kaniya ng daan ng unawa?

     Nang lalangin ng Diyos ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa ay wala Siyang katulong o kasangguni; walang nagturo ni nagpayo man sa Kaniya.  Siya lamang mag-isa ang lumalang ng lahat ng bagay.  Ito ang mismong pinatunayan ng Makapangyarihang Diyos:

     “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa.” (Isa. 44:24)

     Ang Diyos lamang ang lumikha ng lahat ng bagay; Siya lamang mag-isa at wala Siyang katulong sapagkat maliban sa Kaniya ay walang sinumang makagagawa ng lahat ng Kaniyang ginawa.  Wala ring maitutulad o maiwawangis sa Kaniya:

     "Kanino nga ninyo itutulad ang Dios? o anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya?" (Isa. 40:18)

     Hindi mapapantayan ninuman ang Panginoong Diyos sa kapangyarihan, katangian, kalakasan, at karunungan.  Kahit ang mga bagay na Kaniyang ginawa ay hindi maaaring tularan o pantayan ng kahit na sino.


ANG KAPANGYARIHAN NI CRISTO
Ang Panginoong Jesucristo ay taong nagtataglay ng napakalaking kapangyarihan.  Sa Lukas 4:36 ay sinasabi:

     “At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.

    Dahil sa kapangyarihan at kapamahalaan ng Panginoong Jesucristo ay nakagawa Siya ng maraming kamangha-manghang bagay.  Halimbawa, kapag Kaniyang pinagwikaan ang masasamang espiritu ay lumalabas ang mga ito mula sa mga taong kanilang inaalihan.  Bukod dito, nakapagpadilat si Jesus ng bulag, nakapagpalakad ng pilay, nakapagpagaling ng ketongin, nakapagpabangon ng patay, at marami pang iba:

     “Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad,

     “At sinabi sa kaniya, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?

     “At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita:

     “Ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita. (Mat. 11:2-5)

     Ang mga himalang ito na nagawa ng Panginoong Jesucristo ay tunay na kamangha-mangha.  Ngunit ang mga ito kaya ay nagawa Niya dahil sa Kaniyang sariling kapangyarihan?  Ganito ang sagot ng Biblia:

     “Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios.(Gawa 10:38)

     Kung nagawa man ng Panginoong Jesucristo ang mga himala, ito’y hindi dahil sa Kaniyang sariling kapangyarihan kundi dahil pinahiran Siya ng Diyos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan.  Ang kapangyarihang taglay Niya ay ipinagkaloob sa Kaniya ng Diyos.  Kinasangkapan Siya ng Diyos upang gumawa ng makapangyarihang mga gawa.  Subalit, iba ang Diyos na gumagawa ng makapangyarihang gawa at ang Panginoong Jesucristo na Kaniyang kinasangkapan.  Kaya, hindi dahil sa nakagawa ng mga himala ang Panginoong Jesus ay masasabi nang Siya ay Diyos.  Siya ay pinagkalooban lamang ng Diyos ng kapangyarihan.

HINDI LAMANG SI CRISTO
Hindi lamang ang Panginoong Jesucristo ang pinagkalooban ng Diyos ng kapangyarihan.  Maging ang mga apostol at mga alagad ay pinagkalooban ng Diyos ng kapangyarihan upang makagawa ng mga kababalaghan o makapangyarihang gawa, gaya ni Apostol Pablo:

     “At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.

     “Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya upang mapagaling,

     “Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. At siya'y lumukso at lumakad. (Gawa 14:8-10)

     “At sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao: at nangaroon silang lahat na nangagkakaisa sa portiko ni Salomon.

     “At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo:

     “Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu. (Gawa 5:12; 19:11-12)
     Pinagkalooban ng Diyos si Apostol Pablo ng kapangyarihan upang makapagpalakad ng pilay, makapagpagaling ng mga maysakit, at makapagpalayas ng masasamang espiritu mula sa mga inaalihan nito.
     Ganito rin ang nasumpungan sa alagad na si Esteban:
     “At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao.(Gawa 6:8)
     Kung sasabihin na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos dahil sa mga kababalaghang Kaniyang ginawa, mapipilitang tanggapin na ang  mga lingkod ng Diyos na nakagawa rin ng mga himala gaya nina Moises, ang mga apostol, at si Esteban ay mga diyos din.  Ang ganitong konklusyon ay maling-mali at salungat sa pagtuturo ng Biblia na iisa lamang ang Diyos, ang Ama (Mal. 2:10)
     Bagaman ang mga unang lingkod ng Diyos, mga apostol, at mga alagad ay nakagawa ng makapangyarihang gawa, hindi nila ito nagawa sa ganang kanilang sarili.  Bagkus, ang Diyos na Siyang nagbigay ng kapangyarihan kay Cristo ang pinapatunayan nilang Siyang tuwirang may gawa ng mga ito:
     “At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya?

     “Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.(Gawa 3:12-13)

SI CRISTO BA AY DIYOS?
     Maling isipin na si Cristo ay Diyos dahil sa Siya ay nagtataglay ng kapangyarihan.  Ipinakilala mismo ni Jesus na Siya ay tao sa kalagayan:

     “Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.(Juan 8:40)

     Bagaman nagtataglay ng kapangyarihan, nagpakilala ang Panginoong Jesucristo bilang tao at hindi Diyos.

     Hindi kailanman naging Diyos ang tao (Ezek. 28:2) at hindi rin naging tao ang Diyos (Ose. 11:9).  Kung idaragdag pa rito ang pahayag ni Cristo na sinipi sa itaas ay lalong napatutunayang hindi Siya Diyos.  Sinabi Niyang ang katotohanang Kaniyang isinaysay ay narinig Niya sa Diyos.  Dapat mapansin na magkaiba ang nakarinig kaysa kinaringgan.

     Ipinagtapat din ng Panginoong Jesucristo na wala Siyang magagawa sa ganang Kaniyang sarili:

    Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin. (Juan 5:30)

     Ang Panginoong Jesucristo ay hindi makapangyarihan sa lahat na tulad ng Ama.  Sa ganang Kaniyang sarili ay wala Siyang magagawa, samantalang ang Ama ay hindi nangangailangan ng sinumang katulong upang Kaniyang gawin ang anumang bagay na Kaniyang naisin.

     Bukod dito, pinatunayan ni Jesus ang higit na katangian ng Panginoong Diyos kaysa Kaniya:

     “Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin. (Juan 14:28)

     Sinabi ni Cristo na ang Ama ay lalong dakila sa Kaniya.  Kung ang Panginoong Jesucristo ay Diyos sa kalagayan, lumilitaw na dalawa ang Diyos—isang dakila at isang mas lalong dakila.  Ito ay labag sa aral ng Panginoong Jesucristo na iisa lamang ang tunay na Diyos—ang Ama lamang (Juan 17:1, 3)

     Pinatunayan ni Apostol Pablo ang kaibahan ng kapangyarihan ni Cristo sa kapangyarihan ng Diyos nang sabihin Niya ang ganito:

     “Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.

     “At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.(I Cor. 15:27-28)

     Pasusukuin ng Diyos ang lahat ng bagay kay Cristo na Kaniyang Anak.  Pagkatapos ay si Cristo naman ang pasusukuin sa Diyos upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat.  Dito ay malinaw na iba ang Panginoong Jesucristo sa tunay na Diyos.  Pinatutunayan din ni Apostol Pablo na hindi si Cristo ang makapangyarihan sa lahat na siyang katangian ng tunay na Diyos.

     Dapat makilala ang tunay na Diyos—ang Ama na nasa langit na Siyang lumalang ng lahat ng bagay.  Dapat ding makilala si Cristo, Anak ng Diyos na binigyan ng katangiang higit sa karaniwang tao.  Ang tunay na Diyos ang Manlalalang samantalang si Cristo ay nilalang, subalit binigyan ng Diyos ng kapangyarihan upang makagawa ng mga himala at makapangyarihang gawa.  Subalit, nananatiling tao sa kalagayan ang Panginoong Jesus; hindi Siya Diyos. *

Kinopya mula sa PASUGO GOD’S MESSAGE | AUGUST 1999 | VOLUME 51 | NUMBER 8 | PAGES 14-16 


SI CRISTO BA ANG TUNAY NA DIYOS?

SI CRISTO BA ANG TUNAY NA DIYOS?
Ni Teofilo C. Ramos Sr.


ANG NAKARARAMI SA mga pangkatin ng relihiyon o iglesia na nagsasabing sila’y Cristiano ay naniniwala na si Cristo ay tunay na Diyos.  Ang mga relihiyong ito ay gumagamit ng mga talata sa Biblia na diumano’y nagpapatunay na si Cristo ay Diyos.  Upang malaman natin kung tama ang paniniwala nilang ito tungkol sa likas na kalagayan ng Panginoong Jesucristo ay dapat nating suriin ang mga talata sa Banal na Kasulatan na kanilang pinagbabatayan.

      Ang isa sa mga talata ng Biblia na kanilang pinagbabatayan ay ang COLOSAS 2:9 ng saling New Pilipino Version na ganito ang sinasabi:

     “Pagkat na kay Cristo ang buong kalikasan ng Dios nang siya’y magkatawang-tao.”

     Binabanggit sa talatang ito na ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang Siya’y magkatawang-tao.  Mula rito, nabuo ang paniniwala na si Cristo ay Diyos.  Ngunit pag-aralan natin, ano ba ang likas na kalagayan ng Diyos?  Sa Juan 4:24 ay ganito ang patotoo ni Cristo:

     “Ang Dios ay ESPIRITU at ang sasamba sa kanya ay kailangang sumamba sa espiritu at sa katotohanan.” (Ibid.)

     Ang Diyos ay espiritu sa Kaniyang likas na kalagayan.  Ganito rin ba si Jesus?  Noong narito pa Siya sa lupa, ano ang pagpapakilala Niya tungkol sa Kaniyang sarili?  Sa Juan 8:40 ay ganito ang Kaniyang sabi:

     “Ngunit pinagsisikapan ninyong patayin ako na isang TAONG nagnagsabi sa inyo ng katotohanang narinig ko sa Dios.  Ito’y hindi ginawa ni Abraham.” (Ibid.)

     Malinaw ang pagpapakilala ni Cristo na Siya’y isang taong nagsasabi ng katotohanan.  Wala Siyang sinabi na Siya’y Diyos na totoo at taong totoo.  Bagkus, sinabi niyang Siya ay tao.

     Noong si Cristo’y mabuhay na mag-uli at napakita sa mga alagad ay inakala ng huli na ang kanilang nakita ay isang espiritu.  Subalit ang maling akala nilang ito ay itinuwid ng Panginoong Jesucristo mismo:

     “Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

     “At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?

     “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.  (Lu. 24:37-39)

     Kung si Cristo’y tunay na Diyos at espiritu sa kalagayan, sana ay hindi Niya sinansala ang pag-aakala ng mga alagad.  Yaon n asana ang pagkakataon upang sabihin Niyang Siya nga ay espiritu o Diyos.  Ngunit sa halip ay sinaway Niya ang mga alagad sapagkat mali ang kanilang akala.  Ipinakita Niya ang Kaniyang mga kamay at mga paa at sinabing ang isang espiritu ay walang laman at mga buto katulad ng nasa Kaniya.  Hindi tinanggap ni Cristo na Siya’y espiritu, kundi Siya ay may laman at mga buto—hindi Siya Diyos.

     Maging si Apostol Pablo, na tinawag ni Cristo nang Siya’y nasa langit na, ay nagturo na si Cristo ay tao:

     “Sapagkat iisa ang Dios at iisa ang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5, NPV)

     Tiniyak ni Apostol Pablo ang likas na kalagayan ni Cristo:  Siya ay taong Tagapamagitan sa iisang Diyos at sa mga tao.

ANG NAGKATAWANG-TAO
     Binabanggit sa Colosas 2:9 ng New Pilipino Version na si Cristo diumano ay nagkatawang-tao.  Tungkol dito, dapat nating sangguniin ang aral ng Biblia.  Alin o sino ba ang nagkatawang-tao?  

Sa Juan 1:1 at 14 ay ganito ang nakasulat:

     “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa-Dios, at ang Salita ay Dios.

     “Nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sa gitna natin.  Nakita namin ang kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng bugtong na Anak na nagmula sa Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.” (NPV)

     Itinuturo ng Biblia na hindi si Cristo ang nagkatawang-tao kundi ang Salita na “sumasa-Diyos.”

     Sa talatang ating sinipi, tinatawag na Diyos ang Salita NiyaBakit tinatawag na Diyos ang Salita?  Sapagkat “walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan” (cf. Luc. 1:37).  Ang salita ng Diyos ay kauri Niya na makapangyarihan (cf. Gen. 17:1)—ang lahat ng Kaniyang sinasabi ay natutupad.

ANG AMA ANG IISANG DIYOS
     Ayon sa ating Panginoong Jesucristo ay iisa ang tunay na Diyos.  Ito’y mababasa sa Juan 17:1 at 3:

     “Pagkatapos masabi ito ni Jesus, tumingala siya sa langit at nanalangin:  ‘Ama’… At ito ang buhay na walang hanggan, na makilala ka nila na iisang tunay na Dios, at si Jesu-Cristo na sinugo mo.” (NPV)

     Malinaw sa panalangin ni Cristo na ang Ama na nasa langit ang iisang tunay na Diyos.  Si Cristo naman ay sinugo o inutusan ng Diyos.  Ang tunay na iisang Diyos ang Siyang nag-uutos o nagsusugo—hindi Siya ang inuutusan o isinusugo.  Kaya, si Cristo na isinugo ay iba sa Diyos na nagsugo sa Kaniya.

     Sa I Corinto 15:27-28 ay itinuro ni Apostol Pablo ang isa pang kaibahan ng Diyos at ni Cristo:

     “Pakat ‘lahat ng bagay ay napasuko na niya sa ilalim ng kanyang mga paa’.  Sa pagbanggit ng lahat ng bagay, maliwanag ng hindi kasama ang Dios na nagpasuko ng lahat ng bagay kay Cristo.  Kung magawa na ang lahat ng ito, ang Anak naman ang paiilalim sa Ama na nagpasuko ng lahat ng bagay sa Anak upang ang Dios ay maging hari ng lahat.” (Ibid.)

     Malinaw sa talatang ito ng Biblia na ang Ama ang nagpasuko ng lahat ng bagay kay Cristo.  Pagkatapos na mapasuko ang lahat kay Cristo, Siya naman ang paiilalim sa Ama upang ang Ama ang maghari sa lahat.  Sa mga talata ring ito sa saling Magandang Balita Biblia ay ganito ang mababasa:

     “Ganito ang sinasabi ng Kasulatan:  ‘Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos’.  (Ngunit sa salitang ‘lahat ng bagay’, maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.)  At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya.  Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.”

     Ang Diyos—ang Ama—ang makapangyarihan sa lahat.  Si Cristo ay paiilalim sa kapangyarihan ng Ama upang ang Diyos ang lubusang maghari sa kalahat-lahatan.  Kaya, malinaw na hindi maaaring Diyos si Cristo.

     Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na si Cristo ay tao at hindi Diyos.  Batay sa mga katotohanang ito na itinuturo ng Banal na Aklat, natitiyak natin na ang talatang Colosas 2:9 ng New Pilipino Version na pinagbabatayan ng mga nagtuturong si Cristo  ay Diyos ay MALING SALIN.

     Paano natin masusukat kung wasto ang pagkakasalin sa isang talata?  Sa I Corinto 2:13 ay ganito ang pagtuturo ni Apostol Pablo:

     “Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

     Ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia ay magkakawangis.  Ang mga ito ay hindi nagsasalungatan.

     Sa ating pagtalakay, malinaw na magkakawangis ang pagtuturo ng Banal na Kasulatan na tao ang likas na kalagayan ng Panginoong Jesucristo.  Kaya, anumang aral na sumasalungat dito ay mali at hindi dapat paniwalaan ng tao.  *

Kinopya mula sa PASUGO GOD’S MESSAGE | SEPTEMBER 1997 | VOLUME 49  | NUMBER 9 | PAGES 9-10

Emphasis:  Admin.








Martes, Hunyo 16, 2015

SA JUAN 1:1 AT 14, SINO ANG TUNAY NA DIYOS?

SA JUAN 1:1 AT 14, SINO ANG TUNAY NA DIYOS?


SI CRISTO BA ay Diyos o tao?  Siya ba ay tao at Diyos, o tao at hindi Diyos?  Ipinakikilala ng Biblia ang maraming katangian at karangalan ni Cristo.  Siya ay ginawang Panginoon (Gawa: 36), Tagapagligtas (Gawa 5:31), Pangulo ng Iglesia (Col. 1:18), at ipinag-utos Siyang sambahin (Filip. 2:9-11).

     Sa kabila ng lahat ng Kaniyang katangian, pinatutunayan ng mga propeta ng Panginoong Diyos, ng mga apostol, at ng Panginoong Jesucristo mismo na Siya ay tao sa Kaniyang likas na kalagayan at Siya’y iba sa tunay na Diyos (Isa. 53:3; Mat. 1:18, 20; Gawa 2:22-24, Magandang Balita Biblia; I Tim. 2:5; Juan 8:40).

     Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, marami pa rin sa hanay ng mga nagpapakilalang Cristiano ang naniniwalang Diyos ang Panginoong Jesucristo.  Gumagamit sila ng mga talata ng Biblia upang patunayan na aral ng Biblia ang paniniwala nilang ito.

     Ang isa sa mga itinuturing nilang malalakas daw na batayan ng kanilang paniniwalang ito ay ang isinasaad sa Juan 1:1 at 14 na doon ay itinuturo diumano ni Apostol Juan na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao.  Bago pa raw likhain ang sanlibutan ay naroon na Siya o eksistido na.  Tama ba ang kanilang pagkaunawa sa nilalaman ng mga talatang ito?  Suriin natin ang nilalaman ng Juan 1:1 at 14:

     “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa Dios, at ang Salita ay Dios.
     “Nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sa gitna natin …” (New Pilipino Version)

     Paano inuunawa ng iba ang mga talatang ito?  Si Cristo raw ang Salita na may likas na kalagayan na (o eksistido na) noon pang una.  Yayamang si Cristo raw ang Salita at ang Salita ay Diyos, kaya si Cristo raw ay Diyos na umiiral na sa pasimula pa lamang at pagkatapos ay nagkatawang-tao.  Ito ang aral nila na nakapaloob sa sinasabi nilang inkarnasyon o pagkakatawang-tao ng Diyos.

     Ano ang dapat nating mapansin sa nilalaman ng Juan 1:1 at 14?  Una, walang sinasabi sa mga talatang ito na si Cristo ay eksistido o umiiral na sa pasimula pa lamang.  Ikalawa, wala ring sinasabi rito na si Cristo ang tunay na Diyos.  Ikatlo, wala ring sinasabi sa mga talatang ito na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao.

     Kaya, suriin natin ang bawat sugnay (clause) ng talatang Juan 1:1 at ang unang sugnay ng talatang 14.  Paano dapat unawain ang mga sugnay ng mga talatang ito na gaya ng sumusunod?

a)       Sa pasimula ay ang Salita
b)      At ang Salita ay sumasa Dios
c)       At ang Salita ay Dios
d)      Nagkatawang-tao ang Salita (talatang 14)


‘SA PASIMULA AY ANG SALITA’
Talakayin natin ang nilalaman ng unang sugnay.  Paano dapat unawain ang sinabi ni Apostol Juan na, “Nang pasimula ay ang Salita”?  Ano ba ang kahulugan ng terminong “Salita”?  Ito ba ay Cristo na may kalagayan na?  Ganito ang sinasabi sa footnote ng Juan 1:1 sa Bagong Tipan na isinalin ng paring Katoliko na si G. Juan Trinidad:

     “Verbo … at ang Anak ay tinawag Niyang isang uri ng banaag ng kaisipan na nagmumula sa Ama …”

     Ang paniniwala ng Iglesia Katolika tungkol kay Cristo ay Siya ay Diyos.  Ano ang pakahulugan ng isang awtoridad ng Iglesia katolika sa terminong “Verbo”?  Hindi likas na kalagayan kundi isang uri ng banaag ng kaisipan na nagmula sa Ama (Diyos).  Iba ang Verbo o Salita sa tunay na Diyos na kinaroroonan ng salita o kaisipan.  Kaya, sa pasimula ay hindi pa eksistido o hindi pa umiiral ang Panginoong Jesucristo kundi nasa isip pa lamang siya ng Diyos.
     Namalagi ba Siyang nasa isip ng Diyos?  Hindi.  Dumating ang panahong si Cristo ay ipinangako ng Diyos, gaya ng nakasulat sa Roma 1:2-3:

     “Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman.

     Samakatuwid, wala pang umiiral na Cristo sa pasimula kundi Siya ay pangako pa lamang ng Diyos.  Sa halamanan pa lamang ng Eden ay sinalita na ng Diyos ang tungkol kay Cristo (Gen. 3:15) at pagkatapos ay Kaniyang ipinangako kay Abraham (Gen. 17:7; Gal. 3:16).  Ang aral bang ito ng Biblia tungkol sa pagkakaroon ng Cristo na sa pasimula’y balak, panukala o plano pa lamang ng Diyos ay sinang-ayunan maging ng mga nagtuturong si Cristo ay Diyos, gaya ng Iglesia Katolika?  Ganito ang sinasabi ng isang aklat-Katoliko na pinamagatang The Teaching of Christ:  A Catholic Catechism for Adults, pahina 74:

     “Si Cristo ay sadyang inilalarawan mula pa sa pasimula ng kasaysayan ng tao.’  ‘… Si Cristo na siyang magtitipon sa lahat ng anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa sa Kaniyang mistikal na Katawan, na ito, ay ang Iglesia, ay Siyang “panganay sa lahat ng nilalang” (Col. 1:15).’  ‘… Si Cristo ang tiyak na tiyak na una sa banal na plano.’1

     Tinatanggap maging ng mga awtoridad Katoliko na si Cristo ay una sa banal na plano o panukala ng Diyos upang maging panganay sa lahat ng nilalang tulad ng isinasaad sa Colosas 1:15.  Samakatuwid, wala pang Cristo sa kalagayan sa pasimula kundi plano, balak o nasa isip pa lamang Siya ng Diyos.  Kaya sinasabi sa unang sugnay (clause) ng Juan 1:1 na, “Sa pasimula ay ang Salita” (NPV)


‘AT ANG SALITA AY SUMASA DIOS’
Paano ang wastong pag-unawa sa sinabi ni Apostol Juan sa ikalawang sugnay ng Juan 1:1 na, “at ang Salita ay sumasa Dios”?  Ihambing natin ito sa itinuturo din ng Biblia na sa pasimula pa lamang o bago pa lalangin ang daigdig, ang Panginoong Jesucristo ay nasa isip na ng Diyos.  Ito ang pinatutunayan ni Apostol Pedro sa kaniyang sulat sa I Pedro 1:20:

     Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.” (Salin ni Trinidad)

     Sa liwanag ng katotohanang ito, na sa Biblia rin nakasulat, dapat nating unawain ang sinabing “ang Salita ay sumasa Dios.”  Sumasa Diyos ang Kaniyang salita.  Siya ang may-ari o pinagmulan ng salita.  Kapag tinanggap na may kalagayan na sa pasimula ang Salita, bilang isang Diyos, at isinaalang-alang ang sinasabi sa ikalawang sugnay ng Juan 1:1 na “ang Salita ay sumasa Dios,” lilitaw na dalawa ang tunay na Diyos:  ang Salita at ang kinaroroonan ng Salita.  Labag ito sa aral ng Biblia na iisa lamang ang tunay na Diyos (Juan 17:1, 3; I Cor. 8:6).

     Kailan nagkaroon ng katuparan ang sa pasimula ay salita, plano o pangako pa lamang ng Diyos ukol sa Cristo?  Nang Siya ay ipagdalang-tao at ipanganak ng Kaniyang ina na si Maria.  Ito ang pinatutunayan sa Galacia 4:4:

     “ Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan.

     Nang hindi pa ipinagdadalang-tao at ipinanganganak ni Maria ang Panginoong Jesucristo ay hindi pa Siya umiiral, hindi pa Siya eksistido o wala pa Siyang kalagayan.  Sa pasimula ay salita o plano pa lamang ang tungkol sa pagkakaroon ng Cristo.  Ang nagplano o nagsalita ay ang Diyos.  Kaya sinabi ni Apostol Juan sa ikalawang sugnay na, “ang Salita ay sumasa Dios.”  Kung gayon, sino ang tinutukoy ni Apostol Juan na tunay na Diyos sa ikalawang sugnay ng Juan 1:1 (“ang Salita ay sumasa Dios”) na kinaroroonan ng Verbo o ng salita?  Hindi si Cristo kundi ang Ama.  Ito ang pinatutunayan sa sulat din ni Apostol Juan sa Juan 17:1, 3:

     “Pagkasabi ni Jesus nito, tumingala Siya sa langit at nagsabi, ‘Ama, dumating na ang oras. … At ito ang buhay na walang hanggan—ang makilala Ka nila, Ikaw na kaisa-isang tunay na Dios, at si Jesu-Cristong sinugo Mo.’” (Salita ng Buhay)

     Pansinin natin na ang sumulat ng Juan 1:1, 14 ay si Apostol Juan na siya ring sumulat ng Juan 17:1 at 3.  Hindi niya sasalungatin ang kaniyang sariling sulat at pahayag na natutuhan niya mismo sa ating Panginoong Jesucristo.  Sino ang ipinakilalang tunay na Diyos sa sulat ni Apostol Juan?  Ang Ama at hindi si Cristo.


‘AT ANG SALITA AY DIOS’
Suriin naman natin ang sinabi ni Apostol Juan sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1 na “at ang salita ay Dios.”  Ano ang pagkakagamit ng terminong “Dios” sa ikatlong sugnay ng talatang ating pinag-aaralan?  Hindi niya ito ginamit bilang isang pangngalan (noun) kundi bilang isang pang-uri (adjective).  Inuuri lamang niya ang salita ng Diyos.  Ano ang katunayan nito ayon sa Biblia?  Ano ba ang katangian ng salita ng Diyos?  Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan, gaya ng mababasa sa Lucas 1:37.  Ganito ang pahayag:

     “Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.

     Ano rin ang katangian o uri ng Panginoong Diyos na nagsalita?  Ganito ang Kaniyang patotoo mismo sa Genesis 35:11:

     “At sinabi sa kaniya ng Dios, ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; …”

     Samakatuwid, magkauri ang Diyos at ang kaniyang salita sapagkat taglay ng salita ng Diyos ang kapangyarihan ng Diyos na nagsalita.  Kapag sinalita ng Diyos ay tiyak na matutupad (Isa. 46:11).  Ang katotohanang ito’y tinatanggap maging ng ibang mga nagsuri.  Sa aklat na The New Bible Dictionary, ganito ang sinasabi:

     “Ang salita ay may kapangyarihang katulad ng sa Diyos na nagsalita nito.” (p. 703)2

     Kaya, ginamit ang terminong “Diyos” sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1 (“ang Salita ay Dios”) hindi bilang isang pangngalan (noun) kundi bilang pang-uri (adjective).  Inuuri lamang ang salita o ang verbo ng Diyos.  Kauri ng Diyos ang Kaniyang salita sa kapangyarihan kaya sinabing “ang Salita ay Dios.”  Ayon din sa iba pang mga nagsuri, kaya sinabing “ang salita ay Dios” ay upang ipakilala o ilarawan ang uri ng Salita, gaya ng isinasaad sa Aid To Bible Understanding:

     “Una, dapat mapansin na sa teksto mismo ay ipinakikita na ang Salita ay ‘kasama ng Diyos,’ dahil dito ay hindi maaaring ‘maging Diyos,’ samakatuwid baga’y, ang Makapangyarihang Diyos. (Pansinin din ang bersikulo 2, na hindi na sana kailangan kung sinasabi sa bersikulo 1 na ang Salita ay ang Diyos.)  Bilang karagdagan, ang salitang katumbas ng ‘Diyos’ (Griyego, the-os) sa ikalawang paglitaw nito sa bersikulo ay walang pantukoy na ‘ang’ (Griyego, ho).  Tungkol sa katotohanang ito, sinabi ni Obispo Westcott, kasamang gumawa ng Westcott and Hort Greek text of the Christian Scriptures, na:  ‘Talagang ito ay hindi dapat magkaroon ng pantukoy (the-os, hindi ho the-os) yayamang ito ay paglalarawan sa uri ng Salita at hindi nagtuturo ng Kaniyang Persona.’  (Sinipi mula sa pahina 116 ng An Idiom Book of New Testament Greek, na sinulat ni Prof. C.F.D. Moule, 1953 ed.)  Kinikilala rin ng iba pang tagapagsalin na ang terminong Griyego ay ginamit bilang isang pang-uri upang maglarawan sa uri ng Salita, kaya isinalin nila ang parirala nang ganito:  ‘ang Salita ay banal.’” (p. 919)3

     Ayon din sa aklat na ito, ang terminong “Diyos” ay hindi ginamit na pangngalan (noun) kundi pang-uri (adjective), sapagkat ginamit ito upang uriin at ilarawan ang Salita.  Ang salita ay Diyos.  Dapat ding mapansin na sa mga manuskritong Griyego ng Bagong Tipan, ang terminong “diyos” sa nabanggit na sugnay ay walang pantukoy na “ang” (ang katumbas nito sa Griyego ay ho) samantalang kapag ang terminong “Diyos” ay ginagamit bilang pangngalan (noun) ito ay ginagamitan ng pantukoy, samakatuwid baga’y “ang Diyos” (sa Griyego, ho Theos).  Ito rin ang pinatutunayan ni R. H. Strachan, D.D. sa kaniyang aklat na The Fourth Gospel:  Its Significance and Environment:

     “Ang mga pangwakas na salita ng tal. 1 ay dapat isaling, ‘Ang Logos ay banal.’   Dito, ang salitang theos ay walang pantukoy, na nangangahulugang ito ay pang-uri.” (pp. 99)4

     Dahil walang pantukoy na “ang” (sa Griyego, ho) ang terminong “diyos” (sa Griyego, theos) sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1, ito ay ginamit bilang pang-uri (adjective) at hindi bilang pangngalan (noun).  Hindi sinabi ni Apostol Juan na “ang Salita ay ang Dios” kundi “ang Salita ay Dios.”  Kaya, sa ibang mga salin ng Biblia ay sinasabi sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1 na “ang Salita ay banal” (“the Logos was divine”—Moffatt’s Translation; “the word was divine”—Goodspeed’s Translation).


‘NAGKATAWANG-TAO ANG SALITA’
Isa ring karaniwang paniniwala na si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao dahil sinasabi sa Juan 1:14 na, “nagkatawang-tao ang Verbo.”  Para sa mga taong nagtataglay ng ganitong paniniwala, may dalawang likas na kalagayan si Jesucristo:  taong totoo at Diyos na totoo.  Ito ay maling pag-unawa sa nakasulat sa Biblia.  Una, walang nakasulat sa Juan 1:14 na “ang Diyos ay nagkatawang-tao.”  Ikalawa, hindi lamang wala, kundi labag pa, sa Biblia ang paniniwalang ito sapagkat ang Diyos ay hindi tao (Ose. 11:9) at ang tao ay hindi Diyos (Ezek. 28:9).  Ikatlo, kapag tinanggap ang paniniwala na ang Diyos ay nagkatawang-tao, na mula sa kalagayang espiritu na walang laman at mga buto (Juan 4:24; Lu. 24:39 ay naging tao, labag din ito sa aral ng Biblia sapagkat ang Diyos ay hindi nagbabago ni may anino man ng pag-iiba (Mal. 3:6, NPV; Sant. 1:17).  Kung gayon, paano natin dapat unawain ang sinasabi sa talatang 14 na “Nagkatawang-tao ang Salita”?  Natupad ang salita plano ng Diyos tungkol sa pagkakaroon ng Cristo, at tao ang katuparan nito.  Ganito ang mababasa sa Mateo 1:18, 20:

     “Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. …Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

     Ang Diyos ba na nagsalita o ang kinaroroonan ng Salita ang nagkatawang-tao gaya ng ibinibigay na pakahulugan ng iba? Hindi.  Ang nakasulat sa Juan 1:14 ay maliwanag:  “Nagkatawang-tao ang Salita” (NPV).  Walang sinasabi sa talata na ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang-tao.  Kaya sa King James Version ang pagkakasalin ay “And the Word was made flesh” [At ang Salita ay ginawang laman].  Kung may isang taong nagplano na siya’y magtatayo ng bahay, may bahay na ba?  Wala pa dahil plano o salita pa lamang.  Ang salita o planong iyon ay kaisipan at sumasa kaniya sapagkat siya ang nabalak at pinagmulan niyon.  Kalian nagkaroon ng bahay?  Nang matupad ang plano ukol sa kayarian nito.  Nang maitayo na ang bahay, siya ba, na nagsalita, ang naging bahay?  Hindi.  Kaya, hindi rin ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang-tao.  Kung gayon, ano ang katumbas ng sinabing “Nagkatawang-tao ang Salita”?  Natupad ang plano, balak o salita ng Diyos tungkol sa pagkakaroon ng Cristo na sa pasimula’y salita pa lamang ng Diyos—ang katuparan ay tao sa likas na kalagayan.

     Bilang pangwakas, napatunayan natin na nagkamali ng pagkaunawa sa Juan 1:1, 14 ang mga gumagamit ng mga talatang ito upang patunayang si Cristo diumano ay Diyos na nagkatawang-tao.  Labag sa aral ng Biblia ang paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang-tao.  Labag din sa aral ng Biblia ang paniniwalang si Cristo ay Diyos na totoo at tao pang totoo.  Ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos, at ang Panginoong Jesucristo ay sugo ng Diyos—ito ang pagkilalang may buhay na walang hanggan (Juan 17:1, 3, SNB.  *
___________________________________________

ENDNOTES:

1         “ ‘Christ was already foreshadowed at the very beginning of human history.’ ‘Christ who was to gather together all the children of men into the unity of His Mystical Body, that is, the Church is the “first-born of  all creation” (Col. 1:15).’  ‘… Christ is absolutely first in the divine plan.’”  (Lawler, Ronald, O.F.M. Cap., et al., ed.  The Teaching of Christ:  A Catholic Catechism for Adults.  Huntington, Indiana:  Our Sunday Visitor, Inc., 1976.)

2         “The word possesses a like power to the God who speaks.” (J.D. Douglas, ed. The New Bible Dictionary. London:  Inter-Varsity Fellowship, 1962.)

3         “ ‘First, it should be noted that the text itself shows that the word was ‘with God,’ hence could not ‘be God,’ that is, be the Almighty God.  (Note also verse 2, which would be unnecessary if verse 1 actually showed the Word to be God.)  Additionally, the word for ‘god’ (Greek, the-os) in its second occurrence in the verse is without the definite article ‘the’ (Greek, ho).  Regarding this fact, Bishop Westcott, coproducer of the noted Westcott and Hort Greek text of the Christian Scriptures, says:  ‘It is necessarily without the article (the-os not ho theos) inasmuch as it describes the nature of the Word and does not identify his person.’ (Quoted from page 116 of An Idiom Book of New Testament Greek, by Professor C.F.D. Moule 1953. Ed.) Other translators, also recognizing that the Greek term is used as an adjective to describe the nature of the Word, therefore render the phrase:  the Word was divine.” (Aid To Bible Understanding.  Pennsylvania:  Watchtower Bible and Tract Society, 1971.)

4         “The closing words of v. 1 should be translated, ‘the Logos was divine.’  Here the word theos has no article, thus giving it the significance of an adjective.” (Strachan, R. H., D.D.  The Fourth Gospel:  Its Significance and Environment, 3rd ed., London:  SCM Press Ltd., 1941.)


Sinulat ni:
Kapatid na MICHAEL M. SANDOVAL

Kinopya mula sa:
PASUGO GOD’S MESSAGE | NOVEMBER 2004 | VOLUME 56 | NUMBER 11 | PAGES 21-24

Emphasis:
ADMIN.


WHAT TRUE WEALTH BRINGS

WHAT TRUE WEALTH BRINGS



IN ONE WAY or the other, all of us want to be rich.  It tickles us to think of ourselves having lots of money, owning numerous properties and resources that are more than enough to satisfy our wants and desires.
     To achieve this ambition, many of us are willing to do just about anything.  There are those who would use up all their energies to succeed in work, even if it means spending little or no time at all with their family.  Some would even resort to desperate measures such as corrupt practices—all for the sake of gaining material wealth.


THE RICHES OF THIS WORLD
     What most of us fail to see is that after risking everything and achieving prosperity, we have to deal with the fact that the riches we have gained from hard work will not last forever:
     for riches do not last for ever;
    and does a crown endure to all generations?
  (Prov. 27:24, Revised Standard Version)
     Isn’t this kind of wealth this world offers—riches that is temporal, coterminous with man’s strength and life?  Indeed, when the time comes for this earth to meet its end, so will every single penny, every ounce of gold, and every pound of man’s precious treasures be no more:
    The possessions of his house will be carried away,
    dragged off in the day of God’s wrath.
(Job 20:28, Ibid.)
     We don’t have to wait for the day of God’s wrath or judgment to prove for ourselves the limitation of what worldly riches can buy.  We have seen prosperous people die lonely, not being able to enjoy the wealth they have amassed for themselves.  At death, the rich will not be able to take the fruits of their labor down to their graves and only others will benefit instead (Ecc. 6:2).  As Apostle Paul puts it:
     For we brought nothing into the world, and we can take nothing out of it.(I Tim. 6:7, New international Version)
     It is true that money and earthly possessions can do a lot of things for us, but they are not the end-all of our existence.  What we should strive harder to achieve, therefore, is wealth that transcend the boundaries of material satisfaction.


ENDURING WEALTH
     There are riches that are far greater than all the world’s treasures.  The Book of Proverbs mentions of an “enduring wealth and prosperity” (Prov. 8:18, RSV).  Apostle Paul likewise talks about riches found in the Lord Jesus Christ and preached by God’s messengers (Eph. 3:8).
     The significance of the riches the Bible speaks of is that they are enduring or lasting, very much unlike the riches of this world.  We should work much harder to achieve this wealth, for whatever price we have to pay for it is definitely worth it.
     But which is the riches that endures or lasts?
     “There is one who makes himself rich, yet has nothing;
And one who makes himself poor, yet has great riches.

 The ransom of a man’s life is his riches,
But the poor does not hear rebuke.
(Prov. 13:7-8, New King James Version)
     The ransom or the redemption of one’s life is the greatest wealth a person can ever have.  By being redeemed one is spared from the curse of the law under which each human being, on account of sin is placed (Gal. 3:13; Rom. 6:23).  That curse is the death in the lake of fire on Judgment Day (Rev. 20:14) from which no one—not even the riches man on earth—can escape:
    Neither their silver nor their gold
    will be able to save them
    on the day of the Lord’s wrath.”

In the fire of his jealousy
    the whole earth will be consumed,
for he will make a sudden end
    of all who live on the earth.
(Zeph. 1:18, NIV)
      What worldly wealth cannot overcome the true riches which is in the redemption of the soul can ultimately outlast.  No matter how much pleasure we can derive from the riches of the world, the fact remains that such wealth can do nothing to save us on the day of God’s wrath (Prov. 11:4)

THROUGH CHRIST’S BLOOD
     The value of redemption is further manifested in the way it was carried out.  No less than the precious blood of Christ was shed to redeem the sins of the fortunate ones:
     “In him we have redemption through his blood, the forgiveness of sins, in accordance with the riches of God’s grace.” (Eph. 1:7, NIV)
     Through the redemption of Christ, man’s sins are forgiven, the curse of the law removed, and eventually, salvation is to be rewarded.  Those redeemed by the blood of Christ are the ones who have received such riches brought about by God’s grace.  So, if you are among those who toil themselves to the bones just to get rich in material possessions, all the more should you seek to avail of Christ’s redemption.  It is the true wealth that lasts.


THE REDEEMED
     Redemption, however, is not achieved by merely professing belief or faith in Christ.  The Bible specifically identifies who the redeemed ones are:
     “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.”  (Acts 20:28, Lamsa Translation)
     To be among the redeemed, one must join the Church of Christ or the Iglesia ni Cristo, for it is the one purchase by the blood of the Lord Jesus.  Hence, if we refuse to join the Church, we are, in effect turning down the chance to become rich in the biblical sense of the word.
     If we are members of the Church of Christ, we have the right to become heirs of the kingdom promised by God.  So even if many of us are poor by human standards, we can be counted among those considered rich in the sight of God (Js. 2:5).
     On the other hand, we may be prosperous in terms of money and material belongings, but without having received redemption, or being nonmembers of the Church of Christ, we are but poor, helpless souls bound to suffer eternal punishment on the day of Judgment.


A MATTER OF PRIORITY
     This truth compels us to consider which among our priorities should take the highest rank.  Do we put more weight on acquiring mundane riches?  If so, we are resigning ourselves to the sad fate awaiting all sinners at the end of the world.  Do we value the true wealth taught in the Bible above the riches of this world?  Then we should not allow our ambitions of succeeding in this life hinder our quest for the other, which is the eternal life in heaven.
     Moses exemplifies a person of such a strong conviction.  He chose to give up his royal privileges as an adopted son of the pharaoh’s daughter in exchange for being counted among God’s people:
     “It was faith that made Moses, when he had grown up to be called the son of the king’s daughter.  He preferred to suffer with God’s people rather than to enjoy sin for a little while.  He reckoned that to suffer scorn for the Messiah was worth for more than the treasures of Egypt, for He kept his eyes on the future reward.”  (Heb. 11:24-26, Today’s English Version)
     In the olden times, Egypt was a rich and powerful nation.  Moses could have opted to live and enjoy the luxurious life of a prince by just staying there.  But he didn’t.  He moved out to search for the better land God prepared for His people even if it meant stepping down to the level of a slave.  Between the treasures of the Egypt and the future reward promised by God, Moses preferred the latter to the former, the eternal to the mundane.
     Not that God wants us to renounce all material possessions and ambitions, as would a pagan ascetic.  The point here is, during crucial moments when we have to choose between material considerations and God’s riches, we should know which one to prefer over the other.
     The way to God’s wealth is not easy path.  We must avail of Christ’s redemption, enter in His Church, and remain as faithful servants till the end.  Along the road, we will encounter trials and we have to make sacrifices to prove our faith.  The true Church of Christ members are expected by the Lord to give up material wealth and choose the true wealth that is in Christ.  This will not be a difficult task for us.  As Apostle Paul said:
     “But all those things that might count as profit I now reckon as loss for Christ’s sake.  Not only those things; I reckon everything as complete loss for the sake of what is so much more valuable, the knowledge of Christ Jesus my Lord.  For his sake I have thrown everything away; I consider it all as mere garbage, so that I may gain Christ and be completely united with him …” (Philip. 3:7-9, Ibid.)  *


Pamphlets
Published by the Iglesia ni Cristo
Editorial Office:  Iglesia ni Cristo Central Office
No. 1 Central Ave., New Era, Quezon City

ANG PAKIKIPAG-ISA KAY JESUS

ANG PAKIKIPAG-ISA KAY JESUS

Walang kapantay ang biyayang kaloob ng Diyos sa tao sa pamamagitan ni Jesucristo na Kaniyang Anak.  Ang Panginoong Jesucristo ang ating pag-asa upang matubos tayo at mapatawad sa kasalanan at maligtas sa kaparusahang walang hanggan.  Sa pamamagitan Niya ay makapapasok tayo sa kaharian ng Diyos upang doon ay tamasahin natin magpakailanman ang buhay na walang hanggan, ang buhay na laya na sa lahat ng uri ng pagdurusa.  Gaano man kalaking kayamanan sa mundo, at kahit ang buong mundo mismo, ay hindi maitutumbas sa mga dakilang biyayang ito.

     Subalit matatamo lamang natin ito kung tayo ay NAKAUGNAY kay Jesus.  Kaya, kung paanong may mabubuting ugnayang nais nating itatag, panatilihin, at palaguin, katulad ng kaugnayan sa kasambahay, kamag-anak, kaibigan, at maging sa kasosyo sa negosyo, ang lalong dapat nating hangarin at pagsikapan ay ang tayo’y magkaroon ng KAUGNAYAN sa ating Panginoong Jesucristo.

     Paano ba magkakaroon ang tao ng kaugnayan kay Cristo?  Sapat na kaya ang sinasabi ng iba na tinanggap na nila si Cristo bilang Panginoon at pansariling Tagapagligtas?  Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga Cristiano sa Corinto ay ipinaalala niya KUNG PAANO SILA NAGKAROON NG KAUGNAYAN sa Panginoong Jesucristo:

     “TAPAT ANG DIYOS  NA TUMAWAG SA INYO UPANG KAYO’Y MAKIPAG-ISA SA KANYANG ANAK NA SI JESU-CRISTONG ATING PANGINOON” (I Cor. 1:9, Magandang Balita Biblia)

     Malibang tawagin at dalhin ng Diyos ang tao ay hindi siya makalalapit kay Jesucristo (Juan 6:44).  Kaya, hindi mapanghahawakan ang sinasabi ng marami ngayon na sila’y kay Cristo na, dahil lamang sa tinanggap na raw nila ang Panginoon sa kanilang puso.  Totoong dapat sumampalataya kay Jesus, subalit malinaw ang pahayag ng Biblia na ang mga nakipag-isa kay Cristo ay ang mga TINAWAG NG DIYOS.  Kaya, dapat tiyakin ng tao na kabilang siya sa mga tinawag ng Diyos.


KUNG PAANO TINATAWAG NG DIYOS
Paano tinawag ng Diyos ang mga unang Cristiano?  Sa II Tesalonica 2:14 ay ganito ang paliwanag ni Apostol Pablo:

     “TINAWAG KAYO NG DIOS SA PAMAMAGITAN NG EBANGHELYONG IPINANGARAL NAMIN SA INYO upang makahati kayo sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-cristo.” (New Pilipino Version)

     Ang pagtawag ng Diyos ay sa pamamagitan ng pangangaral ng Kaniyang salita.  Subalit HINDI DAPAT IPAGKAMALI na lahat ng pangangaral ay pagtawag ng Diyos sa tao.  Ibinabala ng Panginoong Jesucristo na sa mga huling araw ay lilitaw ang maraming bulaang tagapangaral at ililigaw ang marami (Mat. 24:24).

     Ang pangangaral na siyang tunay na pagtawag ng Diyos ay ang PANGANGARAL NG SINUGO NIYA.  Walang karapatang mangaral ng dalisay na ebanghelyo ang hindi sinugo ng Diyos, gaya ng binigyang-diin ni Apostol Pablo:

     “AT PAANO SILANG MAGSISIPANGARAL, KUNG HINDI SILA MGA SINUGO?” (Roma 10:15)

     “BULAANG TAGAPANGARAL” ang tawag ng Panginoong Jesucristo sa nangangahas mangaral ng ebanghelyo na hindi naman sinugo ng Diyos.  Hindi lamang walang karapatang mangaral ang hindi sugo, kundi ang ipinangangaral niya ay hindi tunay na ebanghelyo.  Ayon kay Apostol Pablo:

     “Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. ” (Gal. 1:6-7)

     Ang mga bulaang tagapangaral ay mapagpanggap.  Sinisitas din nila ang mga talata ng Biblia upang mapapaniwala ang mga tao na sila’y kay Cristo.  Ngunit palibhasa’y hindi pinagkaloobang makaunawa ng salita ng Diyos, ang kanilang itinuturo ay lihis sa katotohanan (Mar. 4:11; II Ped. 3:16).  Sinabi ni Apostol Pablo na pinasasama nila ang ebanghelyo—pinipilipit o binibigyan nila ng ibang pakahulugan ang mga nakasulat sa Biblia kaya ang kanilang turo ay labag na sa aral ng Diyos.

     Kung gayon, hindi tayo dapat na basta maniwala na lamang sa kung sinu-sinong mangangaral.  Dapat nating tiyakin na ang ating pinakikinggan ay sinugo ng Diyos .  Ipinaliliwanag ng Biblia kung bakit ito mahalaga:

     “SAPAGKA’T ANG SINUGO NG DIOS AY NAGSASALITA NG MGA SALITA NG DIOS.” (Juan 3:34)

     Ang mga sugo sa pangalan ni Cristo ang pinagkatiwalaan ng Diyos ng Kaniyang salita o ng ebanghelyo (II Cor. 5:18-20).  Sila ang Kaniyang mga kasangkapan sa pagtawag sa tao upang ipakisama sa Kaniyang Anak na si Jesucristo.  Ang pangangaral nila ay katumbas ng pagtawag ng Diyos sa tao.  Kaya, kung nais nating magkaroon ng kaugnayan kay Jesucristo ay dapat nating pakinggan at sampalatayanan ang pangangaral ng sugo ng Diyos na magbubunga ng pakikipag-isa kay Cristo.  Ang kaisa Niya ang nakaugnay sa Kaniya.



KUNG SAAN TINATAWAG
Subalit, hindi rin dapat na ipagkamali na makinig lamang at sumampalataya sa tunay na ebanghelyo ay sapat na upang ang tao ay magkaroon ng kaugnayan kay Cristo.  Saan dapat humantong ang pagsampalataya natin sa pangangaral ng sugo?  Ayon kay Cristo, ang sumasampalataya sa ebanghelyo ay kailangan ding mabautismuhan.  Sa Marcos 16:15-16 ay nakatala ang pahayag Niyang ito:

     “At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.  Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.”

     Iniutos ng Panginoong Jesucristo sa Kaniyang mga alagad na ipangaral ang ebanghelyo sapagkat ito ang paraan ng pagtawag ng Diyos sa tao upang ipakipag-isa sa Kaniya.  Ipinangako ni Cristo na ang sumasampalataya sa pangangaral ng sugo at tumanggap ng tunay na bautismo ay maliligtas.

     Ang mga tumanggap ng bautismong iniutos ni Jesus ay nasa isang katawan, ayon sa I Corinto 12:13:

     “Tayong lahat—maging Judio o Griego, alipin o malaya—ay binautismuhan sa iisang Espiritu UPANG MAGING SANGKAP NG ISANG KATAWAN. (NPV)

     Sa ibang sulat ni Apostol Pablo ay maliwanag na sa isang katawan dinadala ang mga tinawag ng Diyos:

     “At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.” (Col. 3:15)

    Ang tinutukoy na “isang katawan” ay ang Iglesiang pinangunguluhan ni Cristo:

     “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia.” (Col. 1:18)

     Ang pangalan ng Iglesiang katawan ni Cristo ay Iglesia ni Cristo:

     “Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16, NPV)

     Kung gayon, ang dapat ibunga ng pagsampalataya sa mga tunay na aral na ipinangangaral ng mga sugo ng Diyos ay ang PAG-ANIB SA IGLESIA NI CRISTO.  Ito ang wastong pagtugon sa pagtawag ng Diyos na tayo’y makipag-isa sa Kaniyang Anak na si Jesucristo.


KUNG PAANO NAGING KAISA
Ang mga umanib sa tunay na Iglesia ni Cristo ang naging kaisa ni Cristo sapagkat, sa harap ng Diyos, si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay isang taong bago:

     “Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan.” (Efe. 2:15)

     Ang isang taong bago ay nilalang sa pamamagitan ng pagkakaugnay ni Cristo na Siyang ulo sa mga tinawag bilang sangkap na bumubuo sa isang katawan o Iglesia (I Cor. 12:27). ANG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO, KUNG GAYON, ANG MAY KAUGNAYAN SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO.  Ito ang pinatutunayan mismo ni Apostol Pablo:

     “ISANG DAKILANG KATOTOHANAN ANG INIHAHAYAG NITO—ANG KAUGNAYAN NI CRISTO SA IGLESYA ANG TINUTUKOY KO.” (Efe. 5:32, MB)

     Bilang kaanib sa Iglesia o sangkap ng katawan ni Cristo hindi lamang kay Cristo tayo may kaugnayan kundi maging sa Ama (Juan 17:9-11). Dahil dito, makaaasa tayo sa mga dakilang biyayang ipinangako ng Diyos—ang kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom at ang pananahanan sa piling Niya at ng Kaniyang Anak na si Jesucristo sa Bayang Banal magpakailanman  *

Isinulat ni:
Kapatid na ALBERT P. GONZALES

Kinopya mula sa:
PASUGO GOD’S MESSAGE
FEBRUARY 2006
PAGES 25-26

Emphasis:
ADMIN.