ANG
KALIGAYAHANG WALANG HANGGAN
NAKAMTAN NG HARING Solomon ang maraming mabubuting bagay
sa mundo. Gayunman, sa bandang huli ay
napagtanto rin niyang wala sa mga bagay na iyon ang tunay na kaligayahan. Sinabi niya…
Ukol sa kayamanan: “…Nguni’t ang mayaman ay di dalawin ng antok kahit labis
siya sa pangangailangan.” (Ecles. 5:12, Magandang Balita Biblia)
Ukol sa Kadakilaan: “Higit akong dinakila kaysa sinumang haring nauna sa
akin. …Inisip kong mabuti ang mga ginawa ko at ang hirap na aking pinuhunan. Nakita kong ang lahat ay pawang walang
kabuluhan…” (Ecles. 2:9, 11, Ibid.)
Ukol sa karunungan: “Hanggang lumalawak ang kaalaman ay dumarami ang
alalahanin, at habang dumarami ang nalalaman ay lalong tumitindi ang sakit.”
(Ecles. 1:18, Ibid.)
Ang kaligayahan sa mundong ito ay panandalian lamang—agad
na napapawi at kadalasa’y napapalitan ng kalungkutan at pagdadalamhati. Minsa’y nasabi ni Solomon:
“Kaya inisip kong wala ring halaga ang buhay pagkat pawang
kahirapan lamang ang dulot sa akin.
Lahat nga ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.” (Ecles.
2:17, Ibid.)
ANG LIGAYANG DULOT ng kayamanan at karunungan sa mundong
ito ay hindi pamalagian. Makapagdulot
man ito sa atin ng kagalakan, pagdating ng matinding kalumbayan ay agad din
itong napaparam.
Hangad nating makamtan ang tunay na kaligayahan. Ngunit habang tumitindi ang hapis na ating
nararanasan ay nangangamba tayo kung masusumpungan pa natin ang kaligayahang
ating hinahangad.
Hindi imposibleng ito ay ating matamo. Itinuturo ng Biblia kung saan naroon ang
tunay na kaligayahan at kung paano ito mapapasaatin.
ITUON ANG ISIPAN SA PANGAKO NG DIYOS
Natitiyak nating may isang dako na kinaroroonan ng tunay
na kaligayahan sapagkat ito’y ipinangako ng Diyos:
“… ‘Ako ay lilikha Isang bagong lupa’t isang bagong
langit… Kaya naman kayo’y Dapat na magalak sa aking nilalang, Yamang nilikha ko
itong Jerusalem Na ang aking pakay maging kagalakan ng mga hinirang’.”
(Isa. 65:17-18, Magandang Balita Biblia)
Ang lupang ipinangako ng Diyos ay ang Bayang Banal. Ang mapapalad na tatahan doon ay mapupuspos
ng kagalakan, sapagkat doon ay “papahirin niya ang
bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi
na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng panambitan man, o ng hirap pa man”
(Apoc. 21:4).
PAGSIKAPANG MASUMPUNGAN SA KAPAYAPAAN
Upang makatahan sa Bayang Banal, kailangan nating
magkaroon ng kapayapaan sa Diyos:
“Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran. Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.” (II Ped. 3:13-14)
At upang magkaroon tayo ng kapayapaan sa Diyos na kaloob
ni Cristo, dapat nating dinggin ang Kaniyang panawagan na tayo’y maging bahagi
ng “isang katawan”:
“…Sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging
bahagi ng isang katawan.” (Col. 3;15, MB)
Ang tinutukoy na isang katawan ay ang Iglesia ni Cristo:
“Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan.”
(Col. 1:18, Ibid.)
“…Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma
16:16, New Pilipino Version)
MAGLINGKOD SA DIYOS HANGGANG WAKAS
Hindi sapat na tayo’y umanib sa Iglesia ni Cristo upang magkaroon ng kapayapaan sa Diyos. Ang mga kaanib sa Iglesia ay kailangang
manatiling tapat na naglilingkod sa Diyos at sumusunod sa Kaniyang mga utos
hanggang wakas upang makatahan sa Bayang Banal:
“Kaya’t kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng
Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus.
… ‘Mula ngayon, mapapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang
kamatayan!’ ‘Tunay nga’, sabi ng
Espiritu. ‘Magpapahinga na sila sa
kanilang pagpapagal; sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa’.”
(Apoc. 14:12-13, MB)
HUWAG SAYANGIN ANG PAGKAKATAONG
MAKAMIT ANG TUNAY NA KALIGAYAHAN
Umanib sa Iglesia
ni Cristo at manatili sa kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa
Kaniyang mga utos. Sa ganito,
makapananahan tayo sa Bayang Banal at tatanggap ng kagalakang hindi mapapawi
kailanman.*
Nais mo ba ng payapa at
maligayang buhay?
May itinuturo ang Biblia na dakong kinaroroonan ng
kaligayahang walang hanggan—isang bayan na doon ay wala nang hirap, hapis, at
kalungkutan.
Alamin mo kung paano makararating doon. Suriin ang mga salita ng Diyos na siyang
papatnubay sa iyo.
Inaanyayahan ka namin sa aming mga pagsamba.
Polyeto
Inilathala ng Iglesia ni
Cristo
Patnugutan: Iglesia ni Cristo Central Office
No. 1 Central Ave., New Era
Lunsod ng Quezon 1107
Pilipinas
Tel. Blg. (632) 981-4311
Bible Study Suggestion: If you have further questions, please feel free to visit the Iglesia ni Cristo congregation nearest you. A minister or an evangelical worker would be happy to answer any biblical question you have in mind.
IGLESIA NI CRISTO SITE
Bible Study Suggestion: If you have further questions, please feel free to visit the Iglesia ni Cristo congregation nearest you. A minister or an evangelical worker would be happy to answer any biblical question you have in mind.
IGLESIA NI CRISTO SITE