Huwebes, Disyembre 11, 2014

KUNG SAAN NAROON NGAYON ANG IGLESIA NA ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO SA JERUSALEM

KUNG SAAN NAROON NGAYON ANG
IGLESIA NA ITINAYO NI CRISTO NOONG
UNANG SIGLO SA JERUSALEM



ITINUTURO ng Banal na Kasulatan na si Cristo ay nagtayo ng Kaniyang Iglesia noong unang siglo sa Jerusalem.  Ang pangalang itinawag dito ng mga Apostol ay IGLESIA NI CRISTO (Roma 16:16), sapagka’t sinabi ni Cristo:  “… itatayo ko ang AKING IGLESIA…” (Mat. 16:18).  Ang kahulugan ng salitang IGLESIA NI CRISTO ay KATAWAN NI CRISTO, sapagka’t ang Iglesia ay katawan ni Cristo at si Cristo ang ulo (Col. 1:18).  Ang tanong ay:  “SAAN NAROON NGAYON ANG IGLESIA NA ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO SA JERUSALEM?”  Kung si Cristo’y nagtayo ng Iglesia noong unang siglo sa Jerusalem at ito’y tinawag na Iglesia ni Cristo, saan naroon ngayon ito? Bakit natin ito hindi kinagisnan?  Bakit Iglesia Katolika Apostolika Romana ang ating kinagisnan sa Pilipinas?  Ano ang nangyari sa Iglesiang itinayo ni Cristo?  Ito ngayon ang ating pag-aaralan, hindi batay sa kuru-kuro o pala-palagay ng sumulat nito, kundi batay sa mga talata ng Banal na Kasulatan at mga reperensiya.

SAAN NAROON NGAYON ANG IGLESIA NA
ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO SA JERUSALEM?
     Sa Mat. 24:11, ay ganito ang ipinahayag ni Cristo tungkol sa mangyayari sa Iglesiang itinayo Niya:

     “At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.”

     Ano ang mangyayari ayon sa hula ni Cristo?  Ang marami sa Kanyang mga alagad ay ililigaw.  Sino ang magliligaw?  Ang magsisibangong maraming bulaang propeta.  Sino itong mga bulaang propeta na magliligaw sa Iglesia ni Cristo? Makikilala ba natin ang mga ito?  May tanda bang ibinigay si Cristo na siyang ikakikilala sa mga bulaang propeta?  Sa Mat. 7:15, ay ganito ang nasusulat:

     “Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.”

Paano natin makikilala?  Sa damit na kanilang isusuot.  Anong damit itong isusuot ng mga bulaang propeta?  Sila’y lalapit na may damit-tupa, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila.  May damit ba ang hayop na tupa? Wala!  Bakit sinabi ni Jesus na ang mga bulaang propeta ay nakadamit tupa?  Sino ba ang tupang may damit?  Sa Juan 1:29, ay ganito ang nasusulat:

“Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

     Sinasabi sa talatang ito na si Jesus ay Cordero ng Diyos.  Ang salitang Cordero ay wikang Kastila na ang katapat sa wikang Pilipino ay Tupa.  Samakatuwid, si Jesus ang tupa na nagdaramit.  Ang damit ng tupang si Jesus ang tutularan ng mga bulaang propeta.  Sinong mga tao ang nagdaramit ng katulad ng kay Jesucristo?  Sa aklat ng paring si Enrique Demond na pinamagatang Ang Aral na Katoliko, pahina 195, ay ganito ang nasusulat:

     “Ang pananamit ng paring nagmimisa… Ang paring gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesucristo…”

     Sinong mga tao ang nagdaramit ng katulad ng sa ating Panginoong Jesucristo?  Ang mga pari ng Iglesia Katolika.  Iyan ay ayon sa paring Enrique Demond.  Ano ba iyong damit na isinuot ni Jesus na siyang tinutularan ng mga paring katoliko?  Ang sasagot sa tanong na iyan ay isang manunulat at depensor katoliko na si Ginoong Lino D. Javier.  Sa aklat na sinulat ni G. Javier na pinamagatang Saradong Katoliko Romano Kami, pahina 55, 56, ay ganito ang nasusulat:

      “T.  Bakit naman kaibigang Santos, ang Santo Papa, mga Obispo, at mga Pari ay mahahaba ang laging suot na damit, at hindi tuloy makilala kung sila’y babai o lalaki?  Bakit hindi pa ang isuot nila ay ang mga damit na tulad ng ugaling isinusuot natin ngayon?
      “S. Nakikilala ng mga tunay na Kristiano ang mga Alagad ng Diyos, na sila’y mga lalaki:  at ang damit na mahaba ay ‘uniforme,’ bilang ipinakikilala nga na sila’y mga Apostol, na hindi nila inaalis ang damit na mahaba na isinuot ng ating Panginoon sa kapanahunan Niya.”

     Ayon kay G. Javier, ang damit na mahaba raw ng pari ay uniforme at ipinakikilala raw nito na ang mga pari ay mga Apostol, at hindi raw inaalis ng pari ang damit na mahaba na isinuot ni Cristo noong kapanahunan Niya.  Maliwanag, kung gayon, na ang mga pari nga ng Iglesia Katolika ang nagsusuot ng damit na katulad ng damit ni Jesus.  Samakatuwid, ang mga paring katoliko ang mga bulaang propeta.  Sila ang hinulaan ni Jesus na magliligaw o magtatalikod sa Iglesiang itinayo Niya noong unang siglo sa Jerusalem.  Papaano maitatalikod o maililigaw nitong mga bulaang propeta o ng mga pari itong mga alagad ni Jesus?  Sa I Tim. 4:1 ay ganito ang sinasabi:

     “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,”

     May magtuturo ng aral ng mga demonio at ito ang pakikinggan ng mga alagad ng ating Panginoong Jesucristo, kaya sila’y matatalikod sa pananampalataya. Ano ang dalawa sa aral ng mga demonio na binabanggit ni Apostol Pablo sa pagkakataong iyon?  Sa talatang 3 ay ganito ang sinasabi:

     “Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”

     Ang dalawa sa aral ng mga demonio ay, ipagbabawal ang pag-aasawa at ipag-uutos na lumayo sa lamangkati.  Sino ang nagtuturo ng aral ng demonio nabawal ang pag-aasawa?  Sa aklat na sinulat ni Cardinal Gibbons na pinamagatang The Faith of Our Fathers, at tinagalog ni G. Rufino Alejandro at tinawag na Ang Pananampalataya ng ating mga Ninuno, pahina 396, ay ganito ang sinasabi:

     “Ang disiplina ng Iglesia (Katolika)  ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga saserdote na mag-asawa pagkatapos na sila’y maordenan.”

     Pinatutunayan sa atin dito  ni Cardinal Gibbons na ang nagbawal ng pag-aasawa, na ito’y aral ng demonio, ay ang Iglesia Katolika, at ang pinagbabawalang mag-asawa ay ang mga saserdote o mga pari.  Kung gayon, ang Iglesia Katolika ang nagtuturo ng aral ng demonio na bawal ang pag-aasawa.  Sino naman ang nag-utos na lumayo sa lamangkati, na ito’y aral din ng demonio?  Sasagutin tayo ng paring si Demond.  Sa aklat ng pa ring ito na pinamagatang Ang Aral Na Katoliko, pahina 139, ay ganito ang nasusulat:

     “Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia (Katolika) sa atin na magayuno at huwag kumain ng anomang lamangkati o karne sa mga araw na ipinagbabawal niya.”

     Malinaw na inaamin dito ng paring si Enrique Demond na ang Iglesia Katolika ang nag-utos na lumayo sa lamangkati o huwag kumain ng karne, na ito’y isa sa aral ng demonio.  Ang mga aral na ito ng demonio ang pinakinggan ng mga alagad ni Cristo, kaya sila’y natalikod sa pananampalataya.

     Ano ang iminamatuwid ng mga tagapagturong katoliko na dahilan ng kanilang pagbabawal ng pag-aasawa?  Ganito ang iminamatuwid ni Cardinal Gibbons:

     “Walang mahahagilap tayong katibayan sa Banal na Kasulatan na ang sinuman sa mga Apostoles, maliban kay San Pedro, ay may asawa” (Pananampalataya ng ating mga Ninuno, pahina 395)

     Nagsasabi kaya ng totoo si Cardinal Gibbons na umano’y walang mahahagilap na katibayan sa Banal na Kasulatan na ang mga Apostol ay may asawa, liban kay Apostol Pedro?  Kung may mahagilap kaming katibayan sa Banal na Kasulatan na ang mga Apostol ay may asawa, papaya kaya si Cardinal Gibbons na siya at ang kanyang mga kasamang pari ay mga mangmang sa Biblia?  Kung sasabihin naman nilang alam din nila itong aming ipakikitang katibayan, papayag naman kaya na sila’y magdaraya?  Sa I Cor. 9:5, narito ang katibayan na ang mga Apostol ay may asawa:

     “Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas?”

     May asawa ba ang iba’t ibang mga Apostol?  Mayroon, ayon kay Apostol Pablo, gayundin ang mga kapatid ng Panginoon at si Cefas.  Sino ba ang tinatawag na mga kapatid ng Panginoon?  Si Apostol Santiago at Apostol Juan (Gal. 1:19, Mar. 5:37).  Si Cefas naman ay si Apostol Pedro (Juan 1:42).  Ang katunayang may asawa si Pedro, siya’y may biyenan (Mat. 8:14).  Bakit sasabihin ni Cardinal Gibbons na walang mahahagilap na katibayan sa Banal na Kasulatan na ang mga Apostol ay may asawa, liban kay San Pedro?  Maliwanag na siya’y nagsisinungaling!  Maging ang mga Obispo ng Iglesiang itinatag ni Cristo, ay pinahihintulutan ding mag-asawa:

     “Dapat nga na ang Obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae…” (I Tim. 3:2)

     May asawa ba ang mga Obispo sa Iglesiang itinatag ni Cristo?  Mayroon, ayon kay Apostol Pablo.  Dapat na ang Obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae.  Nguni’t palibhasa’y ang Iglesia Katolika’y hindi naman itinatag ni Cristo, kaya ipinagbabawal sa kanyang mga Obispo at mga Pari ang pag-aasawa, na ito ay aral ng demonio.

GALING BA KAY JESUS ANG PANGALANG
IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA?
     Ang sasagot sa tanong na iya’y ang paring katolikong si Juan Trinidad.  Sa aklat ng paring ito na pinamagatang Iglesia ni Cristo, pahina 10, ay ganito ang sinasabi:

     Hindi galing kay Jesus ang pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.” 

     Maliwanag ang sagot ni Pari Juan Trinidad, hindi raw galing kay Jesus ang pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.  Dito ay may tutol ang mga pari.  Hindi raw sila ang may sabi nito kundi kami raw.  Inuulit daw lamang nila ang sinasabi ng Iglesia ni Cristo.  Nguni’t sinasang-ayunan naman ito ng mga pari, katunaya’y nagmamatuwid sila.  Ganito ang pagmamatuwid ng paring si Juan Trinidad:

     “Hindi galing kay Jesus ang pangalang ‘Iglesia Katolika Apostolika Romana,’ nguni’t gaya ng sabi sa mga Ingles:  ‘A rose by any other name will be sweet still.’  Hindi ang pangalan ang dapat pagtalunan kundi ang katotohanan.”  (Iglesia ni Cristo, p. 10).

     Dito’y maliwanag na tinatanggap ng mga pari na hindi nga galing kay Jesus ang pangalan ng kanilang Iglesia.  Nguni’t kung hindi man daw galing kay Jesus ang pangalang “Iglesia Katolika Apostolika Romana”  ang kasabihang Ingles daw naman ay nagsasabing:  “Ang rosas , tawagin man sa ibang pangalan, ay mabango pa rin.”  At hindi raw ang pangalan ang dapat pagtalunan kundi ang katotohanan.  At sapagka’t hindi galing kay Jesus ang pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana, saan ito galing?  Saan galing ang pangalang ito?  Sa aklat na sinulat ng paring si Clement H. Crock na pinamagatang “The Apostles’ Creed,” pahina 191, ay ganito ang sinasabi:

     “In 1870, at the Vatican Council, the name Roman Catholic Church was proposed, but it was rejected.  The bishops assembled unanimously decided upon the official name:  ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church’.”

     Sa wikang Pilipino:
     “Noong 1870, sa Konsilyo ng Batikano, ang pangalang ‘Iglesia Katolika Romana’ ay pinanukala, nguni’t tinutulan.  Ang mga obispong nagkatipon ay buong pagkakaisang nagpasya sa opisyal na pangalang ito:  ‘Ang Banal na Iglesia Katolika Apostolika Romana’.”

     Sino ang lumikha ng pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana?  Ang Konsilyo ng Batikano!  Kailan?  Noong 1870.  Samakatuwid, hindi nga kay Cristo galing ang Iglesia Katolika Apostolika Romana kundi sa mga Obispo na nagkatipon sa Konsilyo sa Batikano noong 1870.  Aling Iglesia ang itinayo ni Cristo, ayon sa paring katolikong si Francis B. Cassilly?  Sa aklat ng paring ito na pinamagatang Religion Doctrine and Practice, pahina 442, ay ganito ang sinasabi:

     “Did Jesus Christ establish a Church?

     “Yes from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after him the Christian Church or the Church of Christ.”

     Sa Pilipino:
     “Si Jesucristo ba’y nagtayo ng Iglesia?

     “Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, maging pansanlibutan at di ukol sa kabanalan, lalung-laluna sa mula sa Biblia na kinikilalang isang dokumentong makatao, natutuhan natin na si Jesucristo’y nagtayo ng Iglesia, na mula sa kauna-unahang panahon ay tinawag ng sunod sa Kanya ang Iglesia Cristiana o ang Iglesia ni Cristo.”

     Maliwanag na pinatutunayan ng paring katolikong si Francis B. Cassilly na Iglesia ni Cristo ang itinayo ni Cristo—hindi Iglesia Katolika Apostolika Romana.  Ano ba ang kahulugan ng salitang Katoliko?  Ganito ang sagot ng paring si Enrique Demond na mababasa sa kanyang aklat na pinamagatang Ang Aral Na Katoliko, pahina 83:

     “Ang Iglesia Romana lamang ang tunay na katolika,  ang kahulugan ng wikang katoliko ay universal o kung tatagalugin ay laganap sa lahatUniversal o laganap siya dahil sa pagkakakalat.”

     Ayon kay Pari Demond, ang kahulugan daw ng salitang katoliko ay universal o laganap sa lahat—samakatuwid ay laganap sa boong sanlibutan.  Ipinagmamalaki pa ito ng mga pari.  Ang Iglesia Romana lamang daw ang tunay na katolika o laganap sa boong mundo.  Dahil kaya rito’y sa Diyos na at maliligtas ang Iglesia Romana?  Ayon naman kay Jesus, saan patungo itong marami o laganap sa boong sanlibutan?  Sa Mat. 7:13-14, ay ganito ang sinasabi:

     “Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.  Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.”

     Saan patungo ang marami o ang laganap ayon kay Jesus?  Patungo sa pagkapahamak!  Pintuang maluwang ang pinasukan nitong marami o laganap.  Mapapahamak ang lahat ng nagsipasok dito.  Samakatuwid, hindi katunayang sa Diyos at maliligtas, dahil sa ito’y marami o laganap sa boong mundo.   Ang pumasok sa pintuang maluwang o sa Iglesia katolika ay mapapahamak.  Alin ang pintuan sa ikaliligtas?  Ang sabi ni Jesus:  “Ako ang pintuan;  ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas…” (Juan 10:9).  Si Jesus ang pintuang makipot na patungo sa buhay.  Ang pumasok sa Kanya ay maliligtas at magtatamo ng buhay na walang hanggan (I Juan 5:11-13).

     Ano ba ang tawag sa mga kaanib na bumubuo sa Iglesia Katolika?  Sa isang polyeto na pinamagatang Maikling Katesismo Ng Aral Na Kristiyano, pahina 50, ay ganito ang sinasabi:

     “178. Ano ang tawag sa mga taong sumusunod sa Santo Papa at sa mga Obispo?
     “Ang mga sumusunod sa Santo Papa at mga Obispo na parang kanilang pinuno at ama ng kaluluwa ay tinatawag na mga Katoliko at sila ang mga kaanib na bumubuo ng Santa Iglesia Katolika.”

     Katoliko ang tawag sa mga taong sumusunod sa mga Papa at mga Obispo, o sa mga kaanib na bumubuo sa Iglesia katolika.  Ano naman ang tawag sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo?  Sa Gawa 11:26, ay ganito ang sinasabi:

     “At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia.”

     Ano ang tawag?  Cristiano!  Cristiano ba ang hindi Iglesia ni Cristo?  Ganito ang sabi ng Papa ng mga katoliko na mababasa sa aklat na Papal Encyclicalsmga Sulat ng Papa, pahina 39:

     “Whoever he is and whatever he is, he who is not in the Church of Christ is not a Christian.”

     Sa Pilipino:
     “Sinuman siya at anuman siya, siya na hindi Iglesia ni Cristo ay hindi Cristiano.”

     Ayon sa Papa ng mga katoliko, ang hindi raw Iglesia ni Cristo ay hindi Cristiano.  Ang mga kaanib sa Iglesia Katolika ay hindi Cristiano kundi Katoliko.  Ang mga kaanib lamang sa Iglesia ni Cristo ang tinatawag na Cristiano.

     Tangi sa tawag na Katoliko, ano pa ang tandang ikakikilala sa mga nadaya ng mga bulaang propeta o ng mga pari?  Sa Apoc. 13:16, ay ganito ang sinasabi:

     “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo.

     Sinu-sino itong mga taong binigyan ng tanda sa kanang kamay at sa noo?  Ang paring si Enrique Demond ang sasagot sa tanong na iyan.  Ganito ang kanyang sagot na mababasa sa kanyang aklat na pinamagatang Ang Aral Na Katoliko, pahina 11:

     “Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko, sapagka’t siyang ikinatatangi at ikinaiiba ng taong Katoliko sa taong Protestante.”

     Sino ang mga taong may tanda sa kanang kamay at sa noo ayon kay Pari Demond?  Ang mga Katoliko.  Ano ang tanda ng mga taong Katoliko?  Ang tanda raw ng Santa Krus.  Papaano ba ang pag-aantanda?  Ganito ang sagot ni Pari Demond:

     “Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nang hinlalaki ng kanang kamay; ang una’y sa noo…”

     Maliwanag na ang mga Katoliko nga ang mga taong may tanda sa kanang kamay at sa noo.  Ito ang tanda ng mga nadaya ng mga bulaang propeta o ng mga pari.  Bakit tiyak na mga nadaya itong mga may tanda sa kanang kamay at sa noo o ang mga katoliko?  Ano ba ang babala ng Diyos sa lahat ng tumanggap ng tanda sa kanang kamay at sa noo?  Sa Apoc. 14:9-11, ay ganito ang sinasabi:

     “At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay,
     “Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:
     “At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.”

     Ano ang babala ng Diyos sa lahat ng mga may tanda sa noo at kanang kamay, samakatuwid baga’y sa mga taong Katoliko?  Sila’y iinom ng alak ng kagalitan ng Diyos na walang halong awa, at sila’y pahihirapan ng apoy at asupre magpakailan-kailanman, at sila’y walang kapahingahan araw  at gabi.  Kahabaghabag na mga katoliko!  Ngayon pa’y sentenciado na ang lahat ng mga Katoliko!  May panahon pa kayo, mga kababayang katoliko upang magbago.  Magbalikloob kayo sa Diyos.  Lumabas kayo sa Iglesia Katolika, upang huwag kayong maramay sa kanyang mga kasalanan at huwag kayong tumanggap ng kanyang mga salot (Apoc. 18:4-5).

           Malinaw sa mga katotohanang natunghayan natin kung bakit hindi natin nagisnan ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo.  Natupad ang hula ni Jesus na ang marami sa Kanyang mga alagad ay maliligaw.  Naligaw nga, sapagka’t nakinig sa mga aral ng demonio na itinuro ng Iglesia Katolika.  Tinandaan sila sa kanang kamay at sa noo at ginawa silang mga Katoliko.  Ano naman ang gagawin doon sa mga Iglesia ni Cristo na hindi susunod sa aral ng demonio?  Lahat ba’y maliligaw?  Sa Gawa 20:29, ay ganito ang sinasabi:

     “Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan.”

     Hinulaan ni Apostol Pablo na pagkaalis niya, na ang tinutukoy ay ang kanyang pagkamatay (Gawa 20:25, 37-38; II Tim. 4:6), papasok sa Iglesia ang mga ganid na lobo at hindi patatawarin ang kawan o ang Iglesia (Gawa 20:28).  Sino itong mga ganid na lobo?  Ito rin ang mga bulaang propeta na nakadamit tupa, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila (Mat. 7:15).  Ang tupang hayop ay walang damit.  Si Jesus ang tupang nagdaramit (Juan 1:29).  Ang damit na katulad ng damit ni Cristo ang isusuot ng mga bulaang propeta.  Ayon sa naliwanagan na natin sa unahan nito, ang mga paring katoliko ang nagdaramit ng katulad ng damit ni Cristo (Aral Na Katoliko, pahina 195).  Samakatuwid, ang mga paring katoliko ang mga ganid na lobo na hindi magpapatawad sa Iglesia na ang ibig sabihi’y magpapapatay sila.  Kung sino ang kanilang papatayin, ang Pasyon din ng mga katoliko ang nagsasabi:  “Ang sinumang sumalangsang at sa kaniya’y sumuway, tambing na parurusahan ng dusang kamataymatay para ng martir na tunay.” (Pasion Genesis, pahina 208).  Gaano karami ang pinatay ng Iglesia Katolika ng mga paring Romanista?  Sa kasaysayang sinulat ni Mr. F. H. Sills na pinamagatang Roman Catholicism Investigated and Exposed, pahina 16, ay ganito ang mababasa:

     “Mayroong mahigit pang limampung milyong katao sa pamilya ng sangkatauhan ang kabuuan ng naipapatay ng Simbahang Katoliko ng mga Romanista sa daigdig, at ang mga dugo ng mga bayani at mga martir na ito, na inyong naipapatay, ay makapupuno sa isang malaking hukay sa lupa, na sampung talampakan ang lalim (10 feet deep), sampung talampakan ang luwang (10 feet wide), at dalawampung milya ang haba (20 miles long).”

     Napakaraming mga tao ang pinatay ng Iglesia Katolika dahil lamang sa hindi pagsunod sa kanyang mga maling aral!  Limampung milyong tao sa buong mundo!  At dito sa Pilipinas ay marami rin ang napatay ng Iglesia Katolika.  Isa na si Dr. Jose Rizal na sumalansang sa mga aral ng katolisismo.  Ano ang katunayang ang Iglesia Katolika ang nagpapatay kay Rizal?  Ganito ang pagtatapat ng asawa ni Rizal na si Josefina Bracken, na ipinagkaloob sa mga reporter ng pahayagang The China Mail:

     “Nakagawa ng malaking kasalanan si Polavieja sa Diyos at sa kasaysayan noong umaga ng ika-30 ng Disyembre, 1896.  Suriin ninyo kung maipatatawad ang mga kasalanan niyang ito:  Ipinapatay niya ang aking asawa, si Dr. Rizal, na walang kasalanan kundi ang umibig sa kanyang bayan.  At sa pagpatay na ito ay napalakip pa ang isang mabigat na sagutin niya. Dili iba kundi ang pagkatanggap ng suhol na animnapung libong pisong Mehikano (P60,000) sa kamay ng Arsobispo, na siyang nangilak noon sa mga samahang relihiyosa upang matiyak na hindi babaguhin ni Polavieja ang hatol ng hukumang digma na patayin ang aking asawa.”

     Upang matiyak ang pagpatay kay Rizal, ang Arsobispong Katoliko ay sumuhol ng animnapung libong piso kay Gobernador Polavieja.  Ito ang pagtatapat ng asawa ng ating bayani.  Maliwanag na ang Iglesia Katolika ang nagpapatay kay Rizal, at sa angaw-angaw na tao sa boong daigdig na sumalangsang sa kanyang mga maling aral.  Mamamatay tao!  Sa Diyos ba ang mamamatay tao?  Ang sabi ni Jesus:  “Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.” (Juan 8:44).  Mahuhulo na ninyo kung kanino ang Iglesia Katolika na nagpapatay ng maraming tao.


TOTOO NGA KAYA NA
APOSTOLIKA ANG IGLESIA KATOLIKA?
     Sa Aral Na Katoliko ni Enrique Demond, pahina 84, ay ganito ang sinasabi:
    
     “Ang Iglesia Katolika ay apostolika dahil sa aral at turo niya.  Ang aral at turo niya ay ang aral at turo ng mga apostol.”

     Ayon kay Pari Demond, Apostolika raw ang Iglesia Katolika dahil sa aral at turo niya.  Ang aral at turo daw ng Iglesia Katolika ay ang aral at turo ng mga Apostol.  Totoo nga kaya ito?  Suriin natin ang mga aral katoliko upang ating mapatunayan kung totoo o kabulaanan ang sinasabing ito ng mga pari.  Kumuha tayo ng isa sa aral ng Iglesia Katolika at iparis natin sa aral ng mga Apostol.  Sa Aral Na Katoliko, ni Pari Demond, pahina 8, ay ganito ang sinasabi:

     “Hindi sapat ang maniwala sa mga katotohanang natititik sa Banal na Kasulatan lamang, tayo’y dapat ding maniwala sa Alamat…”

     Narito ang isa sa aral ng Iglesia Katolika.  Hindi raw sapat ang maniwala sa Banal na Kasulatan lamang.  Dapat din daw maniwala sa Alamat.  Alin itong Alamat na sinasabi ni Pari Demond na dapat din daw paniwalaan?

     “Sa salita ng bibig ay sa salitang tunay na pasalinsalin o alamat (Tradision).”

     Ang alamat daw ayon sa pari ay ang mga sali’t saling sabi o tradisyon.  Dapat din daw itong paniwalaan, tangi sa Banal na Kasulatan.  Sang-ayon kaya ito sa aral ng mga Apostol?  Sa Col. 2:8, ay ganito ang sabi ni Apostol Pablo:

     “Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo.”

     Dito’y binabalaan ni Apostol Pablo ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na sila’y magsipag-ingat.  Ano ang isa sa dapat pag-ingatan?  Ang mga sali’t saling sabi na siyang ipambibihag at ipandaraya ng mga magdaraya.  Samakatuwid, laban ang mga Apostol sa mga sali’t saling sabi.  Hindi ito dapat paniwalaan kundi dapat pag-ingatan.  Kung gayon, hindi Apostolika ang Iglesia Katolika.  Kabulaanan ang sinasabi ngmga pari na ang aral at turo ng Iglesia Katolika ay mga aral at turo ng mga Apostol.  Ito’y hindi totoo.  At ang sinasabi ng mga pari na hindi sapat ang Banal na Kasulatan, ito kaya ay sang-ayon sa aral ng mga Apostol?  Tunghayan natin ang itinuro ng mga Apostol tungkol sa Banal na Kasulatan:

     “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
     “Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” (II Tim. 3:16-17).

     Alin ang sinabi ni Apostol Pablo na mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo sa katuwiran at ikasasakdal ng tao ng Diyos sa lahat ng gawang mabuti?  Ang mga kasulatang kinasihan ng Diyos.  Alin itong mga kasulatang kinasihan ngDiyos?  Ito ang Banal na Kasulatan o ang Biblia, na binubuo ng animnapu’t anim na aklat, —39  na aklat ang Matandang Tipan at 27 aklat ang Bagong Tipan.  Papaano kinasihan ng Diyos itong Biblia o Banal na Kasulatan?  Iniutos ang pagpapasulat nito (Apoc. 1:10, 17-19).  Binabantayan ng Diyos samantalang ito’y sinusulat (Apoc. 10:4).  At kung dapat nang tapusin, ang Diyos din ang nagpapatapos (Dan. 12:4).  Ganito kinasihan ng Diyos ang Banal na Kasulatan.  Ayon sa turo ng mga Apostol, ito ay sapat na upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng gawang mabuti.  Ayon naman sa Iglesia Katolika, hindi sapat ang maniwala sa Banal na Kasulatan lamang.  Kailangan pa raw ang mga sali’t saling sabi.  Kaya isang malaking kabulaanan ang sinasabing Apostolika raw ang Iglesia Katolika, o nagtuturo raw sila ng aral o turo ng mga Apostol.  Ito’y isang malaking pagdaraya.

     Ano ang iminamatuwid ng mga pari sa pagsasabing hindi sapat ang maniwala sa mga katotohanang nasusulat sa Banal na Kasulatan?  Hindi raw lahat ng ginawa ni Jesus ay nasulat sa Banal na Kasulatan, gaya ng sinasabi sa Juan 21:25:

     “At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.”

     Totoo bang hindi lahat ng ginawa ni Jesus ay nasulat sa Kasulatan?  Totoo!  Dahil ba rito’y kulang na ang nakasulat sa Banal na Kasulatan?  Hindi!  Bakit hindi sinulat na lahat ang iba’t ibang bagay na ginawa ni Jesus?  Sapagka’t kung susulating isa-isa, kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.  Mapupuno ng mga aklat ang mundong ito kung isinulat na lahat ang mga bagay na ginawa ni Jesus.  Kung gayo’y wala na tayong matitirhan, laluna ang mga pari.  Nguni’t ang mga nasulat ay mga pinili upang sampalatayanan, at sa ating pagsampalataya’y magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan, gaya ng mababasa natin sa Juan 20:30-31:

“Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
“Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.”

     Samakatuwid, sapat na ang Banal na Kasulatan upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal at magkaroon ng buhay na walang hanggan.  Hindi na kailangan ang mga sali’t saling sabi.  Ito ay higit sa nasusulat.  Ang sabi ni Apostol Pablo, “huwag humigit sa nasusulat” (I Cor. 4:6).  Ang sabi ng Diyos, kung ano ang Kanyang iniutos ay siyang dapat isagawa; huwag daragdagan, ni babawasan” (Deut. 12:32).  Ang sabi naman ni Jesus, kahit tuldok o kudlit, sa anumang paraan ay hindi dapat mawala sa kasulatan (Mat. 5:18-19).  Ang magdagdag ay daragdagan ng Diyos ng mga salot; at ang magbawas ay aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa punong kahoy ng buhay at sa bayang banal (Apoc. 22:18, 19).  Maliwanag na kasinungalingan ang pangangalandakan ng mga pari na ang Iglesia Katolika raw ay Apostolika, sapagka’t nagtuturo raw ng aral at turo ng mga Apostol.  Ito ay hindi totoo.  Napatunayan nating laban sa aral ng mga Apostol ang aral ng Iglesia Katolika, kaya hindi Apostolika kundi anti-Apostol.  Ano pa ang iminamatuwid ng mga pari kaya raw Apostolika ang Iglesia Katolika?

BAKIT DAW APOSTOLIKA ANG
IGLESIA KATOLIKA AYON SA ARAL KATOLIKO?
     Ayon sa Aral Katoliko ni Enrique Demond, pahina 84, Apostolika raw ang Iglesia katolika dahil sa pamamahala.  Sapagka’t ang mga Papa raw at ang mga Obispo ng Iglesia Katolika ay mga kahalili ng mga Apostol.  Kaya ang isa sa pinakapangulong saligan ng Iglesisa Katolika, si Pedro raw ang kanilang unang Papa, at kay Pedro raw nagsihalili ang lahat ng mga Papa hanggang sa kasalukuyan.  Totoo ba ito o kabulaanan?  Suriin natin.  Saan natin mababasa na si Pedro ang unang Papa sa Iglesia Katolika?  Sa aklat ng mga katoliko na pinamagatang The Catholic Encyclopedia, Tomo 12,pahina 272, ay ganito ang nakalagay:

“LIST OF THE POPES.—”
“(1) St. Peter, d. 67 (?).”

     Sa Pilipino ay ganito ang kahulugan:

“TALAAN NG MGA PAPA.—”
“(1) San Pedro, n. 67 (?).”

    
     Hindi na natin sinipi ang sunud-sunod na naging mga Papa.  Ang una lamang ang ating kailangang malaman.  Sa paggawa ng mga katoliko ng talaan ng mga naging Papa nila, si Pedro ang inilagay nilang una.  Nguni’t nilagyan nila ng tandang pananong (?)—question mark o interrogation point—sa dulo.  Ang tandang pananong o “question mark” ay inilalagay sa mga pangungusap na patanong, at hindi lamang dito kundi sa mga bagay mang pinag-aalinlanganan.  Bagama’t inilagay na una sa talaan ng mga Papa ang pangalan ni Pedro, ang mga sumulat ng Encyclopedia Catolica, ay nag-aalinlangan, kaya nilagyan nila ng “question mark” o tandang pananong (?) sa dulo.  Bakit naman sila nag-aalinlangan?  Kailan ba namatay si Pedro?  Ang kanila ring aklat na The Catholic Encyclopedia ang sasagot sa atin.  Sa Tomo 11, pahina 750, ay ganito ang nakalagay:

     “In the ‘Chronicle’ of Eusebius the thirteenth or fourteenth year of Nero is given as that of the death of Peter… (67).”

     Sa Pilipino:
     “Ayon sa ‘Tala’ ni Eusebio ang ikalabintatlo o ikalabing-apat na taon ni Nero ang ibinigay na pagkamatay ni Pedro... (67).”

     Ayon sa mga sumulat ng Encyclopedia Catolica, namatay si Pedro noong taong 67, unang siglo.  Kailan naman nagkaroon ng unang Papa sa Iglesia Katolika?  Sa Tomo 12, pahina 270, nang nasabi ring aklat katoliko, ay ganito naman ang nakasulat:

     “The title pope (papa)… It was apparently in the fourth century that it began to become a distinctive title of the Roman Pontiff.”

     Sa Pilipino:
     “Ang pamagat na papa… Ito’y maliwanag na noong ika-apat na siglo o ikaapat na raang taon nagpasimula na maging tanging pamagat ng Pontipise Romano.”

     Ayon dito, ang pamagat na Papa ay noon lamang ika-apat na raang taon nagpasimula na maging tanging pamagat ng Pontipise Romano.  Ano ba ang kahulugan ng Pontipise?  Sa Compedio Historico de la Religion, na isa ring aklat katoliko, pahina 590, ay ganito ang nasusulat:

     “Sino ang pumipili nang maguiguing Papa, o Sumo Pontipice?”

     Ano iyong tinatawag na Pontipise?  Ang Pontipise ay ang Papa.  Kailan nagkaroon ng unang Papa?  Noong ikaapat na siglo o ikaapat na raang taon.  Kailan naman namatay si Pedro?  Noong 67, unang siglo o unang isang daang taon.  Samakatuwid, tatlong daan at tatlumput tatlong (333) taon nang patay si Pedro bago nagkaroon ng unang Papa sa Iglesia Katolika.  Papaanong nagawang unang Papa ng Iglesia Katolika si Pedro na malaon nang patay?  Marahil ay ni buto ni Pedro ay wala na, o kung buo man ang kalansay ni Pedro, ito ba ang ginawang Papa ng Iglesia Katolika?  Kaya isang malaking kabulaanan ang sinasabi ng mga pari na Apostolika ang Iglesia Katolika dahil daw sa pamamahala, sapgka’t ang mga Papa raw at ang mga Obispo ay kahalili ng mga Apostol.  Hindi totoong kahalili ni Pedro ang mga papa at mg Obispong Katoliko.  Hindi totoong si pedro’y naging Papa sa Iglesia Katolika.  Ito ang pinakamalaking kasinungalingang naituro ng mga pari!

     Kung si Pedro’y hindi naging Papa sa Iglesia Katolika, at lalong hindi sa Iglesiang itinayo ni Cristo, ano ang tungkulin ni Pedro sa Iglesia ni Cristo?  Si Pedro’y Apostol ng ating Panginoong Jesucristo (I Ped. 1:1).  Pinatunayan din ni Pablo na si Pedro’y Apostol sa mga Judio, at siya nama’y Apostol sa mga Gentil (Gal. 2:8).  Kailanma’y hindi maaaring maging Papa si Apostol Pedro.  Hindi niya tatanggapin kailanman ang tungkuling ito, sapagka’t malinaw sa kanyang ito’y mahigpit na ipinagbabawal ni Cristo.  Sa Mat. 23:9, ay sinabi ni Jesus na huwag tawaging Ama ang sinumang tao dito sa lupa, sapagka’t iisa ang ating Ama, samakatuwid baga’y ang nasa langit.  Saklaw ba ng pagbabawal na ito ang ating ama sa laman?  Hindi, bagkus ipinagagalang pa nga sa atin ang ating ama at ang ating ina (Mat. 15:4).  Anong uring ama ang ipinagbabawal na itawag sa kaninumang tao rito sa lupa?  Yaong gaya ng pagka-Ama ng Diyos na nasa langit.  Ano bang uring Ama ang Diyos?  Ang Diyos ay Ama ng mga kaluluwa (Ezek. 18:4).

     Mayroon bang hinulaang sasalansang sa mga utos na nagbabawal tawaging Ama ng Kaluluwa ang sinumang tao rito sa lupa?  Mayroon!  Sa II Tes. 2:3, 4, ay ganito ang nasusulat:

     “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,
     “Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.”

     Taong makasalanan ang tawag dito sa taong tatliwakas o tatalikod sa Iglesia ng ating Panginoong Jesucristo.  Bakit makasalanan?  Sapagka’t siya’y sasalansang sa kautusan, sa layong magmataas at makipantay sa Diyos.  Ang kasalanan ay pagsalansang sa kautusan (I Juan 3:4).  Aling kautusan ang sinalansang nitong taong makasalanan?  Ang kautusang nagbabawal tawaging Ama ng kaluluwa ang sinumang tao rito sa lupa.  Sinu-sino ba ang napatawag na mga Ama ng kaluluwa?  Sa munting aklat katoliko na pinamagatang Iglesia ni Cristo, na sinulat ng paring Jesuitang si Juan Trinidad, sa pahina 12, ay ganito ang nakasulat:

     “At ang Santo Papa (Ama)  ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa dahil sa siya ang kahalili ng ating Panginoon.
     “At dahil sa ang mga saserdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento, sila man ay tinatawag na ‘ama ng ating kaluluwa’.”

     Sinu-sino ang napatawag na ‘ama ng kaluluwa’ na ito ay pagsalansang sa utos?  Ang mga Papa at mga pari ng Iglesia Katolika.  Ang mga saserdote o ang mga pari raw ay mga ‘ama rin daw ng kaluluwa’.  Samakatuwid, ang mga Papa at mga Pari ang mga taong makasalanan.  Sumalansang sila upang makapagmataas na kapantay ng Diyos.  At ibig nilang si Apostol Pedro’y idamay sa kanilang kasalanan.  Itinuturo nilang si Pedro raw ang unang Papa sa Iglesia Katolika.  Para na rin nilang itinurong si Pedro’y taong makasalanan, mananalansang sa utos at nagtatanyag sa sarili na tulad sa Diyos.  Kailanma’y hindi ito gagawin ni Apostol Pedro.  Nilalapastangan ng mga Katoliko si Pedro sa pagtuturong ito’y naging Papa sa kanilang Iglesia.

     Sa wakas, naliwanagan natin kung bakit hindi natin nagisnan ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo sa Jerusalem.  Ito’y natalikod o iniligaw ng Iglesia Katolika, at ang sumalansang sa kanilang mga maling aral ay pinagpapatay, kaya walang natira sa mga kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo.

Hango sa aklat na Isang Pagbubunyag Sa iglesia Ni Cristo/Copyright 1964 by Iglesia Ni Cristo Church Of Christ/Kabanata VI/Pahina 43-58