ANG PAGGAWA NG “SANTO” SA IGLESIA KATOLIKA
Ang isang bagay na dapat siyasatin at suriing mabuti ng
mga Katoliko ay ang nauukol sa mga “banal”—santo at santa—na kanilang sinasamba, pinaglilingkuran,
ipinagpipista at ipinagpuprusisyon sa taun-taon, kung dumarating ang mga
kaarawan nito. Kailangan nilang matiyak
kung sino ang gumawang “santo” o “santa” sa mga ito. Kung ang Diyos ang gumawang Santo sa isang
tao, iyon ay tunay na santo o banal, sapagka’t ang Diyos ang may karapatang
bumanal o magpabanal sa sinumang tao.
Datapuwa’t kung ang Papa lamang ang gagawang Santo o banal sa isang tao,
iyon ay hindi tunay na santo at hindi nararapat na kilalaning banal o santo, sa
dahilang ang papa ay walang karapatang tinanggap mula sa Diyos na magpaging
banal sa tao.
Maraming
kinikilalang banal ang mga Katoliko, nguni’t ang karamihan sa mga ito’y hindi
binanal ng Diyos kundi binanal lamang ng papa sa Roma. Maraming mga Katoliko ang hindi nakakaalam
nito. Marami sa kanila ang hindi
nakababatid na ang kanilang mga patrong pinipintakasi ay naging santo o santa, hindi sa pamamagitan
ng Diyos kundi sa pamamagitan lamang ng mga papa. Maging ang gumawang santo o banal sa isang
tao ay ang Diyos, hindi rin ito dapat sambahin, paglingkuran, ipagpista, at
ipagprusisyon gaya ng ginagawa ng mga Katoliko sa kanilang kinikilalang mga
banal. Lalong hindi nararapat sa
karangalang ito iyong mga banal na binanal lamang ng Papa. Kung ang mga banal na binanal ng Diyos ay
hindi dapat sambahin at paglingkuran, lalo lamang ang mga binanal lamang ng
Papa sa Roma, kaya nggayon ay ating susuriin kung papaano nagkakaroon ng santo
at santa ang Iglesia Katolika, kung gaano ang nagugugol sa pagtatalaga sa mga
ginawang santo at santa at kung saan nanggaling itong pamamaraang ito—paggawa
ng santo at santa.
KUNG KAILAN
NAGSIMULA ANG PAGGAWA NG
“SANTO” NG PAPA
Kailan ba nagsimula ang paggawa ng “santo” ng Papa ng Iglesia
Katolika? Ang sasagot sa tanong
na iyan ay ang Everebody’s Complete
Encyclopedia, sa pahina 125 ng nabanggit na aklat, ay ganito ang
sinasabi:
“Canonization—Act of making a person a saint. It is practiced in Roman Catholic Church, where, since 1634, only the pope has had authority to canonize. The process occupies many years, and takes the form of a trial or elaborate inquiry.”
“Canonization—Act of making a person a saint. It is practiced in Roman Catholic Church, where, since 1634, only the pope has had authority to canonize. The process occupies many years, and takes the form of a trial or elaborate inquiry.”
Sa wikang
Pilipino ay ganito ang ibig sabihin:
“Pagpapaging-banal—isang
gawa sa paglikha ng isang tao na maging banal.
Ito’y isinasagawa sa Iglesia Katolika Apostolika Romana, na, mula noong
taong 1634, tanging ang papa lamang ang siyang nagtataglay ng kapangyarihang
magpapaging-banal. Ang pamamaraang ito’y
sumasaklaw ng maraming taon, at nagtataglay ng isang anyo ng paglilitis o
masusing pagsisiyasat.”
Kailan
nagsimula ng paggawa ng “santo” ang papa?—Noong 1634 o noong ikalabimpitong
siglo lamang. Samakatuwid, ay malaon
nang nakaakyat sa langit ang ating Panginoong Jesucristo, at malaon na ring
nangamatay ang mga Apostol, nang magtaglay ang papa ng umano’y kapangyarihang
magpaging-banal. Sino ang nagbigay sa kanya (sa papa ng Roma) ng kapangyarihang ito? Kung sasabihing ang Diyos, saan naroon ang
katunayan? Aling talata ng Biblia ang
nagsasabi? Walang katunayang maipakikita
ang papa o ang sinumang tagapagtanggol katoliko, na ang papa’y binigyan ng
Diyos ng kapangyarihang gumawa ng banal.
Dahil dito, ang mga taong ipinahahayag niyang banal o santo raw, ay
hindi tunay na mga santo na binanal ng Diyos kundi binanal lamang niya sa
kanyang sarili. Hindi gawa ng Diyos ang
santo at santang katoliko kundi gawa lamang ng papa sa Roma. Dahil dito, walang kabuluhan ang pagkilalang
banal sa mga ito.
Bilang patotoo
na ang Papa nga ay gumagawa ng “santo,” ay magpapakita ako ng ilang
katunayan: Noong Mayo ng taong 1950
isang kastila, Si Antonio Maria Claret,
ay ipinahayag ng Papa na “santo” (The
Philippines Herald, May 4, 1950).
Noong Hunyo ng taon ding ito, ay ipinahayag ng Papa na “santa” ang isang
batang babae na may labing isang taong gulang, si Maria Goretti (The Manila Times, June 26, 1950). At noong Mayo 30, 1954 ginawang “santo” ng
Papa si Papa Pio X na namatay noong 1914 (The
Sentinel, July 31, 1954). Hindi lamang ito kundi marami pang iba. Ito ay ang “binanal” lamang ni Papa Pio
XII. Hindi pa kasama rito ang ginawang
“santo” ng mga namatay na papa. At
sapagka’t ang papa ay walang karapatang gumawa ng banal, ang mga taong ito na
kanyang ipinahayag na “banal,” ay hindi banal sa harap ng Diyos kundi banal
lamang sa harap ng tao.
NASA LANGIT NA
RAW ANG TAO
NA PINAPAGING
BANAL
Ayon sa
Iglesia Katolika, ang mga pinapaging banal ng papa ay nasa langit na raw. At ang mga pangalan nito’y itinatala sa mga
talaan ng mga banal (Catalogue of Saints),
at ipinag-uutos ang pag-aalaala sa kanila gayundin, ipinagdiriwang ang kanilang
kaarawan sa taun-taon. Sa katunayan
nito, tunghayan natin ang nasusulat sa The
Catholic Encyclopedia, Vol. II, p. 367).
“What is the object of this infallible judgment of
the pope? Does he define that the person canonized is in heaven or only that he
practiced Christian virtues in an heroic degree? I have never seen this question discussed; my
own opinion is that nothing else is defined than that the person canonized is
in heaven. The Formula used in the act
of canonization has nothing more than this;
In honour of…we decree and define that Blessed N. is a Saint, and we
inscribe his name in the Catalogue of Saints, and order that his memory be
devoutly and piously celebrated yearly on the …day of … his feast.”
Sa wikang
Pilipino ay ganito:
“Ano ang layon
ng di nagkakamaling paghatol ng papa?
Kanya bang nililinaw na ang taong pinapaging banal ay nasa langit o
siya’y namuhay lamang ayon sa simulaing Kristiyano sa isang makabayaning
paraan? Hindi ko nakitang ito’y isang
suliraning pinagtalakayan; sa aking sariling palagay ay wala nang dapat
ipahayag kundi ang taong pinapaging banal ay nasa langit. Ang tuntuning ginamit sa paraan na
pagpapaging-banal ay wala ng iba kundi gaya nito: Sa karangalan ni … aming ipinasisiya at
nililinaw na ang pinagpala o Binanal na N. ay isang banal o santo, at aming
itinatala ang kaniyang pangalan sa Katalogo o Talaan ng mga banal, at
ipinag-uutos na ang pag-aalaala sa kanya ay taus-puso at buong kabanalang
ipagdiwang sa taun-taon sa ika- … araw ng … na kaniyang pista.”
Ayon sa
pahayag ng Aklat Katoliko na ating katutunghay pa lamang, nasa langit na raw
ang taong pinapaging banal. Nguni’t
ito’y pala-palagay lamang nila. Ang palagay ba’y katotohanan? Sa palagay ba natin
isasalig ang ating pagsamba’t paglilingkod sa Diyos? Labag sa aral ng Biblia ang itinuturo ng mga
tagapagturong katoliko na isinasalig sa kanilang mga palagay. Ang mga banal ay wala pa sa langit, maging
yaong mga banal na binanal ng Diyos; lalo na ang binanal lamang ng papa sa
Roma. Ang mga banal ay hindi pa
ginaganti. Nasa libingan pa sila
hanggang ngayon. Nag-aantay sila ng
ikalawang pagparito ni Cristo. Pagdating
ni Cristo, saka sila tatanggap ng kagantihan (Juan 5:28-29); Gaw34, 29; Apoc.
22:12; I Tes. 4:16-17). Kasinungalingan
ang itinuturo ng mga pari na ang mga binanal ng Papa nila ay nasa langit na
raw, at ito ang kanilang tinatawagan at ipinagdiriwang. Lahat ng naniniwala rito ay nadaya at
sawimpalad!
ANG HALAGA NG NAGUGUGOL
SA
PAGPAPAHAYAG SA
GAGAWING BANAL
Magiging banal ba ang isang Katoliko ng walang salapi? Nalalaman ba ninyo kung gaano ang nagugugol
bago maging santo o santa ang isang katoliko?
Inaakala baga ninyo na magiging banal kayo at sukat sa Iglesia Katolika
kung kayo’y isang maralita? Upang
mabatid ninyo kung gaano ang nagugugol bago maging banal ang isang tao sa
Iglesia Romana, tunghayan ninyo ang sinasabi sa kanilang aklat na The Catholic Encyclopedia, Vol. 2, p.
369:
“Expenses:
It will not be out of place to give succinctly the ordinary expenses of
canonization and beatification. Of these
expenses, some are necessary, others merely discretionary, some are specified
(e.g. the expenses incurred in obtaining the different rescripts) others,
though necessary are not specified. Such
are the expenses of the solemnity in the Vatican Basilica, and for paintings
representing the newly beatified which are afterwards presented to the Pope,
the Cardinals, officials and consultors of the congregation of Rites. The limits of this class of expenses depend
on the postulator of the cause. If he
chooses to spend a moderate sum the entire cause from the first process to the
solemn beatification will not cost him less than $20,000. The expenses of the process from
beatification to canonization will easily exceed $30,000.”
Sa wikang
Pilipino ay ganito: “Mga gugulin: Hindi magiging labag na ibigay sa lalong
payak na paraan ang karaniwang kasalukuyang mga gugulin sa pagpapaging banal at
paghahanda sa pagpapaging banal. Sa
ganitong mga gugulin ang ilan ay kailangan, ang iba ay ayon sa sariling pasiya,
ang iba ay tiyak (halimbawa, ang mga salaping nagugol sa pagtatamo ng iba’t
ibang mga katibayan). Ang iba bagama’t
kailangan ay tinitiyak. Ito ang mga
gugulin sa kataimtiman sa Basilica ng Baticano, at sa mga larawang ipininta na
kumakatawan sa mga bagong binabanal na pagkatapos nito ay idinudulog sa Papa,
sa mga Kardinal, at mga kasangguni ng kapulungan ng mga Ritos. Ang hangganan ng ganitong uri ng gugulin ay
nababatay sa nangangasiwa ng Gawain.
Kung kanyang minamarapat na gugulin ang isang kainamang halaga ang
kabuuang gawain mula sa unang paraan hanggang sa mataimtim na paghahanda sa
pagpapaging banal, ay hindi siya gugugol ng bababa sa $20,000. Ang mga gugulin sa pagtatalaga sa
pagpapagiging banal ay madaling humigit sa $30,000.
KUNG SAAN
NAGMULA ANG KARAPATAN
AT
KAPANGYARIHAN NG PAPA SA PAGLIKHA
NG IPAPAHAYAG
NIYANG SANTO
Mula ba sa utos ng Diyos, ni Jesus o ng mga Apostol ang
karapatan at kapangyarihan ng Papa sa paglikha ng ipahahayag niyang santo? Ang sasagot sa tanong na ito ay ang
aklat-katoliko na The Catholic
Encyclopedia, Vol. 2, p. 364:
“Beatification and Canonization: 1. History — According to some writers the
origin of beatification and canonization in the Catholic church is to be traced
back to the ancient Pagan apotheosis.”
Sa Wikang
Pilipino:
“Pagtatalaga
sa pagiging banal at sa paggawang banal:
1. Kasaysayan—Ayon sa mga ibang manunulat ang simula ng ‘beatification’
(pagtatalaga sa pagiging banal) at ‘canonization’ (paggawang banal sa isang
namatay upang dalanginan) sa Iglesia Katolika ay masusuysoy sa matandang Paganong
apotheosis’ (Paggawa sa isang nilalang na didiyusin).”
Maliwanag na
inaamin ng mga manunulat katoliko na hindi mula sa utos ng Diyos, ni Jesus o ng
mga Apostol, ang kapangyarihan o karapatan ng Papa sa paglikha ng mga banal,
kundi sa mga pagano. Ang mga pagano ang
gumagawa ng kanilang mga diyus-diyusan.
Ito ang ginaya ng mga Papa.
Gumagawa rin siya ng mga “santo” o “santa” at ito ang kanyang
ipinag-uutos na sambahin, ipagdiwang o ipagpista sa taun-taon.
Labag ba sa utos ng Diyos ang ginagawang ito ng mga Papa? Labag, sapagka’t sinabi ng Diyos: “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko” (Exo. 20:3).
Ang Papa ay gumagawa ng didiyusin ng mga katoliko, sa paraang siya’y
gumagawa ng mga santo at ipinag-uutos na ipagpista at parangalan ang mga ito. Kaya’t kung nagkakasala ang mga katoliko sa
pagpaparangal at pagpipista sa mga banal na binanal ng Papa, lalong nagkakasala
ang mga Papa sa kanilang paggawa ng didiyusin o ipagpipista ng mga
katoliko. Kaya’t kung ayaw ng isang
katoliko na siya’y magkasala sa harap ng Diyos, dapat niyang itakwil ang
kanyang pagka-katoliko; itakwil ang mga pari at ang mga utos nito at sumunod
siya sa mga utos ng Diyos.
Hango sa aklat na Isang Pagbubunyag Sa Iglesia Ni
Cristo/Copyright 1964 by Iglesia Ni Cristo Church Of Christ/Kabanata XV/Pahina
122-127
.