ANG TUMATAWAG SA DIYOS NA TIYAK NA MALILIGTAS
ANG TUMATAWAG SA DIYOS NA TIYAK NA MALILIGTAS
Ni INOCENCIO J. SANTIAGO
MARAMING tagapangaral ang naniniwala na ang Biblia ay maaaring ipaliwanag o bigyan ng sariling pakahulugan ng kahit na sinong bumabasa nito. Naniniwala man sila na ang Diyos ay naghahalal ng sugong tagapangaral ng Kaniyang kalooban, gayunman, iyon daw ay noong una lamang at hindi na raw aplikable ngayon. Anupa't hindi na raw kailangan pa ang pagsusugo sa panahong ito.
Kapanipaniwala sa marami ang ganitong isipan dahil gumagamit din ng mga talata sa Biblia ang mga nagtataguyod nito. Ang isa sa mga talatang ito ay ang Gawa 2:21 na ganito ang sinasabi:
"At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas."
Kung ang tao ay hindi magsusuri, malamang na maniwala siya na sapat nang tumawag sa Panginoon upang maligtas. Kaya, suriin natin, sino ba ang tinutukoy sa talata na kapag tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas? Ganito ang pahayag sa Gawa 2:18 at 21:
"Oo't SA AKING MGA LINGKOD NA LALAKI AT SA AKING LINGKOD NA MGA BABAE, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila."At mangyayari na ang SINOMANG TUMAWAG sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas."
Ang mga LINGKOD NG DIYOS ang tinutukoy na kung tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas - hindi ang lahat o sinumang tao, gaya ng inaakala ng iba.
HINDI LAHAT NG TUMATAWAGAY MALILIGTAS
Ano ang katunayan hindi lahat ng taong tumatawag sa Panginoon ay maliligtas? Sa Mateo 7:21 ay ganito ang sinasabi:"Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."
Ayon sa Panginoong Jesucristo, HINDI LAHAT NG TUMATAWAG sa Kaniya ay makapapasok sa kaharian ng langit kundi yaon lamang gumaganap ng kalooban ng Ama. Hindi kaya ang tinutukoy ni Jesus na hindi papapasukin sa kaharian ng langit ay yaong mga hindi kumikilala o naniniwala sa Kaniya o kaya'y walang ginawang anumang paglilingkod? Sa Mateo 7:22-23 ay ganito ang sagot:
"Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
"At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan."
Si Cristo mismo ang nagpatunay na may mga tumatawag sa Kaniya na hindi papapasukin sa kaharian ng langit kahit pa nakagawa sila ng mga gawang makapamgyarihan. Kaya natitiyak natin na MALI ANG PAGKAUNAWA sa nakasulat sa Gawa 2:21 ng mga nagsasabing hindi na raw kailangan pa ang pagsusugo at sapat na raw ang tumawag sa Panginoon upang maligtas.
ANG PAGTAWAG NG DIYOS SA TAO
Alin pang talata sa Biblia ang nagpapatunay na may mga taong kahit tumawag sa Panginoon ay hindi sasagutin at lalong hindi ililigtas? Sa Kawikaan 1:24 at 28 ay ganito ang pahayag:
"Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
"Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, NGUNI'T HINDI AKO SASAGOT; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan."
May pagtawag na ginagawa ang Diyos sa mga tao. Kailanma't ang tao ay tumanggi rito, hindi rin sila sasagutin ng Diyos kapag sila naman ang tumawag sa Kaniya. Aling pagtawag ng Diyos ang tinutukoy ng Biblia na masamang tanggihan ng tao? Ganito ang sinasabi sa I Corinto 1:9:
"Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin."
Ang tinutukoy na pagtawag ng Diyos ay ang pagtawag Niya ng mga taong ipakikisama sa Panginoong Jesucristo. Paano ba ang pagtawag ng Diyos sa tao upang ipakisama kay Cristo? Sa II Tesalonica 2:14 ay ganito ang pahayag:
"Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo."
Ang EBANGHELYO o ang KANIYANG MGA SALITA ang kasangkapan ng Diyos sa pagtawag sa mga taong ipakikisama kay Cristo. Subalit HINDI LAHAT ng pangangaral ng ebanghelyo ay pagtawag ng Diyos sa mga tao at HINDI LAHAT ng mga diumano'y tagapangaral ay sugo ng Diyos. Sino lamang ang pinagkatiwalaan ng Diyos ng Kaniyang mga salita upang ipangaral ang mga ito? Sa II Corinto 5:19-20 ay ganito ang pahayag:
"Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
"Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios."
Sa MGA SUGO LAMANG ipinagkatiwala ng Diyos ang Kaniyang mga salita. Sa pamamagitan ng kanilang pangangaral ay naipakikipagkasundo ang tao sa Diyos. Kung ang nangangaral sa mga tao ay hindi naman sinugo ay hindi sila magagawang maipakipagkasundo ng mga ito sa Diyos. Kaya kahit tumawag sila ng tumawag sa Diyos ay hindi sila sasagutin at lalong HINDI SILA MALILIGTAS.
Samakatuwid, kalooban ng Diyos ang sinasalungat ng mga nagsasabing hindi na kailangan ang pagsusugo.
MAHALAGANG MAUGNAY SA SINUGOPinatunayan ni Apostol Pablo ang kahalagahan ng pagsusugo upang ang tao ay makatawag sa Diyos at sa gayon ay maligtas:"Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, 'Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon'. Ngunit paanong tatawagan ng mga tao ang hindi nilasinasampalatayanan? Paano silang mananampalataya kung wala pa silang napapakinggan tungkol sa kanya? Paano naman silang makakapakinig kung walang tagapangaral? At paanong makapangangaral ang sinuman kung hindi siya isinusugo?" (Roma 10:13-15, Magandang Balita Biblia)Ayon kay Apostol Pablo, hindi makatatawag sa Panginoon ang hindi sumasampalataya; gayundin, hindi makasasampalataya ang walang napakinggang aral; hindi rin makaririnig ng aral ang sinuman kung walang tagapangaral - ngunit tagapangaral na SINUGO, sapagkat kailanman ay walang karapatangangaral ang hindi sinugo.Kung gayon, ang sumasampalataya na nakarinig ng aral ng Diyos na itinuro ng Kaniyang sinugo ang tatawag sa Panginoon na maliligtas.Mayroon namang mga nagsasabing tinanggap na raw nila si Cristo bilang kanilang pansariling Tagapagligtas kaya sila raw ay tiyak na maliligtas. Subalit maaari bang matanggap ng tao si Cristo nang hiwalay sa pagsusugo? Papaano ba matatanggap si Cristo kahit Siya ngayon ay nasa langit na? Ganito ang pagtuturo ng Banal na Kasulatan:
"."Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig..." (Lu. 10:16)
Upang matanggap si Cristo ay kailangan munang tanggapin ang sinugo sapagkat ang pagtatakuwil sa sugo ay katumbas ng pagtatakuwil sa Panginoong Jesucristo:
"Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.." (Lu. 10:16)
Kung gayon, upang matiyak ng tao na kaniya na nagang natanggap si Cristo ay dapat muna niyang matiyak na tinaggap na niya ang tunay na sinugo.
ANG SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAWSa mga huling araw na ito ay may pagsusugo ang Panginoong Diyos. Ang sugong ito ang siyang kinasangkapan ng Diyos upang mailapit sa mga tao ang katuwiran:
"Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
"Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:
"Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian." (Isa: 46:11-13)
Ang panahon ng paglitaw ng sugong ito na itinulad sa ibong mandaragit ay sa panahong malapit na ang kaligtasan o bago dumating ang araw ng Paghuhukom. Ang kaniyang gawain ay ILAPIT ANG KATUWIRAN o ang EBANGHELYO sa tao na siyang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas (cf. Roma 1:16-17).
Ang hulang ito ay natupad kay Kapatid na Felix Y. Manalo na siyang nangaral ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas noong 1914. Ipinangaral niya na ang Iglesia na katawan ni Cristo - ang Iglesia Ni Cristo - ang tinubos o binili ng dugo ng Panginoon at siyang dapat aniban ng tao sapagkat ito ang ililigtas ni Cristo (cf. Gawa 20:28, Lamsa Version; Efe. 5:23)
Sa kasalukuyang panahon, ang tao ay DAPAT NA MAUGNAY SA PAGSUSUGO NG DIYOS sapagkat ang mga nakabahagi sa pangangaral ng tunay na sinugo ANG TATAWAG SA DIYOS NA TIYAK NA MALILIGTAS.
Emphasis: Admin.
Kinopya mula saPASUGO GOD'S MESSAGEOctober 1997Pages 9-10
MALUGOD PO NAMIN KAYONG INAANYAYAHAN SA AMING MGA PAGSAMBA SA DIYOS
Kung may katanungan po kayo, maaari po kayong magtungo sa pinakamalapit na kapilya o bahay sambahan ng IGLESIA NI CRISTO sa inyong lugar.