Biyernes, Nobyembre 7, 2025

ANG DI MAKAKAMIT NG TAONG NANINIWALA SA TRINIDAD

ANG DI MAKAKAMIT NG TAONG NANINIWALA SA TRINIDAD 

[DAAN NG BUHAY (Kawikaan 6:23)]

Teofilo C. Ramos Sr.


IPINAGTATAKA ng mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo kung bakit hindi kami naniniwala sa Trinidad gayong halos lahat naman daw ng kabilang sa tinatawag na Sangkakristiyanuhan ay naniniwala rito. Sa bagay na ito ay sadyang naiiba ang Iglesia Ni Cristo sa kanila. Sa pamamagitan ng artikulong ito ay malalaman ninyo kung bakit hindi namin pinaniniwalaan ang Trinidad kundi ito'y tahasan pa naming tinututulan. Malalaman din natin dito ang ibubunga sa isang tao na naniniwala at nagtataguyod ng aral na ito. Subali't alamin muna natin kung ano ang aral na ito.


ANG ARAL TUNGKOL SA "TRINIDAD" 

Ano ba ang aral na tinatawag na Trinidad? Batay sa Catesismo ng Iglesia Katolika, ito ay ang paniniwala na ang Diyos ay may tatlong persona, alalaong baga'y, ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo. Na ayon pa rin sa kanila ang bawa't persona ay tunay na Diyos subalit ang tatlong ito ay iisa lamang Diyos.

 

T. Ilan ang Dios? 

S. Isa lamang.

 

T. At ang Personas niya ay ilan kaya?

S. Tatlo.

 

T. Turan mo kung alin-alin? 

S. Ama, Anak at Espiritu Santo.

 

T. Ang Ama ay Dios?

S. Oo, Dios din.

 

T. Ang Espiritu Santo ay Dios?

S. Oo, Dios din naman.

 

T. At iba baga ang pagka Dios ng Ama sa pagka Dios ng Anak o ng Espiritu Santo?

S. Dili kundi isa rin ang pagka Dios nila. Kaya silang tatlong Personas ay iisang Dios (p. 20)

 

Totoo kaya ito? Ang Diyos ba ay binubuo ng tatlong persona? Ilan ang tunay na Diyos at sino Siya? Ayon mismo sa pagtuturo ng mga apostol ay ganito ang kanilang pagpapakilala: 

Ngunit sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya,..(I Cor. 8:61)

 

Iisa lamang ang Diyos ang Ama.Walang sinasabi si Apostol Pablo na ang iisang Diyos ay "ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo." Bakit naparagdag ang Anak, at ang Espiritu Santo sa Ama na iisang Diyos? Sino ba ang lumikha o umimbento ng aral na ang ating Panginoong Jesucristo (ang Anak) at ang Espiritu Santo ay Diyos din? Sa aklat na Discourses On The Apostle's Creed, na sinulat ng paring katoliko na si Clement H. Crock, ay ganito ang ating mababasa:

 

Thus, for example, it was not until 325A.D. at the council of Nicea, that the [Catholic] Church defined for us that it was an article of faith that Jesus is truly God.... In 381, at the Council of Constan-tinople, it was defined that is an article of faith that the Holy Ghost is God. [Rev. Clement H. Crock, Discourses On The Apostle's Creed (New York: Joseph F. Wagner, Inc., 1938), p. 206.]

 

Sa Pilipino: 

Kaya, halimbawa noon lamang 325 taon ng Panginoon, sa konsilyo ng Nicea, nang ipaliwanag ng Iglesia [Katolika) sa atin na isang alituntunin ng pananampalataya na si Jesus ay tunay na Diyos... Noong 381, sa konsilyo ng Constantinopla, ipinaliwanag na isang tuntunin ng pananampalataya na ang Espiritu Santo ay Diyos.

 

Konsilyo ng Nicea ang lumikha ng aral na si Cristo ay Diyos. Ito'y noon lamang 325 A.D. naganap. Samantala, ang konsilyo naman ng Constantinopla ang umimbento ng aral na ang Espiritu Santo ay Diyos. Ito nama'y noong 381 A.D. Matagal nang patay ang mga Apostol bago "nalikha" ang aral na si Cristo at ang Espiritu Santo ay Diyos.


 

ANG TERMINONG TRINIDAD 

Ano ang ipinagtapat ng mga naniniwala sa 'Trinidad" tungkol sa terminong ito? Ganito ang kanilang pahayag:

 

The Bible does not use the word purgatory any more than it uses the word Trinity, ... (Leslie Rumble and Charles M. Carty, Radio Replies, Wol. III (llinois: Tan books and Publishers, Inc., 1979), p. 224.]

 

Sa Pilipino: 

Hindi ginamit ng Biblia ang salitang purgatoryo tulad ng hindi paggamit nito sa salitang Trinidad. 

Maging ang ilang sektang Protestante na naniniwala rin sa Trinidad ay inaamin na:

 

The term 'trinity' is not found in Scripture,... [Augustus Hopkins Strong, Systematic Theology (Philadelphia: The Judson Press, 1907), p. 304.] 

Sa Pilipino:

 

Ang terminong 'trinidad' ay 

wala sa [Banal] na Kasulatan,... 

Kung ang terminong "Trinidad"ay hindi mula sa Biblia, saan nagmula ito? Sino ang kumatha nito? Ganito ang ating matutunghayan sa aklat na Systematic Theology na sinulat ni Dr. Augustus Strong:

 

The invention of the term is ascribed to Tertullian. (Strong,p. 304)

 

Sa Pilipino: 

Ang pagkakakatha ng terminong ito ay ipinalalagay na gawa ni Tertuliano.

 

At mayroon pang ganitong pahayag sa Systematic Theology na inayos naman ni Louis Berkhof:

 

Tertullian was the first to use term Trinity' and to formulate the doctrine, ... (Berkhof, p. 82)


Sa Pilipino: 

Si Tertuliano ang unang gumamit ng terminong 'Trinidad' at siyang bumalangkas sa doktrinang ito..

 

Dapat mapansin na ang Biblia ay walang kaugnayan sa 'Trinidad' kundi, ito ay isang katha lamang ng mga naniniwala na liban sa Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo ay mga persona ng iisang Diyos.


 

KUNG KAILAN ITO NABUO 

Kailan ba sinimulang buuin ang doktrina ukol sa Trinidad. Ayon pa rin sa aklat na Systematic Theology ni L. Berkhof ay ganito ang sinasabi:

 

The [Catholic] Church began to formulate its doctrine of the Trinity in the fourth century. [Louis Berkhof, Systematic Theology (Michigan: Eardman's Publishing Co., 1939) pp.82-83.

 

Sa Pilipino: 

Sinimulang buuin ng Iglesia [Katolikal] ang doktrina nito ukol sa Trinidad noong ika-4 ng siglo.

 

Sinimulang buuin ng Iglesia Katolika ang doktrina ukol sa Trinidad? Ganito ang ibinibigay na kasagutan sa atin ng aklat na Fundamentals of Catholic Dogma: 


The most complete formulation of the doctrine of Trinity in a Creed since the times of the Fathers is found in the Symbol of the 11th Synod of Toledo (674), which is composed mosaic-like out of texts from the Fathers (above all from St. Augustine, St. Fulgentius, St. Isidore of Seville), and of former Synods (especially that of the 6th Synod of Toledo, 638). [Ludwigg Ott, Fundamentals of Catholic Dogma. Nihil Obstat: Jeremiah J. O. Sullivan, D.D. Imprimatur: Cor-nelius (Illinois: Tan Books and Publishers, Inc. 1980), p. 53.]

 

Sa Pilipino: 

Ang pinakakumpletong pormulasyon ng doktrina ng Trinidad sa isang kredo mula nang panahon ng mga Ama at matatagpuan sa kredo ng ika-11 kapulungang Toledo (675), na binuong tulad ng mosaik na hinango sa mga tekstong mula sa mga Ama (higit sa lahat mula kina San Agustin, Sn. Fulgentius, San Isidro ng Seville), at sa mga naunang kapulungan (lalo na ang ika-6 na kapulungan ng Toledo, 638). 

Samakatuwid, noon lamang ikapitong siglo ganap na nabuo ang pormulasyon ng doktrina sa Trinidad na pinaniniwalaan ng napakaraming tao.

 

Ang doktrina ukol sa Trinidad ay isang aral na nilikha lamang ng Iglesia Katolika kaya walang kinalaman ang Banal na Kasulatan sa aral na ito.


 

ANG ARAL NG BIBLIA TUNGKOL SA ANAK AT SA ESPIRITU SANTO 

Ano po ba ang sinasabi ng Biblia tungkol sa ating Panginoong Jesucristo? Diyos ba siya na katulad ng Ama? Sa I Tim. 2:5 ay ganito ang pahayag:

 

Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si CristoJesus...

 

Tao ang ating Panginoong Jesucristo. Hindi siya Diyos na gaya ng paniniwala ng iba.

 

Ano naman ang sinasabi ng Biblia tungkol sa Espiritu Santo? Sa Juan 14:26 ay ganito ang nakasulat:

 

Datapuwa't ang mang-aaliw, samakatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

 

Ang Espiritu Santo ayon sa Biblia ay mang-aaliw na isinusugo ng Ama Hindi sinasabi sa talata na ang Espiritu Santo ay Diyos. Mapapansin na iba ang Espiritu Santo na isinu sugo at ang Diyos na nagsusugo.

 

Kung gayon, namamalagi ang aral na ang Ama lamang ang tunay na Diyos.


 

ANG DI MAKAKAMIT NG MGA NANINIWALA SA TRINIDAD 

Alin ba ang di makakamit ng mga tao na naniniwala sa Trinidad o sa Diyos na diumano'y may tatlong persona? Sa pahayag mismo ng ating Panginoong Jesucristo ay ganito ang Kaniyang kasagutan:

 

Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak.... 

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siya'y iyong sinugo, samakatuwid bagay si JesuCristo. (Jn. 17:1, 3)

 

Ang di makakamit ng mga taong naniniwala na bukod sa Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo ay Diyos din, ay ang buhay na walang hanggan. Hindi ba ang buhay na walang hanggan ay ninanais natin na matamo? Kung gayon, dapat lamang na itakwil natin ang paniniwala sa Trinidad.


Sampalatayanan natin na ang Ama ang Siyang tunay na Diyos. Ito ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan. šŸ•Ž


 

PASUGO GOD'S MESSAGE 

MAYO-HUNYO 1983

Pahina 43-44

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento