PUMASOK TAYO
KAY JESUS
NAPAKARAMING
mangangaral ngayon ang gumagamit ng radio, telebisyon, at mga lathalain
sa kanilang pagtuturo. Bagaman
magkakaiba ang doktrina o aral na maririnig at mababasa natin, inaakala ng
marami na ang lahat ng relihiyon ay pare-pareho. Kung paano raw na ang lahat ng ilog ay
pare-parehong sa dagat umaaagos, gayun din naman, lahat daw ng relihiyon ay
pare-parehong patungo sa Diyos at sa kaligtasan.
Para sa iba,
sapat na ang maniwala o sumampalataya kay Cristo at hindi na kailangan pa ang
pagrerelihiyon upang maligtas. Relasyon
lamang daw kay Cristo at hindi relihiyon ang kailangan ng tao para magtamo ng
kaligtasan.
Tinitiyak ng
Biblia na may mga relihiyong hindi tunay
at IISA LAMANG ANG TUNAY NA RELIHIYON. Sa tunay na relihiyong itinuturo ng Biblia dapat umanib ang lahat ng tao upang
maligtas.
DAPAT PUMASOK
Malinaw ang
pahayag ni Cristo sa sinumang ibig maligtas:
“I am the door; anyone who comes into the fold through me
will be safe.” [AKO ANG PINTUAN;
SINUMANG PUMASOK SA LOOB NG KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.]
(Jn. 10:9, Revised English Bible)
Ang mga
pumasok kay Cristo na Siyang pintuan ay PUMALOOB
SA KAWAN. Ang kawang ito ay ang IGLESIA
NI CRISTO:
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.”
[Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.] (Acts 20:28, Lamsa Translation)
Kaya ang
katumbas ng pagpasok sa loob ng kawan ay pagpasok o pag-anib sa Iglesia ni Cristo. Kung gayon, hindi lamang ang pananampalataya,
pagkilala, at pagtanggap sa Panginoong Jesucristo na Tagapagligtas ang
kailangan ng tao para siya’y maligtas, kailangan din ang pagpasok sa Kaniya at
mapaloob sa kawan o Iglesia. Paano naman ang sinasabi ng iba na relasyon at hindi
relihiyon o Iglesia ang kailangan para maligtas? Alin ba ang may relasyon kay Cristo?
“ISANG DAKILANG
KATOTOHANAN ANG INIHAHAYAG NITO—ANG KAUGNAYAN NI CRISTO SA IGLESYA ANG
TINUTUKOY KO.” (Efe. 5:32, Magandang
Balita Biblia)
Ang may
relasyo o kaugnayan kay Cristo ay walang iba kundi ang Iglesia na Kaniyang
pinangunguluhan.
ANG HINDI PUMASOK
Ang hindi pumasok kay Cristo o wala sa loob
ng kawan o Iglesia ni Cristo ay hindi
tatanggapin ng Panginoong Jesucristo kahit pa kumikilala rin sila sa
Kaniya. Sinabi ni Jesus:
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.
“Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan.” (Lu. 13:24-25)
Kung totoong
pare-parehong sa Diyos ang lahat ng relihiyon, dapat sana’y tanggapin ni Cristo
ang lahat sa Araw ng Panghuhukom.
Subalit, MALINAW sa pahayag
ng Panginoon na HINDI LAHAT ay
kinikilala niya. Sa halip na tanggapin,
ay ipagtatabuyan Niya ang ang mga hindi nagpilit na makapasok sa pintuang makipot:
“At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan.
“DIYAN NA NGA
ANG PAGTANGIS, AT ANG PAGNGANGALIT NG MGA NGIPIN …” (Lu. 13:27-28)
Ang tinutukoy
ng ipinahayag ni Cristo na “diyan na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng
mga ngipin,” ay ang kaparusahan sa apoy na nakalaan sa mga taong hindi
kinikilala ng Panginoong Jesus sapagkat hindi sila pumasok sa Kaniya:
“AT
SILA’Y IGAGATONG SA KALAN NG APOY:
diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.”
(Mat. 13;42)
Kaya, batay sa
mga pahayag na ito ng Panginoong Jesucristo, ngayon pa lamang ay natitiyak na
nating ang mga hindi pumasok sa pintuan o kay Cristo—yaong wala sa loob ng Iglesia ni Cristo—ay HINDI MALILIGTAS sa Araw ng Paghuhukom.
ANG NAKALAAN SA PUMASOK
Isang dakilang
kapalaran ang nakalaan sa mga pumasok kay Cristo at napabilang sa Iglesia ni Cristo. Sila ang tinitiyak ng Biblia na makasusumpong
ng tunay na buhay:
“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.
“Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ANG DAANG PATUNGO SA BUHAY, at kakaunti
ang nangakakasumpong noon.” (Mat. 7:13-14)
Kaya, kung
nais nating magkaroon ng relasyon o kaugnayan kay Cristo at magtamo ng buhay na
walang hanggan na nasa Kaniya, dingging natin ang Kaniyang utos. MAGPILIT
tayong pumasok sa pintuan—kay Cristo—sa paraang mapaloob tayo sa tunay na Iglesia ni Cristo. SA GANITONG PARAAN NATIN MAPATUTUNAYAN NA
TINANGGAP NA NATIN SA CRISTO SA ATING BUHAY. *
Sinulat ni:
Kapatid na JOSE R. BERNISCA
Kinopya mula sa:
PASUGO GOD’S MESSAGE
July 2003
Pages 14-15
Emphasis:
Admin.