IGLESIA NI
CRISTO: DAPAT ANIBAN SA IKALILIGTAS
“BAKIT NINYO SINASABI na Iglesia Ni Cristo ang itinatag ng Panginoong Jesucristo sa Mateo
16:18? Nakasulat ba sa talatang ito na Iglesia Ni Cristo ang itinatag?” Ito ang malimit itanong ng mga minimisyon o
hinihikayat na umanib sa Iglesia, lalo pa nga’t sila ay nagbabasa rin ng
Biblia.
“AKING IGLESIA”
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw
ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya …” (Mat. 16:18, Magandang Balita Biblia)
Sinabi ni
Cristo na, “ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA.” Kaniya (KAY CRISTO) ang Iglesya,
kaya sinabi Niya na “AKING IGLESYA.”
Kung gayon, HINDI NA DAPAT HANAPIN PA ng sinuman na sabihin ni Cristo
na: “Itatayo ko ang aking Iglesia Ni Cristo.”
Bukod dito,
ayon kay Apostol Pedro na siyang kausap ng Panginoong Jesucristo sa nabanggit
na talata, ang BATONG SALIGAN o PINAGTAYUAN ng IGLESIA ay ang PANGINOONG
JESUCRISTO MISMO gaya ng mababasa sa Gawa 4:10-12:
“Talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong
ito’y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan
ng pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret.
Siya’y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Dios. Ang Jesus na ito ‘Ang batong itinakwil
ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.’ Kay
Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit,
ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Dios sa ikaliligtas ng tao.”
(Ibid.)
Sa liwanag ng katotohanang itinuro ni Apostol Pedro na puspos
ng Espiritu Santo, (Gawa 4:8, Ibid.)
hindi ba MARAPAT LAMANG na Iglesia Ni
Cristo ang pangalan ng TUNAY na Iglesiang itinayo ni Cristo? Kaya si Apostol Pablo na isang marunong na
tao at may PATNUBAY ng Diyos ay walang atubiling nagbilin:
“Magbatian kayo
ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI
CRISTO ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16, New Pilipino Version)
PAREHONG MAHALAGA
“Hindi ba si Cristo na lamang ang dapat pahalagahan at
hindi na ang Iglesia dahil sa Siya naman ang Tagapagligtas at hindi ang
Iglesia?” Isa pa rin ito sa itinatanong
ng marami.
PAREHONG
MAHALAGA ang Panginoong Jesucristo at ang tunay na Iglesia. Ipinakita ni Cristo ang kahalagahan ng
Iglesiang itinayo Niya noong Kaniyang sabihin:
“At sinasabi ko
naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking
iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.”
(Mat. 16:18, MB)
Ang Iglesiang
itinayo ni Cristo ay HINDI PANANAIGAN kahit ng kapangyarihan NG KAMATAYAN! Hindi ba napakahalagang katotohanan ito? Bakit?
Mula nang ang tao’y magkasala, siya ay hindi na naging karapat-dapat sa
paningin ng Diyos (Roma 3:23, Ibid.), kundi naging kaaway ng Diyos (Col.
1:21. At hindi lamang iyon. ANG TAONG NAGKASALA AY TINAKDAANG MAGBAYAD SA
KANIYANG KASALANAN. Kamatayan ang
kabayaran ng kasalanan gaya ng mababasa sa Roma 6:23:
“Sapagka’t ang
kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng
Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”
At kung aling
kamatayan ang ganap na kabayaran ng kasalanan, ito ay ang IKALAWANG KAMATAYAN
sa dagat-dagatang apoy gaya ng mababasa sa Apokalipsis 21:8:
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Ano kung gayon ang kailangan upang huwag mapanaigan ng
ikalawang kamatayan o huwag makasama sa mga ibubulid sa dagat-dagatang
apoy? Kailangang maalis sa
pagiging kaaway ng Diyos at ito’y magaganap kapag NALALANG ang ISANG TAONG BAGO
ayon kay Apostol Pablo:
“Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan.”
(Efe. 2:15)
ANG DALAWA NA
NAGING ISANG TAONG BAGO AY SI CRISTO AT ANG KANIYANG KATAWAN O IGLESIA ayon na
rin kay Apostol Pablo:
“At siya ang
ulo ng katawan, samakatuwid baga’y ng iglesia …” (Col. 1:18)
Mahalaga si
Cristo, BILANG TAGAPAGLIGTAS. Mahalaga
rin ang Iglesiang katawan Niya sapagkat ITO ANG KANIYANG ILILIGTAS. Kung wala ang tao sa Iglesia Ni Cristo, kahit pa sinasabi niyang pinahahalagahan niya si
Cristo, ay WALA PA RING KABULUHAN ang kaniyang sinasabi sapagkat HINDI NAMAN SIYA
MALILIGTAS.
NASA ISANG ORGANISASYON LAMANG
Sinasabi naman ng iba na ang “Iglesia” ay ang mga tao na
nasa iba’t ibang pangkatin ng pananampalataya o denominasyon na sumasampalataya
kay Cristo. Hindi raw ito isang
organisasyon lamang.
Ang ganitong
pangangatwiran ay SALUNGAT sa sinabi ni Apostol Pablo na:
“Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”
(Roma 12:4-5)
HINDI SINABI
ni Apostol Pablo NA MAGKANIYA-KANIYA na ang lahat; o dili kaya’y HIWA-HIWALAY
na grupo o organisasyon ang Iglesiang tunay na kay Cristo basta’t
sumasampalataya lamang sa Kaniya. Manapa
itinuro ni Apostol Pablo na bagama’t marami ang sangkap, gaya ng mga sangkap ng
isang katawan, ang mga sangkap na ito ay NASA IISANG KATAWAN LAMANG. Kaya isang organisasyon o isang Iglesia Ni Cristo lamang.
ANG ILILIGTAS NI CRISTO
Ganito naman ang sinasabi ng iba: “Tagapagligtas si Cristo kaya dapat iligtas
Niya ang lahat ng tao at hindi ang nasa Iglesia
Ni Cristo lamang.” MAY BATAS ANG
DIYOS NA ANG BAWAT TAO AY MANANAGOT O PAPATAYIN DAHIL SA KANIYANG SARILING
KASALANAN gaya ng mababasa sa Deutronomio 24:16 na:
“Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.”
UPANG
MAPANAGUTAN NI CRISTO ANG KASALANAN NG TAO NA HINDI MALALABAG ANG BATAS NG
DIYOS AY GINAWA NIYANG KATAWAN NIYA ANG MGA TAONG
KANIYANG ILILIGTAS ayon kay Apostol Pablo:
“Sapagkat ang
lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na
kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito … Mga lalaki, ibigin ninyo ang
inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya. INIHANDOG NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.”
(Efe. 5:23, at 25, MB)
ULO SI CRISTO
PARA MANAGOT. KATAWAN NIYA ANG IGLESIA
NA KANIYANG PANANAGUTAN O ILILIGTAS. Sa
harap ng Panginoong Diyos, SI CRISTO AT ANG IGLESIANG KATAWAN NIYA AY ISANG TAO
NA LAMANG—ISANG TAONG BAGO (Efe. 2:15), kaya HINDI LABAG SA BATAS NG DIYOS kung
pananagutan man ni Cristo ang kasalanan ng mga taong nasa Kaniyang
Iglesia. Samantala, kung ililigtas naman
niya ang WALA sa kaniyang Iglesia, MALALABAG ang batas ng Diyos.
ANG BINILI NG DUGO
Upang ipakita ni Apostol Pablo ang halaga ng Iglesia Ni
Cristo, itinuro niya ang ganito:
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.”
(Gawa 20:28, isinalin mula sa Lamsa
Translation)
ANG IGLESIA NI
CRISTO ANG BINILI O TINUBOS NG DUGO NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO. Kaya TIYAK na ito ay ililigtas ng ating
Panginoong Jesucristo.
ANG DAPAT GAWIN NG NAIS MALIGTAS
HINDI DAPAT MAGBAKASALAKI. Ang kaligtasan ay tunay na napakahalaga upang
ito ay ipakipagsapalaran lamang. TIYAK
ANG TAGAPAGLIGTAS. TIYAK DIN ANG
ILILIGTAS. Kung gayon ang sinumang
nagnanais na maligtas ay kailangang sundin ang itinuro ng ating panginoong
Jesucristong Tagapagligtas:
“Ako ang
pintuan; ang sinumang taong pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay
magiging ligtas.” (Juan 10:9, isinalin mula sa Revised English Bible)
Ang KAWAN na
DAPAT KAPALOOBAN o PASUKAN ng mga nais
maligtas ay ang IGLESIA NI CRISTO
(Gawa 20:28, Lamsa Translation). ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NG TAO
ANG PAG-ANIB SA IGLESIA NI CRISTO. *
Sinulat ni:
Kapatid na NICANOR P. TIOSEN
Kinopya mula sa:
PASUGO GOD’S MESSAGE
MARCH 2015
VOLUME 67
NUMBER 3
PAGES 40-41
Emphasis:
Admin.