Linggo, Mayo 31, 2015

IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA SA MALAKING KONGREGASYON

ANG MUNDONG ITO ang nagtutulak sa tao na sundin ang kaniyang likas na hilig at ibuhos ang kaniyang lakas, kakayahan, at panahon upang bigyang-kasiyahan ang sarili.  Ang ibinunga nito ay ang laganap na paniniwala na maraming bagay ang makapagbibigay ng higit na kaligayahan sa tao, at maghahatid sa kaniya sa isang mainam at matagumpay na buhay.

     Ang pagkakaroon ng maraming ari-arian ay naging isang marubdob na hangarin ng marami sukdulang sila ay mangutang o gumugol nang higit sa kinikita para lamang magtamo ng mga ito, na hindi na inalintana ang maaaring ibunga nito sa kanilang katayuang pinansiyal.  Sa isang “swipe” lamang ng “credit cards” ay kaagad mapapasaiyo ang mga pinakabagong electronic gadgets, mamahaling alahas, designer clothes, o kaya ay isang exotic holiday package.  Nagbibigay ito ng dagling kasiyahan sa tao.

     Subalit ang suliranin, kailangan ng tao na gumugol ng maraming oras sa paghahanap-buhay para matustusan ang lahat ng luho niya sa buhay.  Ang pagbili ng sari-saring mga kagamitan para makita ng sanlibutan ay tila naging isang “necessity” sa paningin ng marami, bagama’t kalimitan ay nangangahulugan ito ng paggugol nang higit sa kakayahan ng tao.  Kaya naman, dahil na rin sa paghikayat ng iba’t ibang sangay ng media na ang tao’y mamili nang mamili, napalitan na ng materyalismo ang relihiyon at ang espirituwalidad sa puso at isipan ng napakaraming tao.

     Ito ay hindi mabuti ni nakalulugod o katanggap-tanggap sa Diyos na Siyang may ibig na ang lahat ng tao ay maligtas, gaya ng ipinaliwanag ni Apostol Pablo, na:  “Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan” (I Tim. 2:3-4, Magandang Balita Biblia).  Kaya, kung ang Diyos man ay nagpapahinuhod sa tao—na binibigyan ng iba ng maling pakahulugan na kabagalan o pagpapabaya ng Diyos sa pagtupad ng Kaniyang mga pangako—ito ay sa layunin Niyang bigyan ng pagkakataon ang makasalanan na magsisi at magbalik-loob sa Kaniya (II Ped. 3:9, Ibid.).

     Ang katotohanang dapat malaman ng tao ay ipinahayag mismo ng Tagapagligtas nang Kaniyang sabihin, na:  Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.  Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6, Ibid.).

     Ipinakilala ni Jesus ang Kaniyang sarili bilang tanging daan patungo sa Ama;  ito ang katotohanang itinuturo ng Biblia, tanggapin man ito ng tao o  hindi.  Maaaring ang populasyon ng daigdig ay umaabot na sa ilang bilyon, subalit mayroon lamang isang paraan upang ang tao ay mapasa kay Cristo—alalaong baga’y sa pamamagitan ng pagiging sangkap o kaanib ng Kaniyang katawan (Rom. 12:4-5) bagama’t mayroong magkakaibang gawain sa nasabing katawan ni Cristo na siya ngang Iglesia (Col. 1:18), na ang pangalan ay Iglesia ni Cristo (Gawa 20:28, Lamsa Translation).

     Ang pagiging kaanib sa iisang tunay na Iglesia, ang Iglesia ni Cristo, kung gayon, ay napakahalaga upang ang tao ay maging karapatdapat muli sa harapan ng Diyos.  Sa labas ng nasabing Iglesia, “ang Diyos ang hahatol sa kanila” (I Cor. 5:12-13, MB).  Isang malaking kamalian at kamangmangan na ipilit na ang Iglesia ng Panginoon ay hindi na kailangan sa pagtatamo ng kaligtasan, gaya ng iginigiit ng iba.  Sapagkat bakit pa itatayo ni Jesus ang tinawag Niyang “aking iglesia” (Mat. 16:18) kung wala naman pala itong kinalaman sa pagtatamo ng kaligtasan?  Bukod dito, bakit pa “idinaragdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga ililigtas” (Gawa 2:47, isinalin mula sa New King James Version) kung hindi naman pala ito mahalaga?

     Ang isa sa malalaking hamon sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ay ang mabuhay sa kabanalan at pagsunod sa kalooban ng Diyos sa gitna ng sanlibutang nalululong sa konsumerismo o mga bagay na materyal.  Maliwanag ang utos sa kanila ng Diyos:  “Dati, nasa kadiliman kayo, ngunit ngayo’y nasa liwanag sapagkat kayo’y sa Panginoon.  Mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga taong naliwanagan … Kaya’t ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay.  Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang.  Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti.  Huwag kayong mga hangal.  Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon” (Efe. 5:8, 15-17, MB).

     Bilang mga tao ng Diyos na nasa liwanag, marapat lamang na ito ay mahayag sa kanilang pag-uugali.  Dapat silang mamuhay na nakatutugon at karapatdapat sa pagkatawag ng Diyos, hindi gaya ng mga mangmang o hangal, sa pamamagitan ng paggamit sa bawat pagkakataon upang makagawa ng mabuti.  Mabuti sa paningin ng Diyos, gaya ng itinuro ni Apostol Pablo, ang pagtulong sa pamamahagi ng Mabuting Balita ng kaligtasan:  “Dahil sa inyong tulong sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito’y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.  Tinitiyak ko sa inyong ang mabuting gawa na pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng Pagbabalik ni Cristo Jesus” (Filip. 1:5-6, Ibid.).

     Ang kasiglahan sa gawaing pagpapalaganap ay hindi lamang pangminsanang aktibidad.  Sa halip, gaya ng maigting na itinuro ng apostol sa mga Cristiano, kailangan nila itong maitaguyod hanggang sa araw ni Cristo Jesus o sa mismong araw ng Kaniyang pagbabalik.  Ang ganap na pagkaunawa sa hangarin ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas sa Araw ng Paghuhukom ay kahayagan ng dakilang pananagutan ng mga tao ng Diyos sa puspusang ipalaganap ang mensahe ukol sa kaligtasan, lalo na ngayong ang Araw ay totoong mabilis na dumarating!

     Ito ay magagawa sa iba’t ibang paraan.  Ang pinakamagaan ay ang pag-aanyaya sa mga kaibigan, kamag-anak, katrabaho o mga kababayan—gaya ng ginawa ng babaeng Samaritana—upang makapakinig sila sa mga aral ng Panginoong Jesucristo (Juan 4:28-30).  Ganito rin ang ginagawa ng mga kaanib sa Iglesia sa pamamagitan ng pag-akit sa kanilang mga mahal sa buhay na dumalo sa mga pagsamba, mga gawaing pagpapalaganap, o maging sa malalaking pamamahayag ng mga salita ng Diyos.  Ginagawa rin ito ng mga ministro at ng mga manggagawa sa pamamagitan ng hindi nila pagpapabaya sa kanilang pananagutan na ipahayag ang mga katotohanan ng Diyos sa mga hayag na dako at maging sa mga tahanan (Gawa 20:20).  Ang iba naman ay tinitipon ang kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa kanilang tahanan, gaya ng ginawa ni Cornelio sa panahon ng mga apostol (Gawa 10:24-33), upang mapakinggan nila ang pagtuturo ng mga kautusan ng Diyos.

     Ang isa pang mabisang paraan ng pagmimisyon ay sa pamamagitan ng pagpapadala o pamamahagi ng Pasugo: God’s Message (ang opisyal na lathalain ng Iglesia ni Cristo) maging ang iba pang polyeto o babasahin ng Iglesia sa mga kaibigan at kakilala.  Ang isang makabagong paraan ay sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na makinig sa mga programang pangrelihiyon ng Iglesia sa radio, telebisyon, at cable.  Maaaring napakalaking gampanin ito, subalit ang mga tao ng Diyos ay nabibigyang-inspirasyon ng nakasulat sa Biblia na kapag ito ay kanilang ginawa, inililigtas nila ang marami sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanila mula sa apoy (Jud. 1:23).

     Yayamang totoong nakalulugod at nakaluluwalhati sa Diyos na maraming kaluluwa ang nagbabalik-loob sa Kaniya sa pamamagitan ng kanilang pagmamalasakit, ang mga maytungkulin at maging mga kaanib na nakikiisa sa pagpapalaganap ng pananampalataya ay nakikinabang na rin sapagkat ang kanilang pangalan ay tiyak na nakatala sa aklat ng buhay (Filip. 4:3).  Hindi maliit na bagay na ang mga tao ng Diyos na maliligtas sa Araw ng Paghuhukom ay yaong ang pangalan ay masusumpungang nakasulat sa aklat (Dan. 12:1).

     Tangi rito, itinuro rin ni Apostol Santiago ang kahalagahan kapag may isang makasalanan na naalis sa likong landas:  “ang sinumang nagpapanumbalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagligtas ng kaluluwa nito sa kamatayan, at sa gayo’y napawi ang maraming kasalanan” (Sant. 5:20, MB).

     Ang matapat na pagtahak sa daang inilatag ng Diyos para sa Kaniyang mga hinirang sa mga huling araw na ito, ay walang pag-aalinlangang mahirap sa gitna ng maraming tuksong umaagaw sa kanilang panahon at pansin.  Tunay ngang ang mga kaugaliang  Cristiano ay nakikipagtunggaling mainam laban sa naglipanang makamundong pagkahilig at pagnanasa.  Subalit nauunawaan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na sa pamamagitan ng kanilang matapat na paglilingkod sa Diyos at pagbibigay ng prayoridad sa Kaniya sa bawat aspeto ng kanilang buhay, nagagawa nilang matugunan ang pinakalayunin ng pagkakalalang sa kanila.

     Ang kanilang katapatan sa Diyos ay kanilang napatutunayan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa Kaniyang mga salita at pagsunod sa mga ito, kalakip ang kanilang pagtatalaga na mabigyan Siya ng kasiyahan at maluwalhati ang Kaniyang pangalan.  Lubos silang sumasang-ayon sa pahayag ng pananalig ni Apostol Pablo, na:  “Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus—ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos” (Gawa 20:24, Ibid.).

     Tunay ngang ang materyalismo ay naging bahagi na ng buhay ng maraming tao sa lipunan ngayon, na ang kanilang mga kayamanang panlupa ay nagbibigay sa kanila ng kaisipang mahalaga sila dahil taglay nila ang gayong kalagayan.  Ang pananaw at pagpapahalaga ng lipunan ay nagbago at nauwi mula sa pagiging maka-Diyos tungo sa pagiging makalupa.  Subalit ang mga tao ng Diyos, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ay nananatiling abala sa pagtitipon para sa kanilang sarili ng kayamanang panlangit—ang tanging nakatitiyak ng puhunan tungo sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan—sa pamamagitan ng masiglang pamamahagi ng kanilang pananampalataya sa lahat ng nais makinig.  Ito ay nilalakipan nila ng pamumuhay bilang Cristiano, gaya na rin ng ipinayo ni Apostol Pablo, na:  “Turuan mo silang gumawa ng mabuti, magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas ang palad at matulungin sa kapwa.  Sa ganitong paraan sila makapag-iimpok para sa hinaharap at magkakamit ng tunay na buhay” (I Tim. 6:18-19, Ibid.).  *


Sinulat ni
Kapatid na RICHARD J. RODAS
PASUGO GOD’S MESSAGE
MARCH 2012
VOLUME 64
NUMBER 3
PAGES 31-32, 35

Note:  Emphasis, Admin.


IGLESIA NI CRISTO: DAPAT ANIBAN SA IKALILIGTAS

IGLESIA NI CRISTO:  DAPAT ANIBAN SA IKALILIGTAS



“BAKIT NINYO SINASABI na Iglesia Ni Cristo ang itinatag ng Panginoong Jesucristo sa Mateo 16:18?  Nakasulat ba sa talatang ito na Iglesia Ni Cristo ang itinatag?”  Ito ang malimit itanong ng mga minimisyon o hinihikayat na umanib sa Iglesia, lalo pa nga’t sila ay nagbabasa rin ng Biblia.


“AKING IGLESIA”
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya …” (Mat. 16:18, Magandang Balita Biblia)

     Sinabi ni Cristo na, “ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA.” Kaniya (KAY CRISTO) ang Iglesya, kaya sinabi Niya na “AKING IGLESYA.”  Kung gayon, HINDI NA DAPAT HANAPIN PA ng sinuman na sabihin ni Cristo na: “Itatayo ko ang aking Iglesia Ni Cristo.”

     Bukod dito, ayon kay Apostol Pedro na siyang kausap ng Panginoong Jesucristo sa nabanggit na talata, ang BATONG SALIGAN o PINAGTAYUAN ng IGLESIA ay ang PANGINOONG JESUCRISTO MISMO gaya ng mababasa sa Gawa 4:10-12:

     “Talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito’y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret.  Siya’y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Dios.  Ang Jesus na ito ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.’ Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Dios sa ikaliligtas ng tao.” (Ibid.)

     Sa liwanag ng katotohanang itinuro ni Apostol Pedro na puspos ng Espiritu Santo, (Gawa 4:8, Ibid.) hindi ba MARAPAT LAMANG na Iglesia Ni Cristo ang pangalan ng TUNAY na Iglesiang itinayo ni Cristo?  Kaya si Apostol Pablo na isang marunong na tao at may PATNUBAY ng Diyos ay walang atubiling nagbilin:

     “Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16, New Pilipino Version)


PAREHONG MAHALAGA
“Hindi ba si Cristo na lamang ang dapat pahalagahan at hindi na ang Iglesia dahil sa Siya naman ang Tagapagligtas at hindi ang Iglesia?”  Isa pa rin ito sa itinatanong ng marami.

     PAREHONG MAHALAGA ang Panginoong Jesucristo at ang tunay na Iglesia.  Ipinakita ni Cristo ang kahalagahan ng Iglesiang itinayo Niya noong Kaniyang sabihin:

     “At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.” (Mat. 16:18, MB)

     Ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay HINDI PANANAIGAN kahit ng kapangyarihan NG KAMATAYAN!  Hindi ba napakahalagang katotohanan ito?  Bakit?  Mula nang ang tao’y magkasala, siya ay hindi na naging karapat-dapat sa paningin ng Diyos (Roma 3:23, Ibid.), kundi naging kaaway ng Diyos (Col. 1:21.  At hindi lamang iyon.  ANG TAONG NAGKASALA AY TINAKDAANG MAGBAYAD SA KANIYANG KASALANAN.  Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan gaya ng mababasa sa Roma 6:23:

     “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

     At kung aling kamatayan ang ganap na kabayaran ng kasalanan, ito ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa dagat-dagatang apoy gaya ng mababasa sa Apokalipsis 21:8:

     “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”

     Ano kung gayon ang kailangan upang huwag mapanaigan ng ikalawang kamatayan o huwag makasama sa mga ibubulid sa dagat-dagatang apoy?  Kailangang maalis sa pagiging kaaway ng Diyos at ito’y magaganap kapag NALALANG ang ISANG TAONG BAGO ayon kay Apostol Pablo:

     “Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan.” (Efe. 2:15)

     ANG DALAWA NA NAGING ISANG TAONG BAGO AY SI CRISTO AT ANG KANIYANG KATAWAN O IGLESIA ayon na rin kay Apostol Pablo:

     “At siya ang ulo ng katawan, samakatuwid baga’y ng iglesia …” (Col. 1:18)

     Mahalaga si Cristo, BILANG TAGAPAGLIGTAS.  Mahalaga rin ang Iglesiang katawan Niya sapagkat ITO ANG KANIYANG ILILIGTAS.  Kung wala ang tao sa Iglesia Ni Cristo, kahit pa sinasabi niyang pinahahalagahan niya si Cristo, ay WALA PA RING KABULUHAN ang kaniyang sinasabi sapagkat HINDI NAMAN SIYA MALILIGTAS.


NASA ISANG ORGANISASYON LAMANG
Sinasabi naman ng iba na ang “Iglesia” ay ang mga tao na nasa iba’t ibang pangkatin ng pananampalataya o denominasyon na sumasampalataya kay Cristo.  Hindi raw ito isang organisasyon lamang.

     Ang ganitong pangangatwiran ay SALUNGAT sa sinabi ni Apostol Pablo na:

     “Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.(Roma 12:4-5)

     HINDI SINABI ni Apostol Pablo NA MAGKANIYA-KANIYA na ang lahat; o dili kaya’y HIWA-HIWALAY na grupo o organisasyon ang Iglesiang tunay na kay Cristo basta’t sumasampalataya lamang sa Kaniya.  Manapa itinuro ni Apostol Pablo na bagama’t marami ang sangkap, gaya ng mga sangkap ng isang katawan, ang mga sangkap na ito ay NASA IISANG KATAWAN LAMANG.  Kaya isang organisasyon o isang Iglesia Ni Cristo lamang.


ANG ILILIGTAS NI CRISTO
Ganito naman ang sinasabi ng iba:  “Tagapagligtas si Cristo kaya dapat iligtas Niya ang lahat ng tao at hindi ang nasa Iglesia Ni Cristo lamang.”  MAY BATAS ANG DIYOS NA ANG BAWAT TAO AY MANANAGOT O PAPATAYIN DAHIL SA KANIYANG SARILING KASALANAN gaya ng mababasa sa Deutronomio 24:16 na:

     “Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

      UPANG MAPANAGUTAN NI CRISTO ANG KASALANAN NG TAO NA HINDI MALALABAG ANG BATAS NG
DIYOS AY GINAWA NIYANG KATAWAN NIYA ANG MGA TAONG KANIYANG ILILIGTAS ayon kay Apostol Pablo:

     “Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito … Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.  INIHANDOG NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.” (Efe. 5:23, at 25, MB)

     ULO SI CRISTO PARA MANAGOT.  KATAWAN NIYA ANG IGLESIA NA KANIYANG PANANAGUTAN O ILILIGTAS.  Sa harap ng Panginoong Diyos, SI CRISTO AT ANG IGLESIANG KATAWAN NIYA AY ISANG TAO NA LAMANG—ISANG TAONG BAGO (Efe. 2:15), kaya HINDI LABAG SA BATAS NG DIYOS kung pananagutan man ni Cristo ang kasalanan ng mga taong nasa Kaniyang Iglesia.  Samantala, kung ililigtas naman niya ang WALA sa kaniyang Iglesia, MALALABAG ang batas ng Diyos.


ANG BINILI NG DUGO
Upang ipakita ni Apostol Pablo ang halaga ng Iglesia Ni Cristo, itinuro niya ang ganito:

     “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” (Gawa 20:28, isinalin mula sa Lamsa Translation)

     ANG IGLESIA NI CRISTO ANG BINILI O TINUBOS NG DUGO NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.  Kaya TIYAK na ito ay ililigtas ng ating Panginoong Jesucristo.


ANG DAPAT GAWIN NG NAIS MALIGTAS
HINDI DAPAT MAGBAKASALAKI.  Ang kaligtasan ay tunay na napakahalaga upang ito ay ipakipagsapalaran lamang.  TIYAK ANG TAGAPAGLIGTAS.  TIYAK DIN ANG ILILIGTAS.  Kung gayon ang sinumang nagnanais na maligtas ay kailangang sundin ang itinuro ng ating panginoong Jesucristong Tagapagligtas:

     “Ako ang pintuan; ang sinumang taong pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.” (Juan 10:9, isinalin mula sa Revised English Bible)

     Ang KAWAN na DAPAT KAPALOOBAN o PASUKAN  ng mga nais maligtas ay ang IGLESIA NI CRISTO (Gawa 20:28, Lamsa Translation).  ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NG TAO ANG PAG-ANIB SA IGLESIA NI CRISTO.  *


Sinulat ni:
Kapatid na NICANOR P. TIOSEN

Kinopya mula sa:
PASUGO GOD’S MESSAGE
MARCH 2015
VOLUME 67
NUMBER 3
PAGES 40-41

Emphasis:  
Admin.


ANG PAGTAWAG SA TUNAY NA IGLESIA



ANG PAGTAWAG SA TUNAY NA IGLESIA



HINDI MATUTULAN o mapapasinungalingan na may tunay na Iglesia na ipinakikilala ang Biblia.  Ang mga katangian ng Iglesiang ito ang dapat gamiting panukat upang matiyak natin kung alin ang tunay na Iglesia sa panahong ito.  Matitiyak din ng bawa’t isa sa atin kung ang Iglesiang ating kinaaaniban ay ang tunay na Iglesia na ipinakikilala ng Bagong Tipan.

ANG MGA KAANIB SA IGLESIA
Ano ang tinatawag na Iglesia at papaano ang tao nagiging kaanib dito?  Sa Mateo 16:18, sinabi ng Panginoong Jesus na: 
“ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA.”   Upang maging kaanib sa tunay na Iglesia ay kailangang tawagin muna ng Diyos:

     “At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagka’t ito ang dahilan kaya kayo TINAWAG UPANG MAGING BAHAGI NG ISANG KATAWAN.  Magpasalamat kayong lagi.”  (Col. 3:15, Magandang Balita Biblia)

     Ang KATAWAN na tinutukoy ay walang iba kundi ang IGLESIA (Col. 1:18).  Ang tao ay nagiging bahagi ng katawan o kaanib sa Iglesia kapag siya ay tinawag ng Diyos.  Ano ang kahulugan ng tinawag kapag ipinatutungkol sa Iglesia?  Papaano sila tinawag at ano ang dahilan ng pagtawag sa kanila?  Ang pagtawag kapag ipinatutungkol sa Iglesia ay kasingkahulugan ng pinili o hinirang ng Diyos:

     “Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:  Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas. (I Cor. 1:26-27)

     Sa pahayag na “masdan ninyo ang sa inyo’y pagkatawag, mga kapatid,” ang salitang pagkatawag ay ipinatutungkol ni Apostol  Pablo sa mga naging kaanib sa Iglesia na kasingkahulugan ng PINILI o HINIRANG ng Diyos.  Kung gayon, ang Iglesia ay tumutukoy sa mga tao na tinawag, pinili o hinirang ng Diyos.  Dapat tiyakin ng sinumang tao na siya ay pinili, hinirang o tinawag ng Diyos at ng Panginoong Jesucristo upang masiguro niya na siya ay bahagi ng katawan ni Cristo o kaanib sa Iglesia na ipinakikilala ng  Bagong Tipan.


ANG PAGTAWAG NG DIYOS
Papaano malalaman ng tao na siya ay hinirang o tinawag ng Diyos?  Mahalagang suriin natin ang proseso o paraan ng Diyos sa pagtawag o paghirang sa tao upang maging bahagi o kaanib ng tunay na Iglesia.  Ganito ang sinabi ni Apostol Pablo:

     “Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming EVANGELIO, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo. (II Tes. 2:14)

     Ang mga kaanib sa tunay na Iglesia ay tinawag ng Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo.  Pero sino ang nangaral sa kanila ng ebanghelyo kaya sila ibinilang na kaanib sa tunay na Iglesia?  Sa II Corinto 5:20, ay ganito ang sinasabi:

     “ Kami nga'y mga SUGO sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.

     Sino ang kinasangkapan ng Diyos para mangaral ng ebanghelyo sa mga naging kaanib sa tunay na Iglesia?  Ang mga sugo tulad ng mga apostol.  Kaya sa pasimula ng ministeryo ni Jesus, naghalal muna siya ng mga apostol.  Ang mga ito ay kaniyang isinugo upang ipangaral ang ebanghelyo (Mat. 10:2-5).

     Kaya dapat tiyakin na sugo ng Diyos ang nangangaral sa Iglesiang kinabibilangan para mapatunayang ito ay tunay.  Gayundin, ang mga SUMAMPALATAYA sa pangangaral ng sugo ay dapat na BAUTISMUHAN (Mar. 16:15-16).  Ang pinangaralan ng mga sugo kapag sila’y sumampalataya at nabautismuhan ang ibinibilang na bahagi ng katawan o kaanib sa tunay na Iglesia:

     “Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay BINAUTISMUHAN SA IISANG ESPIRITU UPANG MAGING ISANG KATAWAN.  Tayong lahat ay pinainom sa isang espiritu.” (I Cor. 12:13, MB)

     Sinumang tao na bagaman mayroong iglesiang kinaaaniban ngunit hindi sinugo ng Diyos ang nangaral sa kaniya ay hindi kaanib sa tunay na Iglesia na ipinakikilala ng Bagong Tipan.


ANG LAYUNIN KAYA TINAWAG
Bakit ang mga kaanib sa tunay na Iglesia ay kailangang tawagin ng Diyos?  Ganito ang ating mababasa sa sulat ni Apostol Pablo:

     “Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo UPANG KAYO’Y MAKIPAG-ISA sa kanyang Anak na si Jesu-Cristong ating Panginoon.” (I Cor. 1:9, ibid.)

     Magkakaroon ng katuparan ang pakikipag-isa kay Cristo kapag ang tao ay tinawag ng Diyos na maging bahagi ng katawan o kaanib sa Iglesia.  Ang pakikipag-isang ito kay Cristo ang kalooban at layunin ng Diyos upang makamtan ng tao ang mga pagpapalang espirituwal at italaga na maging anak ng Diyos:

     “Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo!  PINAGKALOOBAN NIYA TAYO NG LAHAT NG PAGPAPALANG ESPIRITUWAL dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.  At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya.  Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kaniyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.  Iyan ang kanyang layunin at kalooban.” (Efe. 1:3-5, ibid.)

     Alin ang mga pagpapalang espirituwal na matatamo ng tao na nakipag-isa kay Cristo sa paraang siya ay naging bahagi ng katawan ni Cristo o naging kaanib sa tunay na Iglesia?  Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:

     “Noong una’y mga patay kayo dahil sa inyong pagsuway at mga kasalanan.  Sinunod ninyo noon ang masamang takbo ng sanlibutang ito at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong suwail.  Dati, tayo’y kabilang sa mga ito, namuhay ayon sa pita ng laman at sinunod ang masamang hilig ng katawan at pag-iisip.  Kaya’t sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos.  Subalit napakasagana ang habag ng Diyos at napakadakila ang pag-ibig na iniukol niya sa atin.  Tayo’y binuhay niya kay Cristo kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway.  (Naligtas nga kayo dahil sa kaniyang kagandahang-loob.)  Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, TAYO’Y MULING BINUHAY NA KASAMA NIYA at pinaupong kasama niya sa kalangitan.” (Efe. 2:1-6, Ibid.)

     Malinaw ang layunin ng Diyos kung bakit nais Niya na ang tao ay makipag-isa kay Cristo sa paraang maging bahagi ng katawan o kaanib sa tunay na Iglesia.  Dati tayo’y mga patay na dahil sa ating pagsuway at mga kasalanan, dati tayo ay kabilang sa mga taong kinapopootan ng Diyos, at dati tayo’y nasa ilalim ng prinsipe ng kasamaan.  Dahil sa napakasaganang habag at napakadakilang pag-ibig ng Diyos, niloob Niya na tayo ay tawagin na maging sangkap ng katawan ni Cristo na siyang Iglesia ni Cristo (Roma 16:16) upang tayo ay makipag-isa kay Cristo.  DAHIL SA PAKIKIPAG-ISANG ITO KAY CRISTO, TAYO AY BINUHAY NG DIYOS NOONG TAYO AY MGA PATAY PA DAHIL SA KASALANAN AT TAYO AY NALIGTAS SA KAPARUSAHAN.

     Ito ang kahalagahan ng iglesia na itinatag ni Cristo na itinuturo ng Bagong Tipan.  Ang Iglesia ay itinatag Cristo sa ikaliligtas ng mga tao.  *


Sinulat ni:
Kapatid na GREG F. NONATO

Kinopya mula sa:
PASUGO GOD’S MESSAGE
FEBRUARY 2015
VOLUME 67
NUMBER 2
PAGES 42-43

Emphasis:
Admin.

MULI SIYANG MAGBABALIK

MULI SIYANG MAGBABALIK


IKAW BA’Y NANGANGAMBA dahil sa lumulubhang suliraning pangkabuhayan at kahirapan?  Ikaw ba’y nababalisa dahil sa sunod-sunod na mga karahasan, sakuna, at kalamidad na naganap at patuloy na dumarating?  Ikaw ba’y nalulungkot dahil sa mga problemang pampamilya?

     Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil sa ganitong mga alalahanin.  Sa halip, sundin natin ang ipinapayo ng Panginoong Jesus na hindi tayo dapat na mabalisa:

     "Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?
     “Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.
     “Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. (Mat. 6:31-33)

     Bukod dito, sinabi rin ng Panginoong Jesucristo na, “babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko” (Juan 14:1-3, Magandang Balita Biblia).

     Hindi man agad malunasan ang mga kasalukuyang suliranin ay hindi tayo dapat panghinaan ng loob dahil may pangako ang Panginoong Jesus.  Ito ang dapat umaliw sa atin at dapat na lagi nating magunita habang lumulubha ang kahirapan at kaligaligan sa mundo.  Tandaan natin na muli Siyang magbabalik upang tayo ay ipagsama sa Kaniyang kaharian.


ANG PINANGAKUAN
     Upang isama tayo ni Cristo sa Kaniyang kaharian at pagkalooban ng buhay na walang hanggan, dapat tayong manindigan sa paggawa ng mabuti:

     “Huwag ninyong ipanggilalas ito, dumarating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig.  At sila’y babangon at lalabas sa libingan.  Ang lahat ng gumawa ng mabuti ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan, at ang lahat ng gumawa na masama ay sumpa.” (Juan 5:28-29, New Pilipino Version)

     Ang mabuting gawa na tinutukoy ay ang pagtupad sa mga kautusan ng Diyos:

     “Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti. (Roma 7:12)

     Ang mga kautusang tinutukoy ay ang katotohanan o salita ng Dios:

    Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. (Juan 17:17)

     Ang katotohanan o mga salita ng Diyos ang nais na malaman o maunawaan ng tao upang upang maligtas (I Tim. 2:3-4).  Kaugnay ng kaligtasan, isang dakilang katotohanan ang itinuturo ng Biblia—ang kaugnayan kay Cristo ng Iglesia.  Ang katawan Niya o ang Kaniyang Iglesia ang Kaniyang ililigtas:

     “Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito—ang kaugnayan ni Cristo sa iglesya ang tinutukoy ko.
     “Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.  Inihandog niya ang kanyang buhay para rito.”  (Efe. 5:32, 25, MB)

     Kaya, marapat sa tao na pumasok sa kawan na siyang Iglesia ni Cristo:

     “I am the door; anyone who comes into the fold through me will be safe.”  [Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.] (Jn. 10:9, Revised English Bible)

     Ang katawan na dapat pasukan ng tao upang maligtas ay ang Iglesia ni Cristo (Acts 20:28, Lamsa Translation)

     Ang pag-anib sa Iglesia ay isa sa mga gawang mabuti.  Kung ito’y hindi gawin ng tao, siya ay nagkakasala (Sant. 4:17).  Ang ganap na kabayaran ng kasalanan ay ang ikalawang kamatayan sa dagat-dagatang apoy (Roma 6:23; Apoc. 20:14).  Sa kabilang dako, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos ay nakatitiyak ng kaligtasan—sila ang may matibay na pag-asa sa gantimpalang ipinangako ng Panginoong Jesucristo sa Kaniyang pagbabalik.


KUNG GAANO NA TAYO KALAPIT
     Hindi na magtatagal ang pagbabalik ng Panginoong Jesus kaya hindi na dapat ipagpaliban ang pag-anib sa tunay na Iglesia.  Itinuturo na ng Biblia ang mga palatandaan na malapit na ang muling pagparito ni Cristo:

     “Nang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng mga alagad, ‘Kailan po mangyayari ang sinasabi ninyo?  Ano po ang mga palatandaan ng inyong pagparito, at ng katapusan ng panahon?’
     “Makaririnig kayo ng alingawngaw at mga balita tungkol sa digmaan ngunit huwag kayong mababalisa.  Kailangang mangayari ito ngunit hindi pa ito ang wakas.  Magkakaroon ng digmaan ang mga bansa laban sa kapwa bansa at kaharian laban sa kapwa kaharian.  Magkakaroon ng kagutom at lindol sa iba’t ibang dako.  Ang lahat ng ito’y simula pa lamang ng kahirapan.” (Mat. 24:3, 6-8, NPV)

     Ang mga kagutom, kahirapan, at maging ang mga naganap na digmaan ay nagpapagunita sa atin na malapit na ang wakas ng daigdig o ang ikalawang pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.  Kasama rin sa mga tanda na malapit na ang pagbabalik ni Cristo ay ang kasalatan sa mga bansa:

     “At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.  At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. (Lu. 21:25-27)

     Sa Araw ng Paghuhukom, lalo pang ibayong kasawian ang sasapitin ng mga hindi sumunod sa mga utos ng Diyos.

     Dahil dito, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay dapat manindigan sa paglilingkod at sa pagsamba sa Diyos.  Habang pahirap nang pahirap ang mundo ay lalo nilang dapat gunitain ang ipinangakong pagbabalik ng Panginoon.  Ang kasalukuyang  mga kaganapan ay nagbabadyang malapit na ang araw ng kanilang kaligtasan.  Ito ang pag-asang kanilang tinatanaw.  *


Sinulat ni:
Kapatid na REMUEL V. CASIPIT

Kinopya mula sa:
PASUGO GOD’S MESSAGE
SEPTEMBER 2002
PAGES 14-15

Emphasis:
Admin.

THE CROSS AND ITS SIGNIFICANCE



THE CROSS AND ITS SIGNIFICANCE


YOU SEE IT in miniature forms hanging from the necks of men and women, more as a personal adornment rather than as an object of pious devotion.  It has been tattooed on arms and chests, and printed on religious books and pamphlets.  It also starts the rosary which is the longest, most popular, and most repetitious prayers in CATHOLICISM.

     It is most prominent in its larger form inside churches and their facades and spires, on landmarks, and cemeteries.  Some of its forms show the figure of a man fixed on it, stripped almost naked, in intense shame, pain, and suffering, a man said to be the Lord Jesus Christ.  The cross in this form is called a crucifix.

     The SIGN OF THE CROSS is made before and after prayers with the RIGHT HAND touching the FOREHEAD first, then the chest, the left shoulder, and finally the right shoulder, with the performer saying at the same time:  “In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.”

     The MARK OF THE CROSS is also placed on the FOREHEADS of CATHOLICS on Ash Wednesday while the priest says:  “Memente, homo, quia pulvis es et in pulverem reverteris,” a Latin phrase is translated as:  “Remember, man, that you are dust and to dust you shall return.”

     The cross is used ALLEGEDLY to drive away demons and evil spirits but strangely enough, a Catholic who passes by a Catholic church or chapel makes the sign of it.  And with the frequent use of it and its display in so many places, demons and evil spirits should have but very few places left for them to rest on earth.

     The cross was also used in the banners of the Crusaders who, in the Middle Ages, warred against Muslims during the attempts to regain the Holy Land from the Seljuk Turks and even to massacre members of heretical organizations like the Albigensians and the Hussites.

     What is the cross and what does it signify?  What is it to pagans, to Catholics, and other so-called Christian churches, and to the Iglesia ni Cristo?


MARK OF THE DAMMED
A Catholic priest, Rev. Clement H. Crock, asserts that the cross has been, among other things, A SYMBOL OF SHAME even before the beginning of Christianity.  He says:

     “Before the time of Christ the cross was the symbol of shame, ignorance and dishonor.  Like the guillotine, the noose, or the electric chair, it was the instrument for the execution of the worst criminals.  The cross was branded upon the forehead of criminals as a symbol of disgrace before the whole world.” (Discourses on the Apostles’ Creed, p. 16)

     Another Catholic priest, Rt. Rev. John F. Sullivan, confirms this:

     The Cross Among Pagans.  Among many nations the cross was in use for the execution of criminals.  The most  ancient practice was to hang the condemned person on the tree, either by nails or ropes; and this led to the employing of two pieces of timber for the same purpose.” (The Externals of the Catholic Church:  A Handbook of Catholic Usage, p. 220)

     The Catholic Church is conspicuous in its devotion to the cross as its sacred symbol.  The reverence to this symbol is openly and frequently exhibited by its devout members proudly and shamelessly.  CATHOLICS CONSIDER THE CROSS AS AN OBJECT OF WORSHIP as stated by John Chapin:

     “Moreover we worship even the image of the precious and life-giving Cross, although made of another tree, not honoring the tree (God forbid) but the image as a symbol of Christ.” (The Book of Catholic Quotations, p. 230)

     However, NO COMMAND was given by the Holy Scriptures as Catholic priests themselves admit:

     “These practices are not commanded by a formal law of Scripture; but tradition teaches them, custom confirms them, , faith observes them.” (The Faith of Our Fathers, p. 3)

     How important is the cross to Catholicism?  Rt. Rev. John Sullivan says:

     THE CROSS IS THE MOST IMPORTANT OF CATHOLIC EMBLEMS.  It symbolizes the redemption of mankind and our holy faith, because Jesus Christ, our Redeemer and our God, died on the cross.  It is used on our churches, schools, institutions, altars, vestments, etc., as a symbolic ornament; and when blessed, as either a cross or a crucifix, it becomes a great sacramental of our religion.” (The Visible Church, p. 121)

      And how do Catholics use the cross as a symbol?  James Cardinal Gibbons says:

     “It is also a very ancient and pious practice for the faithful to make on their persons the sign of the Cross, saying at the same time:  ‘In the name of the Father, and of the son, and of the Holy Ghost’.  Tertullian, who lived in the second century of the Christian era says:  ‘IN ALL OUR ACTIONS, when we come in or go out, when we dress, when we wash, at our meals, before retiring to sleep … we form on our FOREHEADS the sign of the cross’.” (The Faith of Our Fathers, p. 3.)
    
     Rev. Francis B. Cassily describes how the sign of the cross is performed:

     “In making the sign of the cross, we place the extended fingers of THE RIGHT HAND ON THE FOREHEAD.” (Religion:  Doctrine and Practice for the Use in Catholic High Schools, p. 341)
    
     Notice that the sign of the cross is made by placing the fingers of the right hand on the forehead and, on Ash Wednesday, this sign is printed on the forehead of Catholics with ashes derived from burned palms used on the previous Palm Sunday.

     SUCH A MARK ON THE FOREHEAD IS THE SYMBOL OF THE BEAST described in Revelation 13:11-18, specifically mentioned in verse 16 as “ … a mark in their right hand, or in their foreheads” (King James Version).  SUCH MARK IS THE MARK OF THE BEAST WHOSE NUMBER IS 666.  Those who receive this mark will be damned (Rev. 14:9-11).  We see this mark on people who receive it during Ash Wednesdays!


THE CROSS IN THE IGLESIA NI CRISTO
     The Iglesia ni Cristo has Christ as its Founder, Savior, and Mediator between God and man.  Yet, IT DOES NOT HAVE THE CROSS AS ITS CENTRAL SYMBOL.  It does not have a cross on its buildings, on its things, or on its members.  Why is this so?

     There is nothing in the Scriptures that indicates the PHYSICAL CROSS as TO BE REVERED.  On the contrary, Christ’s crucifixion shows it as an OBJECT OF SHAME, an INSTRUMENT OF DEATH for condemned criminals.  After Christ’s death, there was no attempt on the part of His disciples to retrieve the cross as a memorial, as a relic and symbol, and certainly not as an object of veneration.

     The Iglesia ni Cristo does not take after pagan ways in the treatment of the cross.  The cross is an image, the worship of which is forbidden (Exo. 20:4-5).  As an object, it is a symbol of shame (Heb. 12:1-2).  It was on that cross where Christ suffered unspeakable shame, humiliation, suffering, and death.  The cross on which Christ died IS NOT REALLY HIS CROSS but of the Romans who used it as the instrument to execute criminals.  It would be an act of disrespect to continue portraying Christ as He was being humiliated, tortured, and killed.

THE CROSS OF CHRIST.  Apostle Paul did mention a cross of Christ:

     “But God forbid that I should glory, save in the CROSS OF OUR LORD JESUS CHRIST, by whom the world is crucified unto me, and I unto the world.” (Gal. 6:14, King James Version)

     The same apostle mentions enemies of the CROSS OF CHRIST as those “ … whose end is destruction, whose God is their belly, and whose glory is in their shame, who mind earthly things” (Philip. 3:19, Ibid.)

     The cross of Christ refers not to the cross on which the Savior died but the gospel which Apostle Paul preached:

     “For Christ sent me not to baptize, but to preach the gospel: not with wisdom of words, lest the cross of Christ should be made of none effect.
     “For the preaching of the cross is to them that perish foolishness; but unto us which are saved it is the power of God.” (I Cor. 1:17-18, Ibid.)

     And what is this power of God to save?  It is the gospel as Apostle Paul further explained:

     For I am not ashamed of the gospel of Christ: for it is the power of God unto salvation to every one that believeth; to the Jew first, and also to the Greek. (Rom. 1:16, Ibid.)

CARRY YOUR OWN CROSS.  Christ commanded His followers to carry their own crosses:

     And he said to them all, If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross daily, and follow me. (Lk. 9:23, Ibid.)

     This cross that Christ referred to is HIS YOKE (Mt. 11:29-30), THE OBLIGATION that His true servants should perform as part of their services to Him and to the Lord God.  THIS IS NOT THE LITERAL CROSS that is made of wood or any other material such as that being used in the Catholic and Protestant churches.

     Thus, a true Christian’s failure to perform his religious responsibilities is tantamount to not carrying his cross; neither could he follow Christ.  Sacrifices are inevitable for the true Christians or the members of the true Church of Christ to become worthy before the Father and before our Lord Jesus Christ.  *


References:

Cassily, Francis B., S.J. Religion: Doctrine and Practice for Use in Catholic High Schools.  Chicago:  Loyola University Press, 1934

Chapin, John, ed. The Book of Catholic Quotations.  London:  John Calder (Publishers) Ltd., 1957

Crock, Rev. Clement H. Discourses on the Apostle’s Creed.  New York City:  Joseph F. Wagner Inc. 1938.

Gibbons, James Cardinal.  The Faith of Our Fathers.  Malabon, Rizal:  Magsimpan Press, 1950.

Sullivan, Rt. Rev. Msgr. John F. D.D. The Externals of the Catholic Church:  A Handbook of Catholic Usage, New York: P.J. Kenedy & Sons, 1951.

________. The Visible Church. New York: P.J. Kenedy & Sons, 1922.


Written by:
Brother PEDRITO B. PLACIO

Copied from:
PASUGO GOD’S MESSAGE
MARCH 2000
VOLUME 52
NUMBER 3
PAGES 8-9

Emphasis:
Admin.