Linggo, Marso 18, 2012

Katarungan ng Dios sa Ikaliligtas

Katarungan ng Dios sa Ikaliligtas








Ang mga tanong na sasagutin ng paksang ito:


1. KUNG ANG INC LANG ANG MALILIGTAS SA ARAW NG PAGHUHUKOM PAANO MALILIGTAS ANG MGA BANSA AT MGA BAYAN NA HINDI PA NAAABOT O NARARATING NG PANGANGARAL NG INC LALO NA ANG NABUHAY AT NAMATAY NOONG DI PA ITO MULING IBINABANGON SA "SIKATAN NG ARAW" AT "MGA WAKAS NG LUPA"?
"Sapagkat ang lahat ng nangagkasala ng WALANG KAUTUSAN ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ILALIM NG KAUTUSAN ay sa kautusan din sila hahatulan." (Roma 2:12)
PANSININ: Dito pa lang ay makikita na HINDI TOTOO na nasakop ng dugo ni Cristo ang sanlibutan... dahil kung gayon, ay wala na sanang hahatulan pa. Subalit kahit ano pang isipin ng tao... ang KATARUNGAN NG DIYOS ay siyang mananaig sa takdang araw.

2. PAANO ANG MABABAIT AT MATULUNGING HINDI INC?
"Sapagkat nasusulat, iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, at isasawala ko ang kabaitan ng mababait." (I Cor. 1:19)
PANSININ: Mabuting katangian ang maging "mabait" at "matulungin" sa kapwa ngunit hindi ito ang saligan sa kaligtasan sa araw ng paghuhukom.

 3. HINDI BA NANGANGAHULUGANG MAY PAGTATANGI ANG DIYOS KUNG ANG MGA KAANIB LANG SA INC ANG MALILIGTAS?
"At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao." (Gawa 10:34)
Hindi kailanman nagtatangi ang Dios. Kung gayon, bakit may maliligtas at may mapapahamak? TAMA. Pero huwag kalimutang ang Dios ay makatarungan. Ang Dios ay nagtakda ng wastong paraan ng pagliligtas. Ang paraang ito ang siyang dapat sundin ng sinumang ibig maligtas.
"At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos." (I Juan 2:3)
Napakahalaga ng pagsunod sa utos ng Dios. Ang taong ayaw pasakop sa tuntuning ito, kahit nagsasabing siya'y kumikilala sa Diyos, ay sinungaling at ang katotohanan ay wala sa kaniya:
"Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya." (I Juan 2:4)
"Sapagkat ito ang pag-ibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat." (I Juan 5:3)
Ang isa sa utos ng Diyos para sa paraan ng kaligtasan ay yaong ipinahayag ng Panginoong Jesus:
"AKO ang PINTUAN; sinumang PUMASOK sa KAWAN sa pamamagitan ko ay MAGIGING LIGTAS." (Juan 10:9, REV)
Ang KAWAN ayon sa KASULATAN:
"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang BUONG KAWAN na rito'y HINIRANG KAYO, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng KANIYANG DUGO." (Gawa 20:28, Lamsa)
Bakit sa ibang bible eh iglesia ng Diyos ang nakalagay? Ito ay maling pagsasalin dulot ng kanilang paniniwala, dahil sa ang Tunay na Diyos ay ESPIRITU sa kalagayan - WALANG MATERYAL. DI NAKIKITA - LALONG WALANG DUGO. SA IISANG DIYOS NA TUNAY. Kung hindi susundin ng tao ang ipinagagawa sa kaniya ng Tagapagligtas ay wala na siyang dapat sisihin kundi ang kaniyang sarili kung hindi siya maligtas:
"Kung HINDI sana ako NAPARITO at NAGSALITA sa kanila, ay HINDI SILA MAGKAKAROON NG KASALANAN: datapuwa't NGAYO'Y WALA NA SILANG MAIDADAHILAN SA KANILANG KASALANAN." (Juan 15:22)
BUOD: Ang Panginoong Diyos ay HINDI NAGTATANGI ngunit SIYA'Y MAKATARUNGAN. Hindi Niya ililigtas ang ayaw pasakop sa Kaniyang KAUTUSAN. TUNAY. Ang iglesia ay hindi magliligtas... subalit ITO ANG ILILIGTAS ng TAGAPAGLIGTAS na si CRISTO JESUS. Si Cristo ang ULO at ang IGLESIA ang KATAWAN. Ang isang BAGONG TAO. Kaya nga "KATAWAN NI CRISTO" o "IGLESIA NI CRISTO" (Col. 1:18).
____________________________________________________________________
___________________________
Links:

Question List
Study Iglesia Ni Cristo
Pasugo
Iglesia Ni Cristo and the Bible
ComparativeBibleStudyLessons.com
UniqueBibleStudy.com
GEM TV
_________________________________________