Ang Paglilingkod Ng Mga Tao
Sa Diyos
Na Labag Sa Kanyang Utos
Sa Diyos
Na Labag Sa Kanyang Utos
Ano ang ipinagbabawal ng Diyos na sambahin ng mga tao?
Sa Exo. 20:3,
ay itinuturo ang ganito:
“Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.”
Ano ang ipinagbabawal na sambahin? Ang ibang mga diyos. Ipinagbabawal ng Diyos na magkaroon pa ng
ibang diyos sa harap Niya. Alin itong ibang mga diyos na ipinagbabawal ng Diyos na
sambahin? Sa talatang 4, ay
sinasabi.
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.”
Ang mga
larawang ginagawa ng mga tao na kawangis ng mga anyong nasa langit, nasa lupa,
at nasa tubig sa ilalim ng lupa ang tinatawag na ibang mga diyos na hindi dapat
sambahin. Alin
ba ang mga larawang ito na ginagawa ng mga tao na hindi dapat sambahin? Lahat ban g larawan? Hindi. E, alin ang larawang iyon? Sa Exo. 20:5, ay tinitiyak ang ganito:
“Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin.”
Aling mga larawan?
Ang mga larawang ginawa upang yukuran at paglingkuran na sinasambang
tulad sa Diyos. Ang mga larawang ito ang
tinatawag na IBANG mga diyos o mga DIYUS-DIYUSAN (Awit 115:2-7). Ano ang parusang
itinataan ng Diyos sa mga sumasamba, yumuyukod at naglilingkod sa larawan o
diyus-diyusan? Sa Apoc. 21:8, ay
ganito ang sinasabi:
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Ang mga
sumasamba sa mga larawan o sa mga diyus-diyusan ay parurusahan sa nagniningas
na apoy at asupre na siyang ikalawang kamatayan. Bakit parurusahan sa
apoy at asupre ang mga sumasamba at naglilingkod sa mga larawan?
Ikinapopoot Ba Ng
Diyos Ang Pagsamba Sa Mga Larawan At Ang Paglilingkod Dito?
Sa Rom. 1:18,
ay ganito ang sinasabi:
“Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan.”
Tinitiyak sa
talatang ito na ang poot ng Diyos ay nahayag mula sa langit laban sa lahat ng
kasamaan at kalikuan ng mga tao, na sinasawata ang katotohanan ng
kalikuan. Paano
sinasawata ang katotohanan ng kalikuan?
Sa Rom. 1:25, ay ipinakikilala ang ganito:
“Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.”
Paano? Pinalitan ang katotohanan ng Diyos ng
kasinungalingan, at sila’y nagsisamba at
naglingkod sa nilalang kaysa Lumalang.
Kaya ang Diyos ay napopoot sa mga tao, na sa halip na ang Diyos na
Lumalang ang pag-ukulan ng kanilang pagsamba at paglilingkod, ang mga nilalang
ang kanilang sinamba at pinupuri magpakailanaman. Alin-alin ba ang mga
nilalang na pinag-uukulan ng pagsamba at pagpupuri ng mga tao? Sa Rom. 1:23, ay ganito ang tinitiyak:
“At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.”
Alin-alin? Ang mga larawan ng mga
tao na may kasamang iba’t-ibang uri ng hayop.
Kanino natin nasusumpungan ang mga larawang ito? Sa Iglesia Katolika. Mayroon silang tinatawag na larawan ni San
Roque raw na may kasamang larawan ng isang aso, hayop na may apat na paa. Mayroon din silang larawan na tinatawag
nilang San Isidro na may kasamang larawan ng isang baka, hayop na may apat na
paa. Nasa kanila rin ang larawan ng
tinatawag nilang San Nicolas, na may kasamang larawan ng isang ibon, hayop na
may pakpak. Nasa kanila rin ang larawan
ng tinatawag nilang San Pedro na may kasamang larawan ng isang manok, hayop din
na may pakpak. Masusumpungan din sa
kanila ang larawan ng isang babae na tinatawg nilang La purisima Concepcion na
may kasamang larawan ng isang ahas, hayop na gumagapang. Tangi pa rito, marami pang iba’t-ibang uri ng
mga larawang sinasamba, niyuyukuran at pinaglilingkuran ang matatagpuan natin
sa Iglesia Katolika, na ikinapopoot ng Diyos sa kanila.
Anong Paglilingkod Sa Mga Larawan Ang
Ikinapopoot Ng Diyos Sa Mga Naglilingkod Dito?
Sa Rom. 1:21,
ay sinasabi ang ganito:
“Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.”
Anong
paglilingkod? Kahit kilala nila ang
Diyos, ang Diyos ay hindi nila
niluwalhati na tulad sa Diyos at hindi man lamang pinasalamatan. Ipinalit nila ang mga larawan ng mga tao na
may kasamang iba’t-ibang uri ng mga hayop sa Diyos na Lumalang at ang mga ito
ang kanilang sinamba, pinaglingkuran at pinupuri magpakailan man (Rom.
1:25). Paano nila sinasamba,
pinaglilingkuran, pinupuri at pinasasalamatan ang kanilang mga larawan o mga
diyus-diyusan? Ang mga larawang ito ang
kanilang tinatawagan, niluluhuran, ipinagpipista at ipinagdiriwang. Sa larawan ng kanilang si San Isidro
humihingi sila ng ulan. Sa larawan naman
ng kanilang si San Roque dumadalangin sila na iligtas sila sa salot. Kung sila’y magkasakit at gumaling ay kung
kani-kaninong larawan sila nagpapanata at nagpapasalamat. Hindi sa Diyos sila nagpapasalamat. Hindi ang Diyos ang kanilang pinaglilingkuran. Hindi nila ipinagpipista ang Diyos. Ang kanilang mga larawan ang kanilang
pinupuri at pinararangalan. Sa ganitong
paglilingkod sa mga larawan napopoot ang Diyos.
At dahil sa hindi nila minagaling na kilalanin
ang Diyos, sa anong pag-iisip sila ibinigay ng Diyos upang gawin na nila ang
mga bagay na hindi nararapat? Sa
Roma 1:28-31, ay ganito ang sinasabi:
“At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat; Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala, Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang, Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag.”
Sa anong
pag-iisip? Sila’y ibinigay ng Diyos sa
mahalay na pag-iisip upang gawin na nila ang lahat ng mga bagay na hindi
nararapat. Ang iba’t ibang kasamaan sa
ibabaw ng lupa ay sa kanilang buhay at pamumuhay natin nakikita. Sa mga tao nga bang nasa sinapupunan ng
Iglesia Katolika na mga nagsisisamba at naglilingkod sa mga larawan
masusumpungan ang lahat ng mga kasamaan at kalikuan? Si James Cardinal Gibbons ang sumasagot sa
atin ng ganito:
“Nalulungkot akong ipagtapat ang kabulukan sa moral ay
malimit masumpungan sa sinapupunan ng nangagsasabing sila’y Katoliko. Di natin maipipikit ang ating mga mata sa
harap ng katotohanang maraming-marami sa kanila ang di nabubuhay ayon sa
mga ipinaguutos ng kanilang Iglesia, kundi bagkus
nagiging sanhi pa ngkalungkutlungkot na eskandalo. Dapat na ang eskandalo’y dumating, ngunit sa
aba niya na magiging daan ng mga ito. Tinatanggap ko rin naman na ang kasalanan ng
mga Katoliko ay lalong karimarimarim sa mata ng Diyos kaysa kasalanan ng
nahihiwalay nilang mga kapatid, sapagka’t lalong maraming grasya ang sinasayang
nila” (Ang Pananampalataya Ng Ating Mga Ninuno, p. 30)
Ano ang
pagtatapat ni James Cardinal Gibbons?
Nasa Iglesia Katolika nga raw ang kabulukan sa moral. Ang mga tao raw na nasa sinapupunan ng
kanilang Iglesia ay hindi nabubuhay sa
katuwiran ng Diyos kundi siyang nagiging sanhi ng mga kalungkut-lungkot na
eskandalo. Ang kasalanan daw ng mga
Katoliko ay lalong karimarimarim sa mata ng Diyos kaysa sa kasalanan ng mga
taong hiwalay sa kanilang Iglesia. Sa
pagtatapat na ito ni Gibbons ay hindi niya sinisiraan ang Iglesia katolika,
kundi sinasabi lamang niya ang katotohanan.
Ang mga pusakal na mamamatay-tao, magnanakaw, manghaharang,
manghoholdap, magdaraya, manlilinlang, mga nabubuhay sa kahalayan at iba’t iba
pa ay pawang mga kaanib nga naman sa Iglesia Katolika. Sa harap ng mapait na katotohanang ito’y
inanamin ni Cardinal Gibbons na hindi nila maaaring ipikit ang kanilang mga
mata. Saan nagmumula ang malabis na
pagsama ng mundo na ang nangunguna sa mga kasamaang ito’y ang mga nabibilang sa
Iglesia Katolika? Walang ibang
pinagmumulan nito kundi ang pagtatakwil ng mga tao sa Diyos upang Siyang
sambahin at paglingkuran at ang pinag-ukulan ng kanilang pagsamba at
paglilingkod ay ang mga larawan o mga diyus-diyusan. Dahil dito’y nahayag ang poot ng Diyos mula
sa langit laban sa kalikuan ng mga tao, kaya sila’y ibinigay sa mahahalay na
pag-iisip upang gawin na nia ang lahat ng mga bagay na hindi nararapat. Hindi maaapula kundi lalong lalala ang
kasamaan sa mundo kapag ipagpapatuloy pa ng mga tao ang kanilang pagsamba at
paglilingkod sa mga larawan. Kaya dapat
nang itakuwil ang Iglesia Katolika at ang kanilang likong aral na pagpupuri,
paglilingkod, pagpipista at pagdiriwang sa mga larawang kanilang dinidiyos,
upang lubos na makatakas sa lahat ng mga kalikuan at kasamaan. Bakit?
Sapagka’t ang lahat ng mga nagsisigawa at namumuhay sa mga gawa ng laman
na labag sa kalooban ng Diyos ay hindi magmamana ng kaharian ng langit (Gal.
5:19-21). Ayon
sa turo ng mga Apostol, ilan at sino ang Diyos na dapat kilalanin, sambahin at
paglingkuran? Sa I Cor. 8:5-6, ay
sinasabi ang ganito:
“Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”
Ayon sa turo
ng mga Apostol, mayroon lamang isang Diyos, ang Ama na buhat sa Kanya ang lahat
ng mga bagay, at isa lamang Panginoon, ang ating Panginoong Jesucristo na
Tagapamagitan ng lahat ng mga bagay at tayo’y sa pamamagitan Niya. Ang Ama na iisang Diyos na tunay ang ang
dapat sambahin, paglingkuran at pasalamatan.
Mayroon Bang
Pagsuway Sa Kautusan Ang Aral Na Sinusunod Ng Mga Katoliko?
Mayroon. Ano ang isang aral na
sinusunod ng mga Katoliko na ito’y pagsuway sa kautusan ng Diyos? Sinasagot tayo ni James Cardinal Gibbons ng
ganito:
“Nalalaman ng mga Katolikong Kristiano na ang mga mahal
na larawan ay walang pagiisip o kapangyarihang duminig at tumulong sa
kanila. Wala silang ibinibigay sa mga
larawan kundi ang kaukulang galang lamang—alalaong baga’y ang pagpipitagan nila
sa larawan ay nababagay sa pagpipitagang iniuukol nila sa may larawang nasa
langit na kanila ring pinatutungkulan noon” (Ang
Pananampalataya Ng Ating Mga Ninuno, p. 200)
Ayon kay
Gibbons, nalalaman daw ng ng mga Katoliko na ang larawan ay walang pag-iisip at
walang kapangyarihang duminig at tumulong sa kanila, kaya daw ang ibinibigay
nila sa larawan ay ang kaukulang paggalang lamang, na hindi raw sa larawan,
kundi sa may larawan ipinatutungkol nila.
Samakatuwid, ayaw tanggapin ni Gibbons na sila’y sumasamba sa larawan, kundi sila’y gumagalang
lamang. Ngunit talaga bang sila’y hindi
sumasamba sa larawan? Sumasamba. Sino ang nagtuturo nito? Si Pari Enrique Demond. Ano ang turo ni
pari Demond?
“Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa
krus…” (Aral na Katoliko, p.
12). Kung gayon, hindi lamang gumagalang
ang mga Katoliko sa larawan, kundi sila’y sumasamba rin sa larawan. Ang aral na pagsamba sa larawan na sinusunod
ng mga Katoliko ay pagsuway sa kautusan ng Diyos. Bakit?
Sapagka’t ipinagbabawal ng Diyos ang yumukod at maglingkod sa mga
larawang ginawa ng mga tao upang diyusin at paglingkuran (Exo. 20:4-5; Deut.
5:9).
Ano ang iminamatuwid
ng Iglesia Katolika sa kanilang ginagawang paggalang at pagsamba sa mga
larawan? Sinasabi nilang ang kanilang
paggalang at pagsamba sa larawan ay hindi raw nauukol sa larawan, kundi doon sa
may larawan. Pumapayag
ba ang may larawan na pag-ukulan sila ng paggalang at pagsamba? Si Apostol Pedro noong nabubuhay pa, ay
pumayag bang siya’y sambahin at yukuran? Sa Gawa 10:25-26, ay ganito ang ipinakikilala:
“At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba. Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.”
Si Apostol
Pedro noong nabubuhay pa’y hindi pumayag na siya’y yukuran at sambahin ni
Cornelio. Ang
mga banal na anghel na taga langit, pumayag
ba silang yukuran at sambahin ?
Sa Apoc. 19:10, ay sinasabi ang ganito:
“At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.”
Maging
ang mga anghel na taga langit ay hindi pumapayag na sila’y yukuran at sambahin. Ano ang sama kung
sambahin ang mga anghel? Sa Col.
2:18, ay tinitiyak ang ganito:
“Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman.”
Ang sumasamba
sa mga anghel ay hindi magtatamo ng gantimpala, kaya ang mga anghel mismo ay
hindi pumupayag na sila’y pag-ukulan ng pagsamba. Maging ang mga banal na gaya ng mga Apostol
ay hindi rin pumapayag na sila’y sambahin at yukuran. Kaya ang pagsamba at paglilingkod sa larawan
na itinuturo ng Iglesia Katolika na iniuukol daw nila sa may larawan ay labag
din s autos ng Diyos. Bakit naman
ipinipilit ng Iglesia katolika ang pagsamba at paglilingkod sa kanilang
tinatawag na mga santo at santa at pikit-matang sinusunod naman ng mga
Katoliko? Sapagka’t naniniwala sila na
ang larawan ng kanilang mga kinikilalang santo at santa ay nagmimilagro raw.
Totoo Ba Ang Paniniwala
Ng Mga Katoliko Na Ang Mga Larawan Ng Mga
Santo’y Tinutulungan Ng Diyos Sa Pagmimilagro?
Sa Isa. 42:8
at 48:11, ay ganito ang sinasabi:
“Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”
“Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.”
Hindi
totoo ang paniniwala ng mga Katoliko na ang mga larawan ng kanilang mga santo’y
tinutulungan ng Diyos sa pagmimilagro.
Bakit? Sapagka’t ang sabi ng
Diyos ay hindi Niya ibibigay ang Kanyang kaluwalahatian at kapurihan sa mga
larawang inanyuan. Kung gayon, sino ang
tumutulong sa pagmimilagro ng mga larawan ng mga santong Katoliko? Sa II Tes. 2:9-10, ay ganito ang
ipinakikilala:
“Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.”
Ayon sa mga
Apostol, si Satanas ang tumutulong sa mga sinasabing milagro na ginagawa
diumano ng mga larawan ng mga santong Katoliko.
Maging ang mga paring Katoliko ba’y nagtuturo
rin na talagang ang mga milagrong ginagawa ng larawan ng kanilang mga santo ay
tinutulungan ng demonyo? Opo. Sinasabi ni Pari Mariano Pilapil sa kaniyang Pasion Genesis, sa dahong 208, ang
ganito:
“Ang mga pagmimilagro
tutulungan ng demonyo
siya ay magkakabayo,
ano pa’t sa boong mundo
maghahari itong lilo”
Si Pari
Aniceto de la Merced, sa kanyang Pasion
Kandaba, sa dahong 25, ay nagtuturo naman ng ganito:
“Sa dioses nila’y ang demonio’y nasok
sa canilang tawag siyang sumasagot
nang palisya lisya’t nang huag matalos
ang cabulaanan nang canilang Dios.”
Maliwanag ang itinuturong ito ng dalawang paring
Katoliko, na ang larawan ng kanilang mga santo ay gumagawa ng milagro sa
pamamagitan ng tulong ng demonyo.
Samakatuwid, ang sinasabing pagmimilagro ng mga santong Katoliko ay di
tunay na milagro. Kabulaanan lamang
sapagka’t ang demonyo ang tumutulong at hindi ang Diyos. Kaya hindi dapat paniwalaan ng mga Katoliko
ang mga pagmimilagro ng kanilang mga santo. Nadaraya lamang sila ng kanilang bulag na
pagtitiwala sa mga larawang ito na kanilang tinatawagan, sinasamba at
pinaglilingkuran. Dapat na nilang
itakuwil at kasuklaman ang pagsamba sa mga larawang ito, sapagka’t ang gayong
uri ng pagsamba ay labag sa kalooban ng Diyos.
Ito’y isang pagsambang kasinungalingan sa harap ng Diyos. At habang nananatili at pinasisigla ng
Iglesia Katolika ang kanilang ginagawang pagsamba at paglilingkod sa larawan ng
kanilang santo ay lalong hindi maaapula ang paglago ng sarisaring kasamaan sa
mundo. Bakit? Sapagka’t napopoot ang Diyos sa gayong
pagsamba at ibinibilang Niya na ito’y kalikuan ng mga tao na isinasawata sa
kaniyang katotohanan. Kaya ang mga
sumasamba s larawan ay ipinauubaya ng Diyos sa mahahalay na pag-iisip upang
gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat.
Ano ang katunayan nito? Ayon kay
Kardinal Gibbons, ang mga Katoliko na siyang sumasamba sa larawan ay
ipinauubaya ng Diyos sa mahahalay na pag-iisip na namumuhay sa mga kasalanang
karimarimarim sa mata ng Diyos. Ang
kabulukan daw sa moral ay sa kanilang mga Katoliko nakikita. Kaya dapat nang iwan ng mga Katoliko ang
pagsamba at paglilingkod sa kanilang larawang sinasanto at dinidiyos. Ang lahat ng sumasamba at naglilingkod sa mga
larawan o sa mga diyus-diyusan ay parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre
sa araw ng paghuhukom.
Dahil dito,
hindi na dapat mag-atubili o mag-alinlangan ng pag-alis at paghiwalay sa
Iglesia katolika. Itakuwil ang Iglesia
Katolika at ang kanyang mga aral na kasinungalingan at pumasok sa Iglesia ni Cristo. Ang Iglesia
ni Cristo ang tunay na Iglesia na
itinayo ni Cristo. Ito ang tanging
Iglesia na kay Cristo at sa Diyos.
Hango mula sa aklat na Isang Pagbubunyag Sa Iglesia Ni Cristo/Copyright
1964/Kabanatang VIII/Pahina 67-75