Hindi Katunayan na Diyos si Cristo (unang bahagi)
Sinulat ni Greg F. Nonato
(May 2006 | Vol.58 | No.5 | ISSN 0116-1636)
(May 2006 | Vol.58 | No.5 | ISSN 0116-1636)
PINATUTUNAYAN
NG BIBLIA na hindi si Cristo ang tunay na Diyos kundi ang Ama na
lumalang ng lahat ng bagay. Sa kabila nito, maraming tagapangaral
ang gumagamit ng mga talata ng Biblia para patunayan na si Cristo ay
tunay na Diyos. Subalit, maging ang ibang nagtataguyod ng paniniwala
na si Cristo ay Diyos ay tinututulan ang paggamit ng mga talatang
ito para patunayan na si Cristo ay Diyos. Ayon sa pag-aaral ng mga
tumututol na ito, ang mga talatang tinutukoy ay hindi mapagbabatayan
na si Cristo ay Diyos. Ang tata-lakayin sa artikulong ito ay ang
ilan sa mga pangunahin at karaniwang mga talata ng Biblia na
pinagbabatayan ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos.
Juan 10:30
"Ako at ang Ama ay iisa."
Ang sinabing ito ni Cristo ang isa sa mga talata ng Biblia na karaniwang ginagamit na katunayan na si Cristo ay Diyos. Subalit alam ba ninyo na maraming nasa hanay ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay tumututol na ang talatang ito ay katunayan ng diumano'y pagiging Diyos ni Cristo? Tunghayan natin ang pahayag ng isang paring Jesuita na si Stanley B. Marrow:
"Ako at ang Ama ay iisa."
Ang sinabing ito ni Cristo ang isa sa mga talata ng Biblia na karaniwang ginagamit na katunayan na si Cristo ay Diyos. Subalit alam ba ninyo na maraming nasa hanay ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay tumututol na ang talatang ito ay katunayan ng diumano'y pagiging Diyos ni Cristo? Tunghayan natin ang pahayag ng isang paring Jesuita na si Stanley B. Marrow:
"Gayunman, ang malamang na hindi natin mapansin sa mga pananalitang ito ni Jesus ay, hindi niya sinabi na 'Ako at ang Diyos ay iisa'. Ang buong dahilan kung bakit niya sinabi iyon ay hindi upang angkinin sa sarili ang pagka-Diyos, kundi upang linawin na ang kaniyang mis-yon bilang Siyang Anak ay upang isagawa ang kalooban ng Ama na nagsugo sa kaniya (tingnan ang 4:34; 5:30). Sa pamamagitan ng ganitong pagsunod sa kalooban ng Ama ay pinatutunayan niya ang kaniyang pagiging tunay na Anak. Sa pamamagitan ng kaniyang buong-buong pagsunod ay inihayag niya na ang Diyos ang kaniyang Ama. Dahil sa lubos na pagsang-ayon ng kaniyang kalooban, dahil sa kaniyang pagsunod sa kalooban ng Ama kaya niya nasabi na 'Ako at ang Ama ay iisa'." (The Gospel of John-A Reading, p. 177)'
Ayon sa paring Jesuitang ito, hindi pinatutunayan ni Cristo na Siya ay Diyos nang Kaniyang sabihin, "Ako at ang Ama ay iisa." Ang pinatutunayan ni Cristo sa talatang ito ay kaisa Siya sa kalooban ng Diyos at ito'y pina-tunayan Niya sa pamamagitan ng Kaniyang pagsunod.
Ang isa pang naniniwala na Diyos si Cristo ay ang Protestanteng komentarista ng Biblia na si A.M. Hunter. Subalit sa kabila ne kaniyang paniniwalang ito, ayon sa kaniya, ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos. Sang-ayon din siya na si Cristo ay kaisa ng Diyos sa kalooban at hindi sa kalagayan:
"... Ang aking Ama at ako ay iisa. Ang kaisahan ay sa layunin sa halip na sa kasiyangaan: 'Iniisip ng Anak ang mga nasa isipan ng Ama, at hinahangad ang layon ng Ama, at gumagawa sa kapangyarihan ng Ama' ..." (The Cambridge Bible Commentary: The Gospel According to John, Commentary, p. 107)2
Bakit kahit ang mga nagtataguyod ng aral na Diyos si Cristo ay
tinatanggihan na ang nasa Juan 10:30 ay katunayan na si Cristo ay
Diyos? Ang iskolar ng Biblia na si Albert Barnes ay nagbigay ng
komento sa talatang nabanggit:
"30. Ako at ang aking Ama ay iisa. Ang salitang isinalin na 'iisa' [one] ay wala sa masculine [panlalaki] kundi nasa neuter gender [walang kasarian]. Ito'y naghahayag ng pagiging isa (union), subalit hindi tiyak ang uri ng union na iyon. Ito'y maaaring maghayag ng anumang union, at ang partikular na uri na tinutukoy ay mahihinuha mula sa pagkakaugnay. Sa naunang talata ay sinabi niya na siya at ang kaniyang Ama ay nagkakaisa sa iisang layon—alala-ong baga'y sa pagtubos at pangangalaga sa kaniyang bayan. Ito ang diwa ng kaniyang pangungusap." (Barnes' Notes—Notes on the New Testament, p. 293)3
Si Albert Barnes ay isang iskolar sa Biblia at ministro ng Presbyterian Church.
Ang iglesiang kaniyang kinabibi-langan ay naniniwala na si Cristo
ay Diyos. Ngunit itinu-turo niya na ang nasa Juan 10:30 ay hindi
katunayan na si Cristo ay Diyos. Ayon sa kaniyang pag-aaral, sa
wikang Griyego, ang salitang "iisa" na nasa Juan 10:30 ay hindi
masculine kundi neuter na tumutukoy sa pagkakaisa, hindi sa
kalagayan kundi sa layunin.
Narito pa ang karagdagang patotoo ukol sa isyung ito ng mga nasa hanay ng mga naniniwala na si Cristo ay Diyos:
Narito pa ang karagdagang patotoo ukol sa isyung ito ng mga nasa hanay ng mga naniniwala na si Cristo ay Diyos:
"Ang salita para sa 'isa' ay ang neuter na hen, at hindi ang masculine na heis: Si Jesus at ang kaniyang Ama ay hindi iisang persona, gaya ng ibig ipakahulugan ng masculine ... si Jesus at ang kaniyang Ama ay lubos naiisa sa pagkilos, sa kanilang ginagawa ..."(The Pillar New Testament Commentary: The Gospel According to John, p. 394)4
"Ang 'iisa' ay neuter, 'iisang bagay', at hindi 'isang persona'. Hindi ipinahahayag dito ang pagkakatulad kundi ang mahalagang pagkakaisa." (The New International Commentary on the New Testament, p. 522)5
"Totoong ipinahayag ni Jesus, 'Ako at ang aking Ama ay iisa', (Juan 10:30). Subalit hindi ito nangangahulugang si Jesus at ang Kaniyang Ama ay iisang Persona ... dahil ang Griyegong neuter na hen ('iisa') ang ginamit ng apostol na si Juan sa halip na ang masculine na heis; kaya ang mahalagang pagkakaisa ang tinutukoy, hindi ang lubos na pagkakatulad." (Systematic Theology: A Pentecostal Perspective, p. 174)6
Maliwanag sa patotoo mismo ng mga naniniwala na si Cristo ay Diyos na ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" sa Juan 10:30 ay hindi mapagbabatayan na si Cristo ay Diyos.
Roma 9:5
"Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man, Siya nawa."
"Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man, Siya nawa."
Alam ba
ninyo na maging ang nasa Roma 9:5 ay tinatanggihan din ng marami
bilang batayan ng paniniwala na Diyos si Cristo? Na ang talatang ito
ay hindi katunayang si Cristo ay Diyos? Ayon sa mga nagsuri sa
talatang ito ang Diyos na binabanggit sa talatang ito ay tumutukoy
sa Ama at hindi kay Cristo. Ganito ang pahayag ni Everett F.
Harrison, isang tagapagturong Protestante:
"Subalit, ang 'Diyos na siyang lalo sa lahat' ba ang tamang pagkakasalin? Dahil sa iniiwasan ni Pablo sa ibang dako ang gayong tiyak na pagkilala, sa kabila ng kaniyang mataas na antas ng Cristolohiya, tinatanggihan ng ibang iskolar ang tradisyunal na pagkakasalin, kinakatigan ang ibang pagkakasalin tulad ng sa NEB (New English Bible): 'Nawa ang Diyos, kataas-taasan sa lahat, ay purihin magpakailanman'. Ito'y nangangahulugang dapat tanggapin ang pangwakas na bahagi ng talata bilang isang doxologia at ipinatutungkol ito sa Diyos (ang
Ama)."(The Expositor's Bible Commentary with the New International Version, vol. 10, p. 103)7
Maging ang Protestanteng teologo na si Werner Georg Kiimmel, na bagaman naniniwala rin na si Cristo ay Diyos, ay hindi sangayon na si Cristo ang Diyos na tinutukoy sa Roma 9:5. Ganito ang kaniyang pahayag:
"... Bilang pagsasaalang-alang sa mga teksto o talatang ito, kung gayon, hindi mapag-aalinlanganan na ang laging pinagdedebatehang pagpapala sa Roma 9:5 ('sa kanila [mga Israelita] nagmula ang Cristo ayon sa la-man—ang Diyos na maluwalhati magpakailanman, Siya nawa') ay tumutukoy lamang sa Diyos, bagaman batay sa palaugnayan (syntax) ay maaaring tumutukoy kay Cristo. Na ang Diyos ang tinutukoy rito ay pinatutunayan ng paggamit ni Pablo, na ginamit nang walang pagtatangi ang salitang 'Diyos' para sa Diyos Ama at higit pa rito ay hindi magawang ipakilala ang 'Cristo ayon sa laman' bilang 'Diyos na siyang lalo sa lahat'. Kaya nananatiling totoo at walang pag-aalinlangan na iniwasan ni Pablo na tawagin si Cristo na 'Diyos'." (The Theology of the New Testament, p. 164)8
Filipos 2:6
"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios."
"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios."
Ayon
sa maraming tagapagtaguyod ng aral na si Cristo ay Diyos, ang
Filipos 2:6 ay isa pang matibay na katunayan na si Cristo ay Diyos.
Subalit, ang talatang ito ay ipinaliliwanag na ngayon ng ilang
naniniwalang Diyos si Cristo na hindi nagpapakahulugang iisa sa
kalagayan ang Diyos at si Cristo. Tunghayan natin ang komentaryo sa
talatang ito ng mga naniniwala na Diyos si Cristo:
"... nasa anyong Diyos (hindi ang kalagayan ng pagka-Diyos ang tinutukoy: kundi ang panlabas at hayag sa sarili na mga katangian ng Diyos, ang anyo na nagliliwanag mula sa Kaniyang banal na kalagayan.) ..." (Commentary on the Whole Bible, p. 1305)9
Ayon sa ating siniping komentaryo, ang "nasa anyong Diyos" ay hindi
sa kalagayan tumutukoy kundi sa mga katangiang taglay ng Diyos.
Kaya hindi maaaring sabihin na ito ay katunayan na ang likas na
kalagayan ni Cristo ay Diyos. Hindi dapat ipakahulugan na ang
Filipos 2:6 ay katunayan na si Cristo ay Diyos sapagkat ayon na rin
sa ilang naniniwalang Diyos si Cristo ay hindi kailanman gagawin,
manapa ay iniwasan, ni Apostol Pablo na tawaging Diyos si Cristo.
Ganito ang pahayag ni A.N. Wilson sa kaniyang aklat na Jesus: A
Life:
"Hindi kailanman tiyakang ipinahayag ni Apostol Pablo na si Jesus ay Diyos bagaman sinabi niya sa mga naakay niya sa Colosas na si Jesus ay ang 'Larawan' ('image' o 'ikon') ng di-nakikitang Diyos ..." (p. 20)10
Ayon na rin sa patotoo mismo ng ilang mga naniniwala na Diyos si
Cristo, walang tiyakang pahayag si Pablo na Diyos si Cristo. At ito
ay totoo hindi lamang sa aklat ng Filipos kundi sa lahat ng aklat na
sinulat ni Apostol Pablo. Ganito rin ang patotoo ng isang teologo na
si Georg Kiimmel:
"Lalong malinaw mula sa katotohanang iniwasan ni Pablo na tawaging 'Diyos' si Cristo, na wala siyang isipang pagpantayin sila." (The Theology of the New Testament, p. 164)"
Pinatutunayan din ng mga nagsuri sa mga aklat na sinulat ni Apostol Pablo na wala siyang layunin na pa-tunayang Diyos si Cristo, kundi, ang anyayahan ang tao na makibahagi sa kaligtasang dulot ng Panginoong Jesu-cristo:
"... Sa mga doxologia na madalas gamitin ni Pablo sa pagsisimula o pagwawakas ng kaniyang mga sulat, ang konteksto ay tungkol sa liturhiya. Subalit kahit dito ang Diyos Ama at ang Panginoong Jesucristo (Galacia 1:3) ay tiyak na hindi tinatawag na Diyos Ama at Diyos Anak. Para kay Pablo, ang Theos ay nananatiling ultimate horizon para sa pananampalataya sa Christos. Ang sentral na layunin ni Pablo sa kaniyang mga sulat ay hindi upang patunayan na Diyos si Jesucristo kundi anyayahan ang mga tao na makibahagi sa pagliligtas na ginawa ng Diyos sa pamamagitan Niya." (One Christ—Many Religions, p. 122)12
Kaya,
hindi marapat pagbatayan ang Filipos 2:6 upang patunayan na si
Cristo ay Diyos. Hindi nito pinatutunayan na Diyos si Cristo. • (May
karugtong)
____________________________________________________
Link to
ComparativeBibleStudyLessons.com
_______________________________________________
Link to INC Pasugo
_________________________________________________________
Link to StudyIglesiaNiCristo.com
__________________________________________________________________