Linggo, Disyembre 11, 2011

ANG AKING PATOTOO AT ANG AKING PAANYAYA

 ANG AKING PATOTOO 
AT ANG AKING PAANYAYA





Ang Layon ni Cristo sa Pagtatayo ng Iglesia Niya [click here], Ang Iglesia Pagkamatay ng mga Apostol [Please refer to an Iglesia ni Cristo Minister nearest your place], at Sa Pilipinas Itinakda ang Paglitaw ng Tunay na Iglesia.  Ito ang ilan sa mga paksain na itinuturo sa loob ng Iglesia Ni Cristo na nagbukas ng aking kaisipan upang higit na pakasuriin, analisahin, timbang-timbangin ang iba pang mga aral nito tulad ng tungkol sa hindi o pagbabawal ng pagkain ng dugo , sino ang tunay na Diyos? , at Ano ang tunay na kalikasan ng Panginoong Hesukristo?  at gawin ko ang isa sa pinakamahalagang desisyon sa buhay ko, ang iwan ang aking kinagisnang relihiyon at pananampalataya, pananampalatayang napaukit na sa aking buong pagkatao at paniniwalang pinanday na ng panahon at umanib sa Iglesia Ni Cristo na napatunayan kong siyang maghahatid sa tao sa sakdal na pagkaunawa sa mga kalooban ng Lumikha at maghahatid sa tunay na buhay pagdating ng araw.

Sa patuloy kong pagsusuri ay nasumpungan ko ang mga kasagutan sa mga maling haka-haka o aligasyong ipinupukol sa Iglesia na naririnig ko noon.  Gayundin ang iba pang mga kasagutan sa mga katanungan sa aking isipan.

Sa unang paksa ay tinatalakay ang kahalagahan ng iisa at tunay na Iglesia ni Cristo sa ikapagtatamo ng kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom sa ikalawang pagbabalik ng ating Panginoong Hesukristo.  Dito ko naunawaan ang banal na katwiran ng Diyos nang ariin ng Ating Panginoong Hesukristo ang kasalanan ng tao nang hindi nalalabag ang batas ng Diyos ukol sa taong nagkakasala.  Hindi man sinasang-ayunan ng maraming tao subalit napatunayan ko at naintindihan ko na hindi pala lahat ng tao sa mundo ay nasakop o natubos ng dugo ni Cristo nang Siya ay mamatay sa krus.  Napatunayan ko rin sa liwanag ng Ebanghelyo na hindi pala sapat ang sumapalataya lamang kay Cristo upang maligtas bagkus ang pananampalatayang ito ay dapat magbunga ng pagkaunawa sa kahalagahan ng pagiging sangkap ng katawan o bahagi ng Iglesia Ni Cristo at magbunga ng pagtalima sa iniuutos ng Tagapagligtas na umanib dito upang maligtas at masakop ng ginawang pagtubos ni Cristo.  Dito nabura ang paniniwala ko noon at maaari ring paniniwala ng iba na "as long as na naniniwala kang may Diyos at wala kang tinatapakang tao ay sapat na iyon."

Dahil sa mga katotohanang ito ay naintindihan ko kung bakit sinabi ng ating Panginoong Hesukristo na hindi lahat ng kumikilala sa Kaniya ay makapapasok sa kaharian ng langit at kikilanlin Niya pagdating ng Araw kahit  pa nga sila ay nangagpalayas ng mga demonyo, nagpagaling ng mga maysakit at nagsigawa ng mga kababalaghan sa Kaniyang pangalan na lagi kong nababasa sa Mateo 7:21-23.

Pinatutunayan ng Bibliya at kasaysayan na nagtayo ng iisang iglesia lamang ang ating Panginoong Hesukristo noong narito pa Siya sa lupa.  Ito ay pinamahalaan Niya gayundin ng mga Apostol.  Subalit pagkamatay ng mga Apostol, ano na ang nangyari sa iglesiang ito?  Ito naman ang tinatalakay sa ikalawang paksang binanggit ko sa unahan.

Sa liwanag ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya at sa mga patotoo ng kasaysayan ay napatunayan ko bunga ng aking masusing pagsusuri sa mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo na ang unang Iglesia Ni Cristo ay hindi [po] pala nakapanatili  sa pagsunod sa mga aral ng Diyos bagkus nailigaw ng paniniwala at pananampalataya ng mga bulaang guro na lumitaw mismo sa hanay ng mga Obispo ng Iglesia.  Ito'y sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga aral na may anyo ng kabanalan subalit walang kamalay-malay ang marami sa ating panahon na ang mga ito pala ay hindi na mga utos ng Diyos.

Sa patuloy kong pagsusuri sa mga aral ng Iglesia Ni Cristo na pawang nakasulat sa Bibliya ay napatunayan ko na kahit noong una pa man ay hinulaan na o ibinabala na ng mga Apostol ang magaganap na pagtalikod sa tunay na mga aral ng mga unang lingkod Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga aral ng demonyo na itinurong may katusuhan at pandaraya upang mailigaw ang mga alagad.  At noon pa man  ay ipinagpauna na rin ng mga hula ng Bibliya na ang mga hindi tatalima sa kagustuhan o susunod sa mga aral ng mga bulaang tagapagturo na lumitaw sa Iglesia ay kanilang ipapapatay.  At ang mga bagay na ito ay natupad at pinatutunayan ng mga kasaysayang panrelihiyon.

Nang malaman at maunawaan ko ang mga bagay na ito ay lubha akong nalungkot at kinilabutan sapagkat wala akong kamalay-malay at buong -buo ang paniniwala ko noon na ang mga bagay na pinaniniwalaan ko at sinusunod ay siyang totoo at pawang nakalulugod sa Diyos subalit ang mga iyon pala ay pawang mga dayang aral lamang na nababalutan ng anyo ng kabanalan na bunga ng mga pangyayaring malaon nang naganap sa unang Iglesia.  Noon pa man pala ay unti-unti nang dumaloy sa Iglesia ang mga lasong aral na malugod na sinusunod ng kasalukuyang panahon nang hindi na sinuri kung ang mga ito nga ba ay sinasang-ayunan mismo ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.  Ang mga sumunod na henerasyon mula ng madaya at mabulag(pasintabi po) sa pagsunod sa mga maling aral ay naturuan pala ng pananampalataya at pag-asang hindi naman pala sinasang-ayunan ng Ebanghelyo.

Gayunpaman, ang panukala ng Diyos ukol sa pagliligtas ay nagpapatuloy.  Kung ipinagpauna man  ng Diyos na maitatalikod sa tunay na aral ang unang Iglesia, hinulaan o ipinahayag din Niya ang paglitaw ng tunay na Iglesia sa takdang panahon at lugar.  Ito ang ikatlong bahagi o pulutong ng mga tao na tatawagin sa tunay na Iglesia sa pamamagitan ng kaniyang sugong mangangaral  [click here].  Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw na ito bago dumating ang ating Panginoong Hesukristo.  Ito ang kailangangang hanapin ng sinuman sa ating panahon upang masakop ng ginawang pagtubos ni Cristo.  Kung ang mga tao ngayon ay totoong nangalilito kung sino ang kanilang pakikinggan at paniniwalaan sa rami ng relihiyon at mangangaral na nagsipagsulputan at lalo pang dumarami, iisa lamang  ang panukat upang mapatunayan natin kung alin ang tunay na halal ng Diyos, ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.

Kaya ako ay nag-aanyaya sa aking mga kakilala at kaibigan, lalo na sa aking mga kamag-anak at mga mahal sa buhay na suriin nila nang may bukas na pag-iisip ang mga aral ng Iglesia ni Cristo sapagkat totoong napakahalaga nito sa ating buhay. Sa iyong gagawing pagsusuri, maari kang masaktan sa mga katotohanang mahahayag sa iyo.  Maaari kang masaktan (hindi ito ang layunin ng Iglesia bagkus pag-ibig, pagmamalasakit, at paghahayag ng katotohanan) sa paglalantad nito batay sa Bibliya ng mga maling aral aral na itinataguyod ng ating kinagisnang relihiyon (halimbawa ay ang aral ukol sa Trinidad  at ng iba pa tulad ng sapat na raw ang pananampalataya lamang upang ang tao ay maligtas .  Maaari kang masaktan kapag sinabi nito na mali ang mga aral na maaari o baka buong tiwala mong sinasampalatayanan subalit ako ay naniniwala na ang sakit na iyan ay mapapalitan ng kagalingan at kagalakan bunga ng pagtanggap at pagkaunawa sa Kaniyang mga katotohanan.  Dumalangin lang tayo sa Kaniya.  Sabihin natin sa Kaniya,  "Ito ba talaga ang Iyong mga kalooban Ama?  Ito ba talaga ang tamang daan na pinalalakaran mo sa akin?  Pagkalooban mo po ako ng kakayahang maunawaan ang Iyong mga kalooban."  Tulad ko noon, naihambing ko ang mga katotohanan ng Lumikha sa gamot na itinuturok sa isang maysakit.  Maaaring masakit habang itinuturok subalit ibayong ginhawa ang kapalit,  kapag tumatalab na ang gamot na itinurok.

Huwag [po] tayong masiyahan lamang kung anuman ang tinatamasa na natin sa buhay na ito:  pagkain, kalusugan, kasuotan,salapi, kapangyarihan, maayos na trabaho at marami pang iba.  Huwag [po] tayong masapatan kung anuman ang narating na natin sa buhay na ito. Huwag [po] tayong masapatan lamang kung narating na natin ang ating mga mithiin at pangarap sa buhay na ito.

Kung totoo man [po] na ang lahat ng iyan ay biyayang galing sa Diyos, dapat tayong masiyahan at magpasalamat sa Kaniya hindi lamang sa mga iyan kundi sa pagtataglay ng tunay na pananampalataya at pagkaunawa na siyang maghahatid sa tunay na buhay na siyang pinakadakilang biyaya ng Diyos.

Gaya nga ng sabi ng Panginoong Hesukristo, hanapin [po] muna natin ang Kaniyang kaharian at ang Kaniyang katwiran sapagkat ang iba pang mga bagay ay pawang mga karagdagan na lamang (Mat. 6:33).  Kung alin ang kahariang ito, ito [po] ay walang iba kundi ang kaharian ng Anak na siyang kinaroroonan  ng katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan (cf.Colosas 1:12-14).  Na siya ring kawan o Iglesia ni Cristo na binili Niya ng Kaniyang dugo (cf. Acts 20:28, Lamsa Translation).

Maaari [po] kayong manood sa mga programang panrelihiyon nito sa [Net 25] o sa [INCTV].  Maaari rin kayong magtanong sa mga ministro nito saan mang lokal mayroon nito sa Pilipinas o maging sa ibang bansa.  Maaari rin kayong dumalo sa mga isinasagawang pagsamba nito sa Diyos.

Totoong malapit na yaong "araw."

Nawa'y makita mo tulad ng[ iba] [click here][click here][click here] ang "daong ni Noe" sa ating panahon...

...at makasakay rito.



Para sa Pagkamulat
at katotohanan,

eagle'swingfeather

     _______________________________________________


Links:

Question List
Study Iglesia Ni Cristo
Pasugo
Iglesia Ni Cristo and the Bible
ComparativeBibleStudyLessons.com
UniqueBibleStudy.com
GEM TV 


     _________________________________________________________________________
                         ________________________________________________________
                                            ______________________________
                                                     *********************