Ang Orihinal Na Paniniwala
kay Cristo Ng Mga Unang Cristiano
Sinulat ni GREGORIO F. NONATO
HINDI MATANGGAP NG iba ang
katotohanang itinuturo ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay tao at hindi Diyos. Inaakala nilang ang paniniwala ng mga
Cristiano noong unang siglo ay tunay na Diyos si Cristo na nagkatawang-tao at
ang Iglesia ni Cristo ay nagtuturo ng aral na iba sa pinaniniwalaan ng mga
unang Cristiano. Ngunit kung susuriin
lamang na mabuti ang Biblia at maging ang kasaysayan ay mauunawaan na ang itinuturo
ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay tao at hindi Diyos ay siyang orihinal na
paniniwala ng mga unang Cristiano.
Si George Elton Ladd, isang iskolar na
Protestante na sumulat ng “The Young
Church,” ay nagsasabing:
“… The early
Christian concept of Jesus was that of a
man who was mightily endowed by the Spirit of God.” […Ang kaisipan ng mga unang Cristiano tungkol kay Jesus ay
siya’y tao na binigyan ng
kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos.] (p. 48)
Isa namang paring Katoliko na si Ronald J.
Wilkins ang nagpapatotoo rin na ang paniniwala ng mga unang Cristiano ay si
Cristo ay tao.
“…The apostles
and early Christians did not experience Jesus as a God in human disguise or as
God pretending to be human (this is one reason that the early Church rejected
fanciful and wildly imaginative accounts of Jesus’ life). They
experienced him as a human. He was
so real in his life, so genuinely human in his spirit, and so convincing in his
words that they believed in him. They
felt that whatever human life really was,
Jesus as a person expressed that life.” […Ang
mga apostol at ang mga unang Cristiano’y hindi nakilala na si Jesus bilang
Diyos na nag-anyong tao o Diyos na nagkunwaring tao (ito ang dahilan kaya hindi
tinanggap ng mga unang Cristiano ang hindi kapani-paniwala at puno ng
imahinasyong paglalahad ng naging buhay ni Jesus). Nakilala nila Siya bilang tao. Siya’y totoong-totoo sa kaniyang buhay, tunay
na tao sa kanyang diwa, at totoong makapangyarihan sa kaniyang pananalita
kaya’t sila’y sumampalataya sa kaniya.
Nadama nila na kung anuman ang tunay na kahulugan ng buhay ng tao, ang
gayong buhay ay nahayag kay Jesus bilang tao.] (The Emerging Church, Part One, p. 29)
Ang historyador na si Bernhard Lohse ay
nagpahayag din ng ganoong diwa:
“… As one Church
historian, Bernhard Lohse, writes in Motive
im Glauben (Motivation for Belief): ‘Arius reminds us that Jesus, as he described
in the Gospels, was not a God who walked this earth, but truly a human being. Of
course, by his very humanity Jesus proved his full community with God.” [… Bilang isang mananalaysay ng Iglesia, isinulat ni Bernard
Lohse sa Motive im Glauben (Motibasyon para sa Pananampalataya): ‘Ipinaaalaala sa atin ni Arius na si Jesus,
katulad ng inilarawan sa mga Ebanghelyo, ay hindi isang Diyos na nabuhay dito
sa lupa, kundi tunay na tao. Mangyari pa, sa kaniyang pagiging tao,
pinatunayan ni Jesus ang kaniyang lubos na pakikisama sa Diyos.] (The Jesus Establishment, p. 175)
Ang mga talang ito ng kasaysayan ay
nagpapakita na ang orihinal na paniniwala ng mga unang Cristiano ay tunay na
tao ang ating Panginoong Jesucristo. Bakit natin tinatanggap na totoo ang mga pahayag na ito? Ano ba ang pagtuturo ng Biblia ukol sa
paniniwala ng mga unang Cristiano sa likas na kalagayan ni Cristo?
Ayon kay Apostol Pablo, tao ang Panginoong
Jesucristo
“Sapagka’t may
isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong
si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)
Ganito rin ang pagpapakilala ni Apostol Pedro
sa Panginoong Jesus:
“ ‘Mga Israelita,
pakinggan ninyo ito! Si Jesus na
taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos.
Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa
ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo
ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo.
Ngunit ang taong ito na
ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t-mula pa, ay
ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, Magandang
balita Bibliya)
Ayon naman kay Apostol Mateo:
“Ganito ang
pagkapanganak kay Cristo. Si Maria ay
nakatakdang pakasal kay Jose. Ngunit
bago sila magsama, nagdalang-tao si
Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo .”
(Mat. 1:18, New Pilipino Version)
Subalit kung mayroon mang higit na
nakaaalam ng tunay na likas na kalagayan ni Cristo, ito ay walang iba kundi ang
Panginoong Jesucristo mismo. Ang sabi
niya:
“Datapuwa't
ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa
Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.” (Juan 8:40)
Malinaw sa mga
talatang ating sinipi mula sa Biblia na si Cristo ay tao. Iyan ang orihinal na paniniwala ng mga unang
Cristiano. Samakatuwid, sa pagtuturo ng
Iglesia Ni Cristo na si Cristo ay tao, itinataguyod lamang nito ang paniniwala
ng mga Cristiano sa panahon ng mga apostol.
Wala sa orihinal na
paniniwala
Maaaring igiit ng iba na ang
mga unang Cristiano ay naniwala ring si Cristo ay Diyos at hindi tao
lamang. Itinuturo ng Iglesia Katolika na
si Cristo raw ay isang persona na may dalawang kalikasan—na Siya raw ay tao na,
Diyos pa. Subalit, kahit ang mga
mananaliksik ay nagpapatunay na si Cristo ay tao, at hindi Diyos:
“We read the Gospels and the book of Acts
in the light of our understanding of the pre-existence and the incarnation of
God the Son. However, the early
Christians had no such concepts in their minds.
They had no doctrine of the deity of Christ. …” [Binabasa natin ang mga
Ebanghelyo at ang Aklat ng mga Gawa akay ng ating pagkaunawa sa pre-eksistensiya
at pagkakatawang-tao ng Diyos Anak.
Gayunman, walang anumang gayong kaisipan ang mga unang Cristiano. Wala
silang doktrina ukol sa pagka-diyos ni Cristo…] (The Young Church: Acts of the
Apostles, p. 48)
“Kaya’t hindi maaaring sabihin na tinatawag
nang Diyos si Jesus noong mga kaunaunahang araw ng kristiyanismo. …” (Ang Kabanalbanalang
Isangtatlo: Ang Diyos ng mga
Kristiyano, p. 32)
“Jesus
was not called God in those early days. …” [Hindi tinawag na Diyos si Jesus nang mga panahong iyon. …] (New Testament Commentary, p. 149)
Ang totoo, tinatanggap kapuwa
ng mga teologong Katoliko at Protestante na hindi inisip ni Cristo na Siya ay Diyos:
“The crisis grows out of
a fact now freely admitted by both Protestant and Catholic theologians and
axegetes: that as far as can be
discerned from the available historical data, Jesus of Nazareth did not think
he was divine …” [Ang krisis ay nabuo buhat sa katotohanang malaya na ngayong tinatanggap
kapuwa ng mga Protestante at Katolikong teologo at tagapagpaliwanag ng
doktrina: na batay sa makakalap na
pangkasaysayang impormasyon, hindi
inisip ni Jesus na taga Nazaret na siya’y Diyos …] (The First Coming: How The
Kingdom Of God Became Christianity, p. 5)
Maging ang isang opisyal ng
Anglican Church ay may pag-amin na hindi kailanman itinuro ni Cristo na Siya ay
Diyos:
“Jesus never claims to be God, personally …” [Hindi inangkin kailanman ni Jesus na siya’y Diyos …] (Honest to God, p. 73)
Kaya, maging ang iba’t ibang
tagapangaral ng ibang relihiyon ay nagpapatotoo na ang aral na si Cristo ay
Diyos ay hindi aral ng mga unang Cristiano.
Hindi ito orihinal na paniniwala ng mga unang Cristiano.
Saan nagmula ang
paniniwalang
si Cristo ay Diyos?
Ang paniniwalang si Cristo ay
Diyos ay utay-utay na binalangkas ng Simbahang Katoliko sa paglipas ng mga
taon. Ganito ang pahayag ng paring
Jesuita na si Pedro Sevilla:
“Ipinahahayag ng ilang dalubhasa na
utay-utay na
binalangkas
ng Simbahan
ang pananampalataya sa pagka-Diyos
ni Jesus
sa impluho ng mga ibang relihiyon.”
(At Nagsalita Ang Diyos Sa Pamamagitan Ng Kanyang Anak, p. 181)
Nang lumaganap ang
Katolisismo sa mga bansang pagano ay saka lamang bumangon ang kaisipang si
Jesus ay Diyos:
“It was when Christianity spread out into
the Pagan world that the idea of Jesus as a Savior God emerged.” [Noon gang Cristianismo
ay lumaganap sa daigdig ng mga pagano, ay saka bumangon ang ideyang si Jesus ay
Diyos
na Tagapagligtas] (The Meaning of The Dead Sea
Scrolls, p. 90)
Si Ignacio ng Antioquia ang
pinakaunang nagpahayag na Diyos si Cristo pagkatapos ng mga manunulat ng Bagong
Tipan:
“The earliest post-New Testament writers,
known as the Apostolic Fathers, continued the development that had emerged in
the later New Testament period of calling Jesus God. Ignatius
of Antioch, writing in the second century to the Ephesians, declares, ‘Jesus Christ our God was
conceived of Mary’ (Eph 18:2) and, ‘God
was now appearing in human form’ (Eph 19:3).” [Ipinagpatuloy ng pinakaunang mga manunulat
pagkatapos ng panahon ng Bagong Tipan, kilala sa tawag na “Apostolic Fathers,”
ang pagbuo ng paniniwala na umiral sa huling bahagi ng panahon ng Bagong Tipan
na nagpapahayag na si Jesus ay Diyos. Sa
kaniyang sulat sa mga taga-Efeso noong ikalawang siglo, ipinahayag ni Ignacio ng Antioquia na, “si Jesucristo ang ating Diyos
ay ipinaglihi ni Maria” (Eph 18:2) at, “Diyos
na nahahayag ngayon sa anyong tao” (Eph 19:3).] (Word Become Flesh, pp. 161-162)
Naging masalimuot ang aral na
si Cristo ay Diyos at hindi naging pinal hanggang noon lamang ika-apat na
siglo.
“… The doctrine that
Jesus had been God in human form was not finalized until the fourth century.
The development of Christian belief in the Incarnation was a gradual, complex process. Jesus himself certainly never claimed to be
God.” […Ang aral na si Jesus ay
Diyos na nasa anyong tao ay hindi naging pinal o ganap hanggang ika-apat na siglo.
Ang pagbuo ng paniniwalang Cristiano sa Ingkarnasyon (pagkakatawang-tao
ng Diyos) ay isang mabagal at masalimuot
na proseso. Si Jesus mismo ay hindi
nag-angkin na siya’y Diyos.] (A History of
God: The 4000-Year Quest of Judaism,
Christianity and Islam, p. 81)
Dahil sa masalimuot na
suliranin ukol sa kalikasan ni Cristo, nakialam si Emperador Constantino at
siya ang tumawag ng Konsilyo sa Nicea noong 325 A. D.:
“… Constantine began to interfere in Church matters. His predecessors had dominated the Roman
religions; so Constantine
was following a precedent by trying to run the Church. A year after he became sole ruler, Constantine called the
bishops together in a council to discuss a problem that was dividing Christians
and was especially troublesome in the East.” [… Nagsimulang
makialam si Constantino sa mga bagay ukol sa Iglesia. Sinaklaw ng mga nangauna sa kaniya ang mga
relihiyong Romano. Kaya ito’y sinundan
ni Constantino sa pagtatangkang pangunahan ang Iglesia. Pagkalipas ng isang taon, siya ang naging
iisang pinuno rito, ipinatawag ni Constantino ang mga Obispo sa isang konsilyo
upang talakayin ang isang suliranin na nagbubunsod sa pagkakahati ng mga
Cristiano at lalong nakapipinsala sa Silanganan.] (The
Catholic Church: Our Mission In History,
p. 99)
Sa Konsilyo ng Nicea ay
ipinag-utos ni Emperador Constantino na pagkaisahang ipahayag ng konsilyo na si
Cristo ay Diyos:
“The Council could not
agree and after two years, impatient at the delay, the Emperor Constantine
appeared and addressed the assembly, ordering
them to agree on the divinity of Christ…” [Hindi magawa ng Konsilyo na magkaisa, kaya
pagkaraan ng dalawang taon, dahil sa pagkainip, nagsalita si Emperador
Constantino sa kapulungan, at sila’y
inutusan na pagkaisahan ang pagiging Diyos ni Cristo…] (Challenge of a Liberal Faith, p. 60)
Sa katapus-tapusan, ang
kagustuhan din ng haring si Constantino ang nanaig:
“When Constantine picked out and convened the 318
bishops for the Council, the background was pure power politics, religious
concerns taking very much of a backseat.
Even the charismatic bishops can have been in no doubt about that, for
not only did the Emperor preside over the Council, he also expressly proclaimed that his will was ecclesiastical law. The senior pastors accepted him as ‘Universal
Bishop,’ even though he was uncrowned, and let him take part in votes on church
dogma as a secular prince.” [Ang pagpili ni Constantino sa 318 obispo at pagtipon sa kanila sa
Konsilyo, ay nababalot ng kapangyarihan ng puitika, samantalang ang kapakanang
panrelihiyon ay hindi gaanong pinag-ukulan ng pansin. Kahit ang mga obispong karismatiko ay walang
pag-aalinlangan tungkol dito, sapagkat hindi lamang ang Emperador ang nangasiwa
sa Konsilyo, kundi siya rin ang tuwirang
nagpahayag na ang kaniyang kagustuhan ay batas ng Iglesia. Ang mga nakatatandang pastor ay kinilala
siyang pangkalahatan o ‘Unibersal na Obispo,’ bagamat hindi siya pinutungan ng
korona, at hinayaang siya’y makibahagi sa pagboto tungkol sa dogma o aral ng
simbahan bilang secular na prinsipe…] (Miracles
of the Gods, p. 57)
At ang pagtanggi sa aral na
si Cristo ay Diyos ay itinuring na isang
krimen sa estado:
“Once this “Nicene
Creed” had been publicly signed by all the bishops and promulgated by Constantine , it became
the official creed for all Christians. To deny the divinity of Christ in any way
was to put oneself outside of the Christian community and was a crime against
the state.” [Sa
sandaling ang “Kredo ng Nicea” ay hayagang nalagdaan ng lahat ng mga Obispo at
naipahayag ni Constantino, yaon ay naging opisyal na kredo para sa lahat ng
Cristiano. Ang pagtatatuwa sa pagkadiyos ni Cristo sa anumang kaparaanan ay
katumbas na rin ng kusang paghiwalay ng tao sa komunidad ng mga Cristiano at
isang krimen laban sa estado.] (The
Emerging Church: Part One, p. 110)
Sa mga katotohanang ating
natunghayan, maliwanag na ang paniniwalang si Cristo ay tunay na Diyos ay hindi
siyang orihinal na paniniwala ng mga unang Cristiano. Utau-utay na nabuo ang aral na ito noong nasa
langit na si Cristo at patay na ang sumulat ng Biblia. Ang nagpatibay ng aral na si Cristo ay Diyos
ay isang paganong emperador, si Constantino.
Ginawang isang batas ng estado
ang paniniwala sa aral na ito
at ibinilang na krimen sa estado
ang pagtanggi rito.
Hindi kataka-taka na ito’y lumaganap at
ngayo’y tanggap na ng karamihan.
Gayunman, ang aral na ito ay mali at labag sa pagtuturo ng
Biblia kaya’t dapat nating itakwil.
Balikan natin ang katotohanang sinampalatayanan at itinaguyod ng mga
unang Cristiano kay Cristo ay tao at hindi Diyos.@@@@@
Pasugo God’s
Message, December 2003, pages 14-16, 25.
________________________________________________
________________________________________________
_______________________
Bible Study Suggestion: If you have further questions, please feel free to visit the Iglesia ni Cristo congregation nearest you. A minister or an evangelical worker would be happy to answer any biblical question you have in mind.
_______________________________________________________________________
Bible Study Suggestion: If you have further questions, please feel free to visit the Iglesia ni Cristo congregation nearest you. A minister or an evangelical worker would be happy to answer any biblical question you have in mind.
_______________________________________________________________________