Huwebes, Agosto 9, 2012

Alin Ang Susundin Mo...?


Alin ang susundin mo…?
(#6, #7, #8, #9)



PAMPHLETS:
Pasugo God’s Message
September-December 2002
Pages 19-20



…ang batayan ng aral Katoliko:

     “It is interesting to note how often our Church has availed herself of practices which where in common use among pagans…  Thus it is true, in a certain sense, that some Catholic rites and ceremonies are a reproduction of those of pagan creeds.”  [Mahalagang bigyang-pansin kung gaano kalimit na kumukuha ang ating Iglesia (Katolika) sa mga gawa na karaniwang ginagamit ng mga pagano…  Kaya totoo, sa isang kahulugan, na ang ilan sa mga ritos at seremonyang Katoliko ay hinango sa mga pananampalatayang pagano.]  (Rt. Rev. Msgr. John F. Sullivan, D.D. The Externals of Catholic Church. P. 226)

…o ang batayan ng mga apostol:

     “Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon:  Huwag kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan.  Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa buhay na mula sa Dios.”  (Efe. 4:17-18, Salita ng Buhay)

     “Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.”  (I Cor. 4:6)

Pansinin:
     Inaamin ng paring si John F. Sullivan na may mga ritos at seremonya ang Iglesia Katolika na hinango sa mga kaugaliang pagano.  Taliwas ito sa itinuturo ng mga apostol na huwag mamuhay na gaya ng mga pagano at huwag humigit sa nasusulat sa Biblia.



…ang ipinagagawa ng mga pari:

     “15. Ought we to worship holy images?  “We should have, particularly in our churches, images of Our Lord, as also of the Blessed Virgin and the saints, and we should pay them due honor and veneration.”  [15. Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?  Dapat tayong magkaroon, lalo na sa ating mga simbahan, ng mga larawan ng Ating Panginoon, tulad din ng sa Pinagpalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba.]  (Catechism of Christian Doctrine, p. 87)

… o ang malaon nang ipinagbawal ng Diyos:

     “Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos, maliban sa akin.  Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya’y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig.  Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuin.  Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi.”  (Exo. 20:3-5, Magandang Balita Biblia)

     “… at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”  (Apoc. 21:18)

Pansinin:
     Ayon sa Katesismo ng Iglesia Katolika, dapat daw magkaroon ng mga larawang pinag-uukulan ng paggalang at pagsamba ang kanilang mga kaanib.  Taliwas ito sa malaon nang ipinagbawal ng Diyos.  Ang pagkakaroon ng mga rebulto o diyusdiyusan at ang pagsamba sa mga ito ay maghahatid sa tao sa kapahamakan.



…ang paniniwalang Katoliko:

     “2. The faithful on earth, through the communion of saints, can relieve the sufferings of the souls in purgatory by prayer, fasting, and other good works, by indulgences, and by having Masses offered for them.”  [2. Ang mga mananampalataya sa lupa, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay ng mga santo, ay makababawas sa mga paghihirap ng mga kaluluwa sa purgatoryo sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno, at iba pang mabubuting gawa, sa pamamagitan ng mga indulhensiya at pag-aalay ng mga Misa ukol sa kanila.]  (Louis LaRavoire Morrow, D.D. My Catholic Faith. p. 243)

… o ang itinuturo ng Biblia:

     “Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay:  ngunit hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan.  Maging ang kanilang pag-ibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.”  (Ecles. 9:5-6)

     “Nowhere in the Scriptures does the word, ‘Purgatory’, occur…”  [Hindi matatagpuan sa alinmang bahagi ng Kasulatan ang salitang ‘purgatoryo’…]  (Joseph Kenney, C.S.S.R. Purgatory:  Doctrine of Comfort and Hope. p. 2)

Pansinin:
     Ayon sa paniniwalang Katoliko, dapat daw ipagpamisa at ipagdasal ang mga namatay upang ang kaluluwa nila ay mahango mula sa “purgatoryo.”  Subalit, walang purgatoryo na binabanggit sa Biblia.  Labag sa Biblia na ipagpamisa ang mga nagsipanaw na, dahil wala silang bahagi pa sa anumang ginagawa ng mga nabubuhay.



… ang pangangatwiran ng isang kardinal:

     “ ‘Kung sakaling haharap sa akin ngayon si Satanas at bibigyan ako ng pera, tatanggapin ko ito at ibibigay ko lahat sa mahihirap.’…
     “Ito ang matalinhagang pahayag kahapon ni Kanyang Kabunyian Jaime Cardinal Sin mula sa salita ni St. John Bosco matapos na tahasang aminin na tumanggap sila ng salapi mula sa kinikita ng Philippine Amusements and Gaming Corporation.”  (“Pera mula sa Pagcor, inamin ni Sin.” Kabayan, Oktubre 26, 2000, p. 1)

… o ang paninindigan ng ating Panginoong Jesucristo:

     “Muling dinala siya ng Diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.  Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas:  sapagka’t nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.”  (Mt. 4:8-10)

Pansinin:
     Tahasang inamin ni Kardinal Jaime Sin na tumatanggap ang simbahang Katoliko ng milyon-milyong piso mula sa pasugalan.  Kahit daw si satanas pa ang mag-alok sa kaniya ng salapi ay tatanggapin niya para gamitin diumano sa pagkakawanggawa.  Salungat ito sa paninindigan ng ating Panginoong Jesucristo nang Siya’y tuksuhin at alukin ni satanas hindi lamang ng milyun-milyong halaga ng salapi, kundi ng lahat ng kayamanan sa mundo.



…ang itinuturo ng paring Katoliko:

     “When the saints tell us that all things in heaven and on earth, including God Himself, are subjected to the Blessed Virgin, they mean that the authority God gave her is so great… that her prayers and requests have such an effect upon God that he receives them as commands.”  [Kung sinasabi man sa atin ng mga santo na ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa, kasama ang Diyos mismo, ay napaiilalim sa Pinagpalang Birhen, ang ibig nilang sabihin ay ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos sa kaniya (kay Maria) ay totoong napakalaki… na ang kaniyang mga panalangin at kahilingan sa Diyos ay napakabisa na anupat itinuturing ng Diyos ang mga ito bilang kautusan.]  (St. Louis Mary De Monfort, True Devotion to Mary, p. 9)

…o ang itinuturo ng Biblia

     “Sumagot si Maria, ‘Ako’y alipin ng Panginoon.  Mangyari sa akin ang iyong sinabi.  At nilisan siya ng anghel.”  (Lu. 1:38, MB)

     “Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.”  (Efe. 4:6)

Pansinin:
     Ayon sa kinikilalang santo ng Iglesia Katolika na si Louis Mary de Monfort, ang Diyos ay napaiilaim kay Maria na ina ni Jesus.  Subalit hindi ganito ang itinuturo ng Biblia.  Ayon mismo kay Maria, siya’y alipin ng Panginoong Diyos.  Sa katunayan, napasakop siya Kaniyang kalooban.  Walang hihigit sa kapangyarihan ng Diyos sapagkat Siya ang nasa ibabaw ng lahat.



…ang aral ng Iglesia Katolika:

     “Ang ating irog na Santo Papa ay kautangan nating pintuhuin, sundin, ibigin at igalang yamang Siya’y ang tunay na kahalili o Vicario ni Jesucristo.”  (Amigo Del Pueblo, Pahayagang Buwanang Catolicang May Larawan Handog sa Katagalogan, p. 43)
   
    “Because the priest is the representative of God on earth.  He does the work of Christ for the salvation of souls… he is another Christ.”  [Sapagkat ang pari ang kinatawan ng Dios sa lupa.  Ginagawa niya ang gawain ni Cristo para sa kaligtasan ng kaluluwa… siya ay isa pang Cristo.]  (Ibid, p. 82)

… o ang aral ng Biblia:

     “Datapuwa’t siya, sapagka’t namamalagi magpakailanman ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.  Dahil dito naman siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa’y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.”  (Heb. 7:24-25)

     “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailanman.”  (Heb. 13:8)

Pansinin:
     Kinikilala ng Iglesia Katolika na ang Papa at mga pari ay mga kahalili ng ating Panginoong Jesucristo.  Salungat ito sa itinuturo ng Biblia na ang ating Panginoong Jesucristo ay Siyang kahapon, ngayon, at magpakailanman.  Walang maaaring  pumalit o humalili sa Kaniya sapagkat ang pagkasaserdote Niya’y hindi mapapalitan.



… ang paniniwalang Katoliko:

     “Pagkamatay na pagkamatay ng ating katawan ang kaluluwa natin ay haharap agad sa hukom na si Jesucristo [para] isulit niya ang kanyang mga gawa at ayon sa kahatulan siya’y mapaparon sa langit, o sa infierno o sa purgatoryo.”  (P. Enrique Demond, S.V.D.  Siya ang Inyong Pakinggan:  Ang Aral na Katoliko, pp. 71-72)

…o ang pagtuturo ng Biblia:

     “Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig.  Sila’y muling mabubuhay at lalabas sa kinalilibingan nila.  Lahat ng gumawa ng mabuti ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan at lahat ng masama ay parurusahan.”  (Juan 5:28-29, Magandang Balita Biblia)

     “Datapuwa’t pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:… Kung magkagayo’y sasabihin ng hari na nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo… Kung magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan…”  (Mat. 25:31, 34, 41)

Pansinin:
     Ayon sa aral na Katoliko, pagkamatay raw ng tao ay kaagad siyang hinuhukuman at tumatanggap ng kagantihan sa kaniyang mga ginawa.  Subalit ayon sa Biblia, ang paghuhukom ay sa ikalawang pagparito pa ng Panginoong Jesucristo.  Muling bubuhayin ang mga namatay upang sila’y gawaran ng kagantihan ayon sa kanilang gawa—kaligtasan sa matuwid at kaparusahan sa masama.

… ang nagtataguyod ng aral ng demonyo:

     “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,… Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinag-uutos na lumayo sa mga lamangkati…”  (I Tim. 4:1, 3)

     “Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacersote na mag-asawa pagkatapos na sila’y maordenan.”  (James Cardinal Gibbons.  Ang Pananampalataya ng Ating mga Ninuno,  Tinagalog ni Rufino Alejandro, p. 396)

… o ang nagtataguyod ng aral Cristiano:

     “Dapat na ang Obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae… (Ngunit kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapapamahala sa Iglesia ng Dios?)”  (I Tim. 3:2, 5)

     “Datapuwa’t dahil sa mga pakikiapid, ang bawa’t lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa’t babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa… Nguni’t kung ikaw ay magaasawa, ay hindi ka nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay magasawa ay hindi siya nagkakasala. …”  (I Cor. 7:2, 28)

Pansinin:
     Ipinagbabawal ng Iglesia Katolika sa mga pari at madre nito ang pag-aasawa.  Gayunman ang pagbabawal ng pag-aasawa ay aral ng demonyo, ayon sa Biblia.  Sinabi rin ng mga apostol na ang pag-aasawa ay hindi kasalanan, kaya’t hindi bawal sa mga namamahala sa tunay na Iglesiang Cristiano o Iglesia ni Cristo na magkaroon ng isang asawa at magtatag ng kaniyang sariling sambahayan.



… ang itinuturo ng paring Katoliko:

          “Thus it is commonplace amongst the doctors of the Church to say that she cooperated in our redemption and in that sense can be called mediatrix.  The term is applied to her by SS. Anselm, Bernard, Francis of Sales, Alfonsus, and numberless theologians.  By one Pope after another, Pius X, Benedict XV, Pius XI, she is even called
The co-redemtrix.”  [Kaya, karaniwan na sa kalipunan ng mga dalubhasa ng Iglesia Katolika na sabihing siya (Maria) ay nakipagtulungan sa ating ikatutubos at sa gayong kahulugan ay matatawag siyang babaing tagapamagitan.  Ang terminong ito ay ikinapit sa kaniya nina San Anselmo, Bernardo, Francisco ng Sales, Alfonso, at ng di mabilang na mga teologo.  Tinatawag pa siya ng mga magkakasunod ng Papa, sina Pio X, Benedicto XV, Pio XI, na katulong na babaing manunubos.]  (Catholic Dictionary, 17th Edition, p. 559)

… o ang kinikilala ng mga apostol:

     “Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.”  (I Tim. 2:5)

     “Datapuwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang Kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.”  (Gal. 4:4-5)

Pansinin:
     Ayon sa teolohiyang Katoliko, si Maria na ina ni Jesus ay kapuwa raw Niya tagapamagitan at manunubos.  Subalit, walang mababasang ganito sa Biblia.  Bagkus, tiniyak ng mga apostol na si Cristo ang nag-iisang Tagapamagitan natin sa Diyos.  Ang isinugo ng Diyos upang tumubos sa mga makasalanan ay si Jesus na ipinanganak ng babaing si Maria, at hindi si Maria na nagsilang kay Jesus.



… ang impluwensiyang pagano:

     “… the choice of  December 25 was influenced by the fact that the Romans, from the time of Emperor Aurelian (275), had celebrated the feast of the sun god (Sol Invictus:  the Unconquered Sun) on that day.  December  25 was called the ‘Birthday of the Sun’, and great pagan religious celebrations of the Mithras cult were held all through the empire… It has sometimes been said that the Nativity is only a ‘Christianized pagan festival’.”  [… ang pagkakapili sa Disyembre 25 ay naimpluwensihan ng katotohanang ipinagdiwang ng mga Romano, mula pa sa panahon ni Emperador Aureliano (275), ang kapistahan ng diyos na araw… sa araw na iyon.  Tinawag ang Disyembre 25 na “Araw ng Kapanganakan ng Araw,” at idinaos sa buong imperyo ang malalaking panrelihiyong pagdiriwang na pagano ng kultong Mitraiko…  Nasabi na sa ilang pagkakataon na ang Pasko ay ‘kapistahang pagano na isina-Cristiano.”]  (Francis X. Weiser. Handbook of Christian Feasts and Customs, p. 61)

… o ang itinuturo ng mga apostol:

     “Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon:  Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan.  Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa buhay na mula sa Dios.”  (Efe. 4:17-18, Salita ng Buhay)

Pansinin:
     Ipinagdiriwang ng mga Katoliko at mga Protestante ang Pasko o Christmas tuwing ika-25 ng Disyembre sa paniniwalang ito ang araw ng kapanganakan ng Panginoong Jesucristo.  Ngunit ang totoo, ang gayong pagdiriwang ay hinango lamang sa kapistahang panrelihiyon ng mga pagano.  Ito ay labag sa pagtuturo ng mga apostol na ang mga Cristiano ay hindi dapat mamuhay na gaya ng mga pagano.

… ang pinagtibay ng konsilyo:

     “15  By what name do we call Christ’s Church?

     “We call Christ’s Church the holy Catholic Church.”  [15  Ano ang pangalang itinatawag natin sa Iglesiang kay Cristo?

     [Tinatawag natin ang Iglesiang kay Cristo na ang banal na Iglesia Katolika.]  (Francis B. Cassilly, S.J. Religion:  Doctrine and Practice. p. 335)

     “In 1870, at the Vatican Council…  The bishops unanimously decided upon this official name:  ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church’…”  [Noong 1870, sa Konsilyo ng Batikano…  Ang mga obispong nagtipon ay nagkaisang pagtibayin ang opisyal na pangalang ito:  “Ang Banal na Iglesia Katolika Apostolika Romana”…]  (Clement H. Crock.  Discourses on the Apostle’s Creed. p. 191)

… o ang  nakabatay sa Biblia:

     “… at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan…”  (Juan 10:3)

     “Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus…

     “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan:  sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.”  (Gawa 4:10, 12)

     “Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.”  (Roma 16:16, New Pilipino Version)

Pansinin:
     Ayon sa mga paring Katoliko, ang pangalan daw ng Iglesiang itinayo ni Cristo ay Iglesia Katolika Apostolika Romana.  Kapansin-pansing ni hindi man lamang nabanggit ang pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.  Ayon sa Biblia, ang tunay na Iglesiang kay Cristo ay yaong tinatawag sa Kaniyang pangalan—Iglesia ni Cristo—sapagkat walang ibang pangalan na ibinigay sa ikaliligtas kundi ang pangalan ni Cristo.



… ang sinasabi ng mga ‘Ebangheliko’:

     “The Teaching of the Evangelical Churches on Salvation

     “These Churches, by and large, do not basically declare that membership in the Church (a particular denomination) is essential for salvation, rather that it is through trust in Jesus Christ as Lord and Savior.”  [Ang mga Iglesiang ito, sa kabuuan, ay hindi nagpapahayag nang buo na mahalaga ang pagiging kaanib sa Iglesia (isang partikular na denominasyon) sa pagtatamo ng kaligtasan, manapa, ito’y sa pamamagitan ng pananalig kay Jesucristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.]  (Albert J. Sanders, D.D.  Evangelical and Roman Catholic Beliefs Compared. P.20)

…o ang itinuturo ng ebanghelyo:

     “…  Tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesia, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.”  (Efe. 5:23,  Magandang Balita Biblia)

     “… Anyone who comes into the fold through me will be safe.”  [… sinumang pumasok sa kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.]  (Jn. 10:9,  Revised English Bible)

     “Take heed therefore to yourselves and to all the flock… the church of Christ which he has purchased with his blood.”  [Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan… ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.]  Acts 20:28, Lamsa Translation)

Pansinin:
     Ayon sa mga Protestanteng nagpapakilalang “ebangheliko,” hindi raw kailangan ang pagiging kaanib sa iglesia sa pagtatamo ng kaligtasan.  Ngunit hindi ganito ang pagtuturo ng ebanghelyo.  Ayon mismo sa ating Panginoong Jesucristo, ang pumasok sa kawan o Iglesia ni Cristo ang siyang maliligtas.  Mahalaga ang pag-anib sa tunay na Iglesia hindi dahil sa ang Iglesia ang magliligtas kundi dahil sa ito ang ililigtas ni Cristo.

________________________________________________________________________






“Nasa inyo ngayon ang

kapasyahan.  Kayo ang

pipili ng buhay at

kasaganaan o ng kahirapan

at kamatayan.  Kapag

sinunod ninyo ang

kautusan, inibig si Yahweh,

at nilakaran ang kanyang

mga landas,  pagpapalain

niya kayo sa lupaing

ibibigay niya sa inyo.

Mabubuhay kayo

ng matagal at kanyang

pararamihin kayo.  Ngunit

kapag tumalikod kayo

sa kanya at naglingkod sa

ibang diyos, ngayon pa’y

sinasabi ko sa inyong

malilipol kayo.”

(Deuteronomio 30:15-18,
Magandang Balita Biblia)

______________________________________________

Gusto mo bang matiyak
kung wastong aral
ang sinusunod mo?

     Alamin kung ano ang nais ng Panginoong Diyos na iyong gawin.  Tiyakin mong hindi mawawalan ng kabuluhan ang iyong paglilingkod at pagsamba sa Kaniya.  Pag-aralan mo ang mga salita ng Diyos at pakinggan ang mga aral na itinataguyod ng Iglesia ni Cristo.


______________________________________________________


 Ang polyetong ito ay nanggaling kay:



BAGWIS NG AGILA

Inaanyayahan ka naming dumalo
sa mga pagsamba ng
Iglesia ni Cristo.

Inilathala ng Iglesia ni Cristo
Patnugutan:  Iglesia ni Cristo Central Office
No. 1 Central Ave., New Era
Lungsod ng Quezon 1107 Pilipinas


__________________________________________________________



_________________________________________________________________

Bible Study Suggestion: If you have further questions, please feel free to visit the Iglesia ni Cristo congregation nearest you. A minister or an evangelical worker would be happy to answer any biblical question you have in mind. 
________________________________________________________________________