Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bible. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bible. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Enero 12, 2015

Ang Katunayan Ng Mga Salita Ng Diyos Na Nasa Biblia

Ang Katunayan Ng Mga Salita Ng Diyos Na Nasa Biblia

ANG Iglesia Ni Cristo ay sumasampalataya na ang mga salita ng Diyos ay nasusulat sa Biblia.  Ayon naman sa iba’y wala raw salita ang Diyos sa Biblia.  Ang Biblia raw ay gawa lamang ng tao at mga salita ng tao.  Bakit kami sumasampalatayang nasa Biblia ang mga salita ng Diyos?  Ano ang katunayang ang mga salita ng Diyos ay nasusulat nga sa Biblia?  Upang malaman natin kung salita ng Diyos o salita ng tao ang nasusulat sa Biblia, ang kailangan munang matiyak natin ay ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos at ng mga salita ng tao.  Kung hindi natin ito matitiyak, hindi natin malalaman kung salita ng Diyos o salita ng tao ang mga salitang nasusulat sa Biblia.

Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos
Na nasa Biblia at ng mga salita ng tao?

Sa Blg. 23:19, ay ganito ang sinasabi:

     “Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?”

     Sa talatang ito’y sinasabi ang pagkakaiba ng Diyos at ng tao sa pagsasalita.  Ang Diyos ay  hindi magsisinungaling.  Ang tao’y nakapagsisinungaling sa kanyang mga salita, kahit ayaw nitong magsinungaling.  Bakit hindi nasisinungalingan ang Diyos sa Kanyang mga salita?  Ganito ang sabi ng Diyos:  “… Oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking pinanukala, akin namang gagawin” (Isa. 46:11).  Ito ang dahilan kung bakit hindi nasisinungalingan ang Diyos sa Kanyang mga salita—kapag sinabi Niya’y papangyayarihin Niya, at kapag pinanukala Niya’y gagawin Niya.  Bakit naman ang bawat salitain ng Diyos ay mapangyayari Niya?  Sapagkat ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat, gaya ng sinabi Niya:  “Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat” (Gen. 35:11), at “walang salitang mula sa Diyos na di may kapangyarihan” (Luc. 1:37).  Ayon naman sa ating Panginoong Jesucristo:  “Lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios” (Mar. 10:27).

     Ano naman ang katangian ng Diyos sa pagsasalita na wala sa tao?  Sa Isa. 46:9-10, ay ganito ang sinasabi:

     “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

     “Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan."

     Ang sabi ng Diyos, Siya ay walang kagaya.  Sa ano Siya walang kagaya?  Naipahahayag ng Diyos ang wakas mula sa pasimula, at ang mga bagay na hindi pa nangyayari ay nasasabi na Niya sa una pa lamang.  Ito ay hindi magagawa ng tao.  Ni hindi alam ng tao ang mangyayari bukas (Sant. 4:14).  Nguni’t ang mga bagay na mangyayari sa libu-libo pang taong darating ay naipahahayag ng Diyos sa pasimula pa lamang.  Ito ang maliwanag na katunayan na magkaiba nga ang mga salita at ang mga salita ng tao.  Wala sa tao ang katangiang maipahayag ang wakas mula sa pasimula at masabi ang mga bagay na darating.  Diyos lamang ang may katangian nito.  Ang Biblia ba’y nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula?  Nagsasalita ba ang Biblia ng mga bagay na  mangyayari sa darating?  Kapag napatunayan nating ang Biblia ay nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula at nasasabi ang mga bagay na mangyayari sa libu-libo pang taong darating, kung gayon, ito ay hindi salita ng tao kundi salita ng Diyos.

Alin ang ipinahayag ng Diyos sa pasimula na
Tandang malapit na ang wakas?

Sa Isa. 34:1-2, ay ganito ang ipinahayag ng Diyos:

     “Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito.

     “Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan.”

     Ang mga pangungusap na ito ay mula sa Diyos na ipinahayag sa panahon pa ng propetang si Isaias—daan-daang taon pa bago ipinanganak ang ating Panginoong Jesucristo.  Ano ang ipinahayag ng Diyos noon?  Siya’y may galit laban sa lahat ng mga bansa sa boong sanlibutan, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo.  Ang mga ito ay Kanyang ibibigay sa patayan — o sa digmaan.  Samakatuwid, hinulaan ng Diyos na magkakaroon ng digmaan ng mga bansa sa boong sanlibutan — Digmaang Pandaigdig.  Ano ang ibig ipakilala sa atin ng digmaang ito?  Ito ang tanda na malapit na ang wakas, gaya ng mababasa natin sa Mat. 24:3, 6, naganito:

     “At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?

     “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas."
    
     Ipinahayag din ba ng Diyos sa pasimula pa lamang kung anu-ano ang gagamiting kasangkapan sa digmaang ito at anu-ano ang gagamiting kasangkapan sa digmaang ito at kung ano ang ibubunga nito sa mga tao?  Ipinahayag, gaya ng mababasa natin sa Jer. 4:13, 19, na ganito:

     “Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

     “Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”

      Anong uring pandigma ang gagamitin sa digmaang ito ng mga bansa sa boong sanlibutan ayon sa hula ng Diyos?  Mga karong parang ipo-ipo at mga kabayong matulin pa sa mga agila, at ito’y magdudulot ng kapahamakan sa mga tao.  Kapag ang mga ito’y dumarating ay may hudyat, at kapag narinig ng mga tao’y kumakaba ang kanilang mga dibdib.  Alin itong mga karo na parang ipo-ipo?  Ito ang mga tangke.  Alin naman ang mga kabayong matulin pa sa mga agila?  Ito ang mga eroplano na tinawag ng kasaysayan na “aerial cavalry” o kabayuhang panghimpapawid.  Alin ang hudyat na inihuhudyat kapag ang mga eroplano’y sumasalakay?  Ito ang tinatawag nating “sirena.”  Kailan ito mangyayari at ano ang ibubunga sa mga tao kung ito’y mangyari na?  Ganito ang pahayag ng mga salita ng Diyos:

     “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak …”
  
     “At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok.” (Apoc. 6:12, 15)

     Itinakda ng hula na mangyari ang digmaang ito sa katapusan ng ikaanim na tatak o ikaanim na buko ng panahon ni Cristo, at ang ibubunga sa mga tao’y magtatago sa mga yungib ang mga hari, prinsipe, pangulong kapitan, mayayaman, makapangyarihan, mga alipin at mga laya.  Alin itong mga yungib?  Ito ang tinatawag sa makabagong tawag na “air raid shelter.”  Bakit ang lahat ng uri ng tao’y magtatago sa mga yungib o “air raid shelter?”  Sapagkat ang gagamitin nilang pandigma’y mga eroplano at mga tangke.  Alin ang kauna-unahang digmaan na ginamitan ng mga tangke at eroplano?  Ang Digmaang Pandaigdig na nagsimula noong 1914.  Ito ay maliwanag na katunayan na salita nga ng Diyos ang mga nasusulat sa Biblia.  Naipahahayag nga ng Diyos ang wakas mula sa pasimula, at sa una pa lamang ay nasasabi na Niya ang mga bagay na mangyayari sa darating.  Libu-libong taon pa bago ipinanganak si Cristo ay ipinahayag ng Diyos na magkakaroon ng digmaan ang mga bansa sa boong sanlibutan, at ito’y natupad.  Ipinahayag ng Diyos ang mga pandigmang gagamitin sa digmaang ito, at natupad din.  Sinabi rin ng Diyos ang ibubunga ng digmaang ito sa lahat ng uri ng tao — magtatago sa mga yungib, — at ito’y nangyari.  Samakatuwid, ay hindi mga salita ng tao ang nasusulat sa Biblia kundi mga salita ng Diyos, sapagkat hindi kaya ng taong ipahayag ang wakas mula sa pasimula.  Hindi masasabi ng tao ang mga bagay na mangyayari sa darating.  Ni ang mangyayari bukas ay hindi alam ng tao (Sant. 4:14).

     Hindi pa ito ang lalong kahanga-hanga.  Ano ang ipinahayag ng Diyos na nasusulat sa Biblia na mangyayari pagkatapos ng pagtatago sa yungib?  Sa Apoc. 7:1, ay ganito ang sinasabi:

     “At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.”

     Ang natapos na tinutukoy sa talatang ito’y ang pagtatago sa yungib ng lahat ng uri ng tao, na ito’y nangyari sa katapusan ng ikaanim na tatak na panahon ni Cristo (Apoc. 6:12, 15).  Pagkatapos nito’y may nakitang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa na pinipigil ang apat na hangin ng lupa.  Bago natin liwanagin kung ano itong hangin na pinipigil, liwanagin muna natin itong apat na anghel na siyang pumigil sa hangin.  Ano ba ang kahulugan ng salitang anghel?  Ang kahulugan ng salitang anghel ay sugo o utusan ng Diyos.  Maging ang Diksiyonaryo at maging sa Biblia ay ito (sugo) ang ibinibigay na kahulugan (Webster’s International Dictionary, p. 83; Heb. 1:13-14).  Ang salitang anghel ay hindi pangalan ng kalagayan sa pagkalalang kundi ito ay tungkulin.  May ilang uring nilalang ang pinagkakapitan ng salitang anghel?  Dalawa.  Ang salitang anghel ay ikinakapit sa mga nilalang na espiritu na ang tahanan ay sa paligid ng luklukan ng Diyos (Heb. 1:13, 14; Apoc. 5:11).  Ikinakapit din ang salitang anghel o sugo sa mga nilalang na laman na nasa uring tao, gaya ng mga pinuno ng bansa bansa.  Mababasa natin ito sa I Ped. 2:13-14, na ganito ang sinasabi:

     “Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;

     “O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.”

     Ang mga hari o gobernador—mga pinuno ng bansa—ay tinatawag ding anghel o sugo.  Tangi sa mga pinuno ng bansa, ang mga ministrong halal ng Diyos sa pangangaral ng ebanghelyo ay tinatawag ding anghel o sugo, gaya ng mababasa natin sa Apoc. 1:16:

     “At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin…”

     Dito’y may sinasabing pitong bituin.  Ano itong pitong bituin?  Ito ba’y ang mga planeta?  Sa Apoc. 1:20, ay nililiwanag sa atin kung ano ito:

     “Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.”

     Samakatuwid, ang pitong bituin ay hindi pitong planeta kundi ito ay mga anghel ng Iglesia.  Ang mga anghel ng Iglesia ay itinutulad sa bituin.  Bakit natin tiniyak na ito’y mga ministrong halal ng Diyos sa pangangaral ng ebanghelyo o salita ng Diyos?  Sa Dan. 12:3, ay ganito ang sinasabi:

    At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.”

     Ang mga pantas sa salita ng Diyos na ang gawain ay magpabalikloob ng mga tao sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailanman.  Ang gawain ng mga ministrong halal o sugo ng Diyos ay ibalik ang mga tao sa Diyos.  Sila’y tinatawag na anghel ng Iglesia at itinutulad sa bituin.  Ayon sa Apoc. 7:1, ang apat na anghel ay pinipigil ang apat na hangin ng lupa.  Ano itong hanging pinipigil?  Sa Jer. 4:11-13, 19, ay ganito ang sinasabi:

“Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:

Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.

“Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

“Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”

Sinasabi rito na ang hangin ay sumasagisag sa digma.  Kung gayon, ang hanging pinipigil ng apat na anghel o apat na sugo ng bansa ay digmaan.  Alin itong digmaang pinigil ng apat na sugo ng bansa?  Ito ang digmaang ginamitan ng mga makabagong pandigma, gaya ng mga karo na parang ipu-ipo at mga kabayong matulin pa kay sa mga agila.  Ang mga karong parang ipu-ipo ay mga tangke, at ang mga kabayong matulin pa sa agila ay mga eroplano.  Tinatawag sa kasaysayan na “aeral cavalry” (World History, p. 478).  Aling digmaan ang unang ginamitan ng mga tangke at mga eroplano?  Ang digmaang nagsimula noong 1914.  Ito ang tinatawag na Unang Digmaang PandaigdigAyon sa kasaysayan, ilan nga ang pumigil sa digmaang ito?  Apat.  Sinu-sino ang napatala sa kasaysayan na apat na pinuno ng bansa na pumigil sa Unang Digmaang Pandaigdig?  Ito ay sina Lloyd George, Unang Ministro ng Bretanya; Clemenceau, Unang Ministro ng Pransiya; Orlando, Unang Ministro ng Italya; at Wilson, Pangulo ng Estados Unidos.  Ang mga ito ang tinatawag na “Big Four” (World History, p. 494). Tamang-tama ang pahayag ng Diyos!  Kung ano ang sinabi ng hula ay siyang natupad.  Sinabing ang digmaang pansanlibutan ay pipigilin, at napigil nga.  Sinabing apat ang pipigil, at ito’y natupad.  Kahanga-hangang talaga ang mga salita ng Diyos!  Iba nga ang Diyos kay sa tao.  Naipahahayag nga ng Diyos ang wakas mula sa pasimula.  Ito ang matibay na katunayang ang mga salita ng Diyos ay nasusulat sa Biblia.

     At ang lalong kahanga-hanga’y ipinahayag ng Diyos at nasusulat sa Biblia kung gaano katagal mapipigil ang Digmaang Pansanlibutan na nagsimula noong 1914.  Sa Apoc. 8:1, ay ganito ang mababasa natin:

     “At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.”

      Gaano katagal mapipigil ang digmaan?  Ang sabi’y nagkaroon ng katahimikan sa langit ng may kalahating oras.  Bago natin liwanagin ang may kalahating oras na katahimikan — dapat muna nating matiyak kung alin itong langit na nagkaroon ng katahimikan.  Ito ba ang langit ng Diyos?  Sa Lev. 26:19, ay ganito ang sinasabi:

     “At sisirain ko ang kahambugan ng inyong kapangyarihan; at gagawin kong parang bakal ang inyong langit at parang tanso ang inyong lupa.”

     Ang langit na tinutukoy dito’y ang langit ng mga tao.  Sino ang mga taong may langit o nasa kaluwalhatian?  Sa Isa. 14:18, ay ganito ang sinasabi:

     “ Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.”

     Ang mga hari ng mga bansa ang nasa kaluwalhatian o nasa langit.  Nahawi ang langit na ito nang magkaroon ng digmaan.  Datapuwa’t hinulaan ng Diyos na mapipigil ang digmaan kaya magkakaroon ng katahimikan sa langit ng mga hari.  Gaano katagal?  May kalahating oras!  Gaano katagal sa tao ang may kalahating oras sa Diyos?  Ito ba’y katulad ng ating kalahating oras na binubuo ng tatlumpong minuto?  Sa Ped. 3:8, ay ganito ang sinasabi:

     “Datapuwa’t huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon…”

     Samakatuwid, ang isang araw sa Diyos ay katumbas  ng isang libong taon sa tao.  Ilang taon naman ang katumbas sa tao ng isang oras sa Diyos?  Ang hustong kalahating oras?  At ang may kalahating oras?  Ang isang araw ay binubuo ng dalawampu’t  apat na oras.  Kung babahaginin natin ang isanlibong taon sa dalawampu’t apat, lalabas na ang isang oras sa Diyos ay apatnapu’t isang taon at walong buwan sa tao.  Ang hustong kalahating oras sa Diyos ay dalawampung taon at sampung buwan sa tao.  Ayon sa hula ng Diyos, hindi hustong kalahating oras kundi may kalahating oras ang itatagal ng pagkapigil ng digmaan.  Ayon sa kasaysayan, ang Unang Digmaang pandaigdig ay tumigil noong Nobyembre 11, 1918.  At ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula naman noong Setyembre 1, 1939.  Ang  pagitan nitong dalawang digmaan ay dalawampung taon,  siyam na buwan at dalawampung araw.  Kaya’t naganap ang ipinahayag ng hula ng Diyos na magkakaroon ng katahimikan na may kalahating oras.  Ang katumbas ng may kalahating oras ng Diyos ay dalawampung taon, siyam na buwan at dalawampung araw.  Natupad ang itinakda ng hula na magkakaroon ng katahimikan na may kalahating oras—o dalawampung taon, siyam na buwan at dalawampung araw.  Ito ang malinaw na katunayan na may isang Diyos na makapangyarihan sa lahat, at ang mga salita ng Diyos ang nasusulat sa Biblia.  Ang Biblia’y nagsasalita ng wakas mula sa pasimula.  Sinasabi ng Biblia ang mga bagay na darating.  Ito’y hindi magagawa ng tao.  Ang Diyos lamang ang makagagawa nito.  Kaya walang alinlangang mga salita ng Diyos ang nasusulat sa Biblia.

Hango sa aklat na Isang Pagbubunyag Sa iglesia Ni Cristo/Kabanata II/Pahina 8-15













Miyerkules, Marso 27, 2013

Iglesia ni Cristo members are prohibited to read the Bible


"Iglesia ni Cristo members are prohibited to read the Bible"


Misconception: Iglesia ni Cristo detractors say to other people that  Iglesia ni Cristo members are prohibited to read the Bible. They point to the fact that Iglesia ni Cristo members go to church without a Bible in hand and compare them to other religious organizations who's members generally carry a Bible to church. Are the Iglesia ni Cristo members really prohibited to read the Bible? Is this allegation true?

The Truth:Iglesia ni Cristo members are not prohibited to read the Bible. There is no such prohibition coming from the Church administration. Iglesia ni Cristo members are not in anyway prohibited to read the Bible.
It is true that Iglesia ni Cristo members generally do not carry or bring Bible to Church simply because they won't have time to use it. During the course of the lesson, the Minister will be citing numerous verses from the Bible as he answers every question in the lesson using the verses of the Bible. Iglesia ni Cristo ministers preaches unlike other preachers in general. He does not personally interpret the verses nor tell a story around it, thus, it is common for a member of the Iglesia ni Cristo to write the verses while he listens to the lesson so he can review and study the verses at home using his own Bible. The following is a testimony of a typical Iglesia ni Cristo convert:
In 1982, I became a Catholic but this did not fill the void like I hoped it would. Although I studied hard and even became a lay minister, I still had many questions that were unanswered. Each time I asked, I was told that I must have faith and just believe that it was that way.
While I was stationed at Fort Ricardson, Alaska in 1988, a member of the Church of Christ named Sister Ludy invited me to a Bible study. I accepted because there is nothing to lose by going. The minister who preached was Brother Mariano Nucup. "I listened and I started to see things significantly different. I felt very moved by the way each question was answered through the Bible, the answer as supported by the Bible. I was not asked to just accept what was said. I was encouraged to ask questions. I was told to feel free to bring up anything that I had doubts about. This was something that was so new to me—to be allowed to ask anything that I was unsure of." 
 The teaching that had the biggest impact on me was on the true nature of our Lord Jesus, being a man, and on the falsity of the Trinity doctrine. I asked questions and I listened to the answers. I was getting answers that I had never gotten before. The more I listened, the more I saw that the Church of Christ was telling me the truth that I never heard before. I found out that this is the true Church. As I questioned the doctrines of the Church, Brother Mar showed me through the Bible that all that the Church did was in accordance with God's law. I found out that indeed that the Church did not do anything that was against the will of God. The Church is here to show everyone the way to attain salvation and to have peace with with our Lord Jesus Christ and His Father. It was then that I realized that this was the Church that I had been looking for.  Kipp Keller, Anchorage, Alaska, U.S.A. 
Every Iglesia ni Cristo member are encourage to read and study the Bible. From the very first time they come to a Bible study in the Church, they are free to take notes of the questions and the answers read from the verses of the Bible. They are encouraged to ask any biblical question they have in mind. They are not prohibited to bring a Bible if they wanted to.
The Iglesia ni Cristo minister or church worker spends a great percentage of his time in Bible studies. He makes sure that the Bible students understand the lessons, even to the extent of repeating the lessons to individual student if necessary. He may even set a Bible study one-on-one, on a case to case basis. A Bible student  must listen to all the 28 lessons and he/she is expected to truly understand it, after which, a final screening will be made to ascertain if He/she really understood all the lessons. . . . . To those who truly understood the lessons, God's words or message  becomes clear and meaningful to them, thus, they are moved to repentance and acquire a strong faith in Lord God Almighty and the Lord  Jesus Christ; eventually or in due course, they become a member of the true Church of Christ -- the Iglesia ni Cristo.
What sets apart the Iglesia ni Cristo from the other professing Christian religions of today is the clarity of her doctrines. All her teachings are clearly supported by the verses of the Holy Bible. In a sermon or Bible study, a question would be posed and the answer will be read from the verses of the Holy Bible. No personal interpretation is made as it always follow the Apostle's way of teaching the truth. In I Corinthian 2:13: Apostle Paul cite this unique characteristic of a Holy Spirit inspired Preacher—like the apostles—with a  unique method of teaching. 
 "This is what we speak, not in words taught us by human wisdom but in words taught by the Spirit, expressing spiritual truths in spiritual words." (New English Bible)
Thus, spiritual truths written in the Bible is always expressed or explained by spiritual words written in the Bible. No personal interpretation. No speculation. And going beyond what is written in the Bible is strictly prohibited.
The following are excerpts from testimonies from those who who listened to the Iglesia ni Cristo preaching or Bible study:
The minister then preached. I noticed that he never spoke his own words, only the words from the Bible, no personal interpretations. I was intrigued and all the more glued to the lessons. I never learned as much in my life of attending other churches than what I learned right there. I yearned for more. Arthur W. Jones II, Atlanta, Georgia, U.S.A.
 When he finished preaching, I jumped at the first chance to inquire. But Brother Suarez not only answered all of my questions satisfactorily but he also answered every one of them directly from the Bible. This was something that I had not seen in any of the other churches I had been to. Brother Suarez had full command of the Scriptures and he was right in front of me reading the answers to my questions directly from the Bible. Dale Michael Schrader, Philadelphia, Pennsylvania, U.S.A.
While I was attending worship services, I had so many questions in my mind. I was amazed of how the ministers preached. I noticed that they did not produce their own Bible They used various Bible translations. All the questions I asked were finally answered. I'd been with different religions, but I said to myself that this one was so different and the teachings. were so clear, direct from the Bible. I thought it was kind of strange since the minister just gave me the answer with- out telling me a story or interpreting from his own.Louis John Vecchitto, Locale of Norwich, Connecticut, U.S.A.
All iglesia ni Cristo members are are fully aware that the Bible is the sole basis of his/her faith, thus it is common for members to personally own more than one Bible.  In fact many Iglesia ni Cristo members collect different versions of the Bible.

Invitation to everyone
We therefore invite everyone to continue to study and/or examine the doctrines, beliefs, and teachings of the Iglesia ni Cristo. Please click this link to browse Interesting Questions List about the Holy Bible, previously asked by those who studied the church.
___________________

Basahin din:

Read Also:
_____________________________________________________________________

Lunes, Pebrero 25, 2013

Interesting Questions about "Holy Bible"

Interesting Questions about
"Holy Bible"



1.  YOUR PREACHERS USE different translations of the Bible in delivering a sermon. I was thinking that you do this to suit your own set of reasoning. But upon speaking to a member of your Church I was informed that it is necessary to use different translations of the Bible for there are Bible translations that contain mistranslated verses. If this is true, Why don't you publish your own Bible and put all the correct translation of the verses in it? And given the premise that there are translations that contain errors, how are we to know which one is right?
Carlos Reyes, Dagupan City, Philippines
Click here to read the full Answer to the Question.


2.  I HEARD THAT members of the Church of Christ are prohibited from reading the Bible. This is saddening because everyone should benefit from the enormous wisdom the Holy Scriptures offers. The Bible is an open book and it doesn't take a genius to read it and understand God's will. In fact the Bible has been translated into different languages so that people from various races and nationalities can benefit from it. Why do you forbid your members to read the Bible? What are you afraid of? Are you afraid they will know the truth? Tatia Marshall, Detroit, Michigan, U.S.A.Click here to read the full Answer to the Question.

3. I HAVE READ several issues of your magazine. I greatly admire the way you tackle doctrinal issues by quoting directly from the scriptures. However, I find it disturbing that you use many Bible versions, and not stick to just one. Are you being subjective and arbitrary by choosing the version that suits your beliefs? Why the need to use different versions?
Kim Valdez, Oahu, Hawaii, U.S.A.

4.  I WAS BORN A CATHOLIC but I am one of those who attend Mass only when there are special occasions in the family like Christening, wedding, internment, and Christmas days. My friend who is a seminarian encourages me more to be active in our religion. In one of our friendly discussions, I asked him where in the Bible we could read many of our doctrines and practices like Trinity, purgatory, rosary, keeping images and the like. He read some biblical verses which I believe are not conclusively teaching them. He nevertheless pointed out that we must not be strictly biblical, for the Bible is incomplete, especially on the written account of Christ's life. He explained that we must  believe in the Bible, but we must also accept other Catholic books and traditions as bases of our faith.
Peter Yong, Seoul, South Korea

5.   AS A CATHOLIC, I believe that it is not only the Bible but also the Apostolic traditions that must be upheld. We Catholic adhere to traditions as much as to the bible because they are also Christ's words and deeds which do not contradict but only supplement the Scriptures. We Catholic adhere to traditions as much as to the bible because they are also Christ's words and deeds which do not contradict but only supplement the Scriptures. Just because Catholic traditions are not recorded in the bible doesn't mean that they are not necessary. And if traditions were really unnecessary Apostle Paul would not have admonished to hold on to these, . . . . 
Narciso Teodoro, Pampanga, Philippines
Click here to read the full Answer to the Question.

6.   A RELIGIOUS PROGRAM I watched on television contested the authenticity and authority of the Bible.  The preachers in the said program pointed out that the Bible is a very fragile book or literature to be the basis of the Christian faith. Two of the reasons they gave are as follows: 
    1. Almost all of the Bible writers were not firsthand witnesses to the biblical events they wrote. Therefore, they are not-qualified to be writers of such events. There is a great possibility that their accounts are inaccurate because they were not present when  the events took place. 
    2. The four evangelists (Matthew, Mark, Luke, and John), although having written the same gospels, have contrasting accounts of the life of Jesus.
    How can I explain to my friend that the above-mentioned reasons are weak arguments to discredit the Bible.  

Melanie Distor, 
Lagro, Philippines
Click here to read the full Answer to the Question.

7.  AFTER ATTENDING A Bible study sponsored by your Church, I became more inclined to read the Bible, and in the course of my readings I came across the Deuterocanonical books. I have read some information regarding them, and what I find intriguing and troubling is that Christians are divided as to whether such writings should be included in the Christian canon. I would like to know what is your Church 's stand concerning this debate about the books that for others they should be considered as Scriptures inspired by God? 
Corazon Patricio, 
Las Pinas City, Philippines
Click here to read the full Answer to the Question.




Link:  Study Iglesia Ni Cristo

_____________________________________

Malugod po namin kayong inaanyayahan sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo sa ating Lumikha.
Kung mayroon po kayong mga katanungan ukol sa mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo, maaari po kayong magtungo sa kapilya o bahay-sambahan na malapit sa inyo at makipag-ugnayan po kayo sa ministrong nakadestino rito.  Nagagalak po silang kayo'y paglingkuran.  Sa Diyos po ang lahat ng kapurihan!

_______________________________________________________