Lunes, Disyembre 1, 2014

IBA ANG IGLESIA KATOLIKA SA IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO

IBA ANG IGLESIA KATOLIKA
SA IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO


Ang isa sa malaking pagdaraya ay ang pagtuturo na ang Iglesia Katolika Apostolika Romana ay siyang Iglesiang itinayo ni Cristo.  Ang mga paring Katoliko at ang kanilang mga upahan ang nagpapalaganap ng malaking kasinungalingang ito.  Maraming tao ang kanilang napapaniwala na ang Iglesia Katolika ay ito ang Iglesiang itinayo ng ating Panginoong Jesucristo.  Kaya panahon na ngayon upang mabuksan ang pag-iisip ng mga nadaya at mamulat sa katotohanang iba pala ang Iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo, gaya ng sinasabi ng paksa ng kabanatang ito.  Patutunayan namin sa pamamagitan ng mga talata ng Biblia at ng mga aklat na sinulat ng mga pari at mga tagapagturong katoliko, na iba ang Iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo.  Ang Iglesia Katolika ay hindi Iglesia ni Cristo.  Ano ang isa sa pagkakaiba ng Iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo?

Ano ba ng  Iglesia Katolika ayon sa “Doctrina Cristiana”?
     Sa Catecismo o Doctrina Cristiana na sinulat ni Pari Luis de Amezquita, pahina 25, ay ganito ang sinasabi:

     “T. Ano kaya ang Santa Iglesia Catolica?
     “S. Ang kalahatang Kristiano, at ang puno nila’y Santo Papa sa Roma.”

     Ang sabi rito’y ang Iglesia Katolika raw ay ang kalahatang Cristiano at ang puno nila’y ang Papa sa Roma.  Ang dapat sana nilang sabihi’y ang kalahatang Katoliko at hindi ang kalahatang Cristiano.  Sapagka’t sa Maikling Katesismo ng Aral Kristiano, pahina 50, ay sinasabing ang mga kaanib na bumubuo sa Iglesia Katolika at sumusunod sa Papa at mga Obispo ay tinatawag na mga Katoliko.  Kaya ang tamang sabihin nila’y ang Iglesia Katolika ay ang kalahatang katoliko, at ang puno nila’y ang Papa sa Roma.

     Sino naman ang puno o pangulo ng Iglesiang  itinayo ni Cristo ayon sa turo ng mga Apostol?  Ang Papa ba sa Roma?  Basahin natin ang itinuro ni Apostol Pablo na nasa Efeso 5:23, na ganito ang sinasabi:

     “Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.”

     Sino ang puno o pangulo ng Iglesiang itinayo ni Cristo?  Hindi ang Papa sa Roma!  Sino?  Si Cristo ayon kay Apostol Pablo.  Sino ang gumawa kay Cristo na maging pangulo ng Iglesia?  Ang Diyos (Efe. 1:20-23).  Ano ang karapatan ng mga pari upang alisin si Cristo sa pagka-Pangulo ng Iglesia at ang ipalit ay ang kanilang mga Papa?  Ito lamang ay maliwanag nang katunayan na iba nga ang Iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo.  Ang puno ng Iglesia katolika’y ang Papa.  Ang Puno ng Iglesiang itinayo ni Cristo ay si Cristo.

Magkaiba sa batong pinagtayuan
     Ano pa ang ibang katunayang iba nga ang Iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo?  Pumunta naman tayo sa batong pinagtayuan o saligan ng Iglesia.  Ayon sa tagapagturong katoliko, sino raw ang batong pinagtayuan ng Iglesiang itinayo ni Cristo?   Sa Ang Pananampalataya ng ating mga Ninuno na sinulat ni Cardinal Gibbons, pahina 105, ay ganito ang sinasabi:

     “Si Hesus na ating Panginoon ay nagtatag ng iisa lamang Iglesia, na minarapat Niyang itayo sa ibabaw ni Pedro.  Samakatuwid, ang alin mang Iglesiang di kumikilala kay Pedro bilang kanyang kinatatayuan ay di siyang Iglesia ni Cristo, at samakatuwid ay di mangyayaring tumatag sapagka’t  di gawa ng Diyos.”

     Ayon kay Cardinal Gibbons, si Pedro raw ang batong pinagtayuan ni Cristo ng Kanyang Iglesia.  Totoo kaya ito?  Pumapayag ba si Apostol Pedro na siya nga ang batong pinagtayuan ni Cristo ng Iglesia?  Itanong natin sa kanya,  sapagka’t siya ang kausap ni Cristo (at hindi si Cardinal Gibbons) noong sabihin nitong itatayo Niya ang Kanyang Iglesias a ibabaw ng bato.  Sino ang itinuro ni Apostol Pedro na batong pinagtayuan ng Iglesiang itinayo ni Cristo?  Sa I Pedro 2:3-5, ay ganito ang sinasabi:

     “Kung inyong napagkilala na ang Panginoon ay mapagbiyaya:  Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga, Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.”

          Ang sabi ni Pedro’y  “kung inyong napagkilala na ang Panginoon ay mapagbiyaya.”  Sino ang tinutukoy dito ni Pedro na Panginoon?  Sa Gawa 2:36, sinabi ni Pedro na ang Panginoon ay si Cristo.  Pagkatapos ay sinabi niyang “kayo’y magsilapit sa Kanya”—sa Panginoon o kay Cristo,--“na isang batong buhay.”  Bakit pinalalapit ni Pedro kay Cristong bato ang mga tao?  Upang matayong buhay na ukol sa espiritu.  Samakatuwid, hindi tinatanggap ni Apostol Pedro ang pagtuturo ng mga paring katoliko na sa kanya nakatayo ang Iglesia.  Mali ang turong ito.  Hindi kay Pedro nakatayo ang Iglesia kundi kay Cristo.  Nag-iisa ba si Pedro pagtuturong kay Cristong bato nakatayo ang Iglesiang itinayo ni Cristo?  Basahin naman natin ang patotoo ni Apostol Pablo.  Sa Efe. 2:20-22, ay ganito ang sinasabi:

     “Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;  Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon;  Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.” 

     Si Apostol Pablo man ay nagpapatotoo na ang batong pinagtayuan  ng Iglesiang itinayo ni Cristo ay si Cristo at hindi si Pedro.  Nagkakaisa si Pedro at si Pablo sa partuturo na si Cristo ang batong pinagtayuan ng Iglesia.  Ang aral naman ng mga katoliko ay kay Pedro nakatayo ang Iglesia.  Ito pa ang isang katunayan na magkaiba nga ang Iglesia Katolika at ang Iglesiang itinayo ni Cristo.

Ano pa ng pagkakaiba ng Iglesia Katolika
at ng Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo?
     Sa kinikilalang Tagapamagitan ay magkaiba rin ang Iglesia Katolika at ang Iglesiang itinayo ni Cristo.  Sinu-sino ang kinikilala ng mga katoliko na pintakasi nila o Tagapamagitan sa Diyos?  Sa Ang Aral Na Katoliko ni Enrique Demond, pahina 115, ay ganito ang sinasabi:

     “Itinuturo ng Santa Iglesia Katolika na ang paggalang at pagdalangin sa mga santo sa langit ay lubhang magaling at pinakikinabangan ng ating kaluluwa …  Tayo’y dumadalangin sa mga santo upang sila’y mamanhik at mamagitan sa Dios ng mga grasia at biyaya para sa atin.”

     Maliwanag ang sagot sa atin ng paring si Enrique Demond tungkol sa kung sinu-sino ang kinikilala ng mga katoliko na kanilang pintakasi o tagapamagitan nila sa Diyos.  Ang mga santo raw nila.  Nananalangin daw sila sa mga santo upang ipamagitan sa Diyos.  Sinu-sino itong mga santong dinadalanginan ng mga katoliko?  Nananalangin sila kay Santa Mariang Birhen, kay San Miguel Arkangel, Kay San Juan Bautista, sa mga santos Apostoles, kay San Pedro, kay San Pablo, kay San Agusting Ama nila, at sa lahat ng mga santo (todos los santos); at pati sa mga pari ay nananalangin din sila, sapagka’t ang mga ito’y tagapamagitan din daw sa Diyos (Catecismo ni Pari Luis de Amezquita, pahina 15; Ang Aral na katoliko, ni Enrique Demond, pahina 228).

     Sino naman ang kinikilala ng mga kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo na kanilang Tagapamagitan sa Diyos, at ilan ang kinikilala nilang Tagapamagitan?   Ganito ang sagot ni Apostol Pablo:

     “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)

     Iisa lamang ang Tagapamagitan sa Diyos ng mga Iglesia ni Cristo.  Hindi marami na gaya ng mga Katoliko.  Sino lamang ang tangi at iisang Tagapamagitan ng Iglesia  ni Cristo?  Ang taong si Cristo Jesus.  Iyan ang turo ng mga Apostol.  Hindi pa ba kayo nasisiyahan sa turong iyan ng mga Apostol, ,mga kaibigang katoliko?  Nagpapanggap pa naman kayong Apostolika—ang aral at turo raw nila’y ang aral at turo ng mga Apostol—bakit kayo hindi nasisiyahan sa turo ng mga Apostol?  Bakit ang aral ninyo’y iba sa aral ng mga Apostol?  Iyan ang lalong maliwanag na katunayan na iba nga ang Iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo.  Marami ang Tagapamagitan ng Iglesia Katolika—ang mga santo at santa nila.  Iisa ang Tagapamagitan ng Iglesia ni Cristo—si Cristo lamang.

     Bakit si Cristo lamang ang tanging Tagapamagitan sa Diyos ng mga Iglesia ni Cristo?  Ano ang katangian ni Cristo sa pagiging Tagapamagitan?  Sa I Juan 2:1-2, ganito naman ang sinasabi ni Apostol Juan:

     “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid: At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman. ”

     Ang sabi ni Apostol Juan, kung tayo’y magkasala ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo, ang matuwid; at Siya ang pampalubag-loob sa ating mga kasalanan.  Samantalang ang mga tagapamagitan ng mga katoliko ay hindi matuwid kundi mga nagkasala sa harap ng Diyos.  Si Cristo na Tagapamagitan ng Iglesia ni Cristo ay matuwid—hindi nagkasala kailanman, kaya Siya lamang ang pampalubag-loob sa ating mga kasalanan.  Ang mga santo ng Iglesia katolika ay hindi makalulubag ng loob kundi makagagalit sa Diyos, sapagka’t hindi sila ang inilagay ng Diyos na Tagapamagitan kundi si Cristo.

Magkaiba rin sa pinagkukumpisalan
ng mga kasalanan
     Tungkol sa pagkukumpisal ay nagkakaiba rin ang Iglesia Katolika sa Iglesia ni Cristo.  Kanino nagkukumpisal ang mga katoliko kung sila’y nagkakasala sa Diyos?  Sa pari, gaya ng mababasa natin sa Ang aral Na Katoliko ni Enrique Demond, pahina 217:

     “Paano ang pagdulog sa konfesor?  Pasimulan natin ang pagkukumpisal na sasabihin:  ‘Bendisionan mo ako Padre, sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.  Ako po’y nagkumpisal na mayroon na ngayong ______ Dito’y sabihin natin kung ilang linggo, ilang buwan o ilang taong hindi tayo nagkumpisal______ ‘Ipinagkukumpisal ko ngayon ang aking mga kasalanang pinagsisihan ko’______ Dito’y sabihin at ipagkumpisal nating maliwanag ang ating mga kasalanan at kung ma kailang ginawa natin.  Pagkasabi ng mga kasalanan natin ay isunod na wiwikain:  ‘At ikaw, Padre, yayamang kahalili ka ng Dios dito sa lupa, ako’y kalagan mo sa kasalanan ko at parusahan mo ako.’”

     Kanino nagkukumpisal ang mga kaanib sa Iglesia Katolika?  Sa kanilang mga pari.  Kanino naman nagkukumpisal ang mga kaanib o ang mga sangkap ng katawan ni Cristo?  Ganito ang sabi ni Apostol Juan:

     “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” (I Juan 1:9).

     Kanino ipinahahayag o ikinukumpisal ng mga Iglesia ni Cristo ang kanilang mga kasalanan?  Sa Diyos.  Hindi sa harap ng mga tao.  Bakit sa Diyos?  Sapagka’t sa Kanya tayo nagkasala at sa Siya lamang ang makapagpapatawad sa ating mga kasalanan at makalilinis sa lahat ng ating mga kalikuan.  Kanino nagkumpisal si David ng kanyang mga kasalanan?  Sa Awit 51:1-4, ay ganito ang ating mababasa:

     “ Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.  Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. ”

     Kanino ikinumpisal ni David ang kanyang mga kasalanan?  Sa Diyos lamang, sapagka’t sa Diyos siya nagkasala, at ang Diyos lamang ang makapapawi ng kanyang mga pagsalansang.  Ang Diyos lamang ang makahuhugas ng kanyang mga kasalanan.  Samantalang ang mga katoliko’y sa kanilang mga pari nagkukumpisal.  Sa mga pari nila idinudulog ang kanilang mga kasalanan.  Hindi ba maliwanag na iba ang Iglesia katolika sa Iglesia ni Cristo?  Iba at napakalaki ng pagkakaiba.

Magkaiba sa pangalan ang Iglesia Katolika
at ang iglesiang itinayo ni Cristo
     Kanino nanggaling ang pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana?  Galing ba ito kay Jesus?  Ang paring si Juan Trinidad ang ating pasagutin, sa pamamagitan ng kanyang munting aklat na pinamagatang Ang Sagot Na Katotohanan Sa Iglesia Ni Cristo.  Sa pahina 10 ng aklat na ito ay ganito ang sabi ng pari:

     “Hindi galing kay Jesus ang Pangalang ‘Iglesia Katolika Apostolika Romana’.”

     Tinatanggap ng mga paring katoliko na hindi galing kay Jesus ang pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.  Kung gayon ay saan galing?  Sino ang lumikha ng pangalang ito?  Pari din ang sasagot sa tanong na iyan, ang paring si Clement H. Crock.  Sa aklat ng paring ito na pinamagatang The Apostles’ Creed, pahina 191, ay ganito ang sinasabi:

     “In 1870, at the Vatican Council, the name ‘Roman Catholic Church’ was proposed, but it was rejected.  The bishops assembled unanimously decided upon this official name:  ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church’…”

Sa Pilipino:

     “Noong 1870, sa Konsilyo sa Batikano, ang pangalang ‘Iglesia Katolika Romana’ ay iminungkahi datapuwa’t tinutulan.  Ang mga obispong nagkatipon ay buong pagkakaisang nagpasiya sa pangalang opisyal na ito:  ‘Ang Banal na Iglesia Katolika Apostolika Romana’.”

     Sino ang lumikha ng pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana?  Ang Konsilyo ng Batikano noong 1870.  Samakatuwid, tama ang sabi ng paring si Juan Trinidad na hindi nga galing kay Jesus ang pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.  Ano naman ang pangalan ng Iglesiang itinayo ni Cristo, ayon kay Apostol Pablo?  Iglesia ni Cristo ang tawag ni Apostol Pablo sa Iglesiang itinayo ni Cristo (Roma 16:16).  Bakit Iglesia ni Cristo ang itinawag ni Pablo sa Iglesiang itinayo ni Cristo?  Sapagka’t ang sabi ni Jesus “Itatayo ko ang Aking Iglesia” (Mat. 16:18).  Aking Iglesia ang tawag ni Jesus.  Iglesia ni Cristo naman ang tawag ni Pablo.  Bakit Aking Iglesia ang tawag ni Jesus at Iglesia ni Cristo ang tawag ni Pablo sa Iglesiang itinayo ni Cristo?  Ano ba iyong Iglesia?  Sa Col. 1:18, ay sinasabi:  “At siya ang ulo ng katawan, samakatuwid baga’y ng Iglesia.”  Ano ang Iglesia?  Ang Iglesia ay katawan ni Cristo at si Cristo ang ulo nito, kaya Iglesia ni Cristo ang itinawag, na ang kahuluga’y katawan ni Cristo.

     Pinatutunayan ba ng mga paring Katoliko na Iglesia ni Cristo nga ang pangalang itinawag sa Iglesiang itinayo ni Cristo?  Pinatutunayan.  Mababasa natin ang patotoo ng paring si Francis B. Cassilly sa aklat na sinulat nito na pinamagatang Religion:  Doctrine and Practice.  Sa pahina 442 ng aklat na ito ay ganito ang sinasabi:

     “Did Jesus Christ establish a Church?  Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ establish a Church, which from the earliest times has been called after him the Christian Church or the Church of Christ.”

     Sa Pilipino:

     “Si Jesucristo ba’y nagtayo ng Iglesia?  Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, maging pansanlibutan at di-ukol sa kabanalan, gayundin naman sa mula sa Biblia na kinikilalang makataong kasulatan, naalaman natin na si Jesucristo ay nagtayo ng Iglesia, na mula pa sa kauna-unahang panahon ay tinawag nang sunod sa Kanya ang Iglesia Cristiana o ang Iglesia ni Cristo.”

     Maliwanag ang patotoo ni Pari Cassilly.  Si Cristo ay nagtayo ng Iglesia at ang pangalang itinawag ay Iglesia ni Cristo.  Samakatuwid, maging sa pangalan ay iba ang iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo.

     Lubhang napakarami pa ang pagkakaiba ng Iglesia Katolika at ng Iglesiang itinayo ni Cristo, ngunit sapat na ang ilang mga patotoo na aming inilahad upang makilala ng mga kababayang katoliko at ng mga nagsusuri at naghahanap ng katotohanan, na iba ang Iglesia Katolika sa Iglesiang itinayo ni Cristo.  Hindi totoo ang sinasabi at ipinangangaral ng mga pari na Iglesia Katolika ang Iglesiang itinatag ni Cristo noong unang siglo sa Jerusalem.  Ito ay malaking pagdaraya!  Isang malaking kasinungalingan at panlilinlang!  Imulat na ninyo ang inyong mga mata sa harap ng katotohanan, mga kababayang katoliko.  Dinaya kayo ng inyong mga pari.  Pinapaniwala kayo sa kasinungalingan.  Magbalikloob kayo sa Diyos.  Lumayas kayo sa Iglesia Katolika at pumasok kayo sa Iglesia ni Cristo.

Hango mula sa aklat na Isang Pagbubunyag Sa Iglesia Ni Cristo/Copyright 1964 INC/Pahina 59-66




TUNGKOL SA PRUSISYON NG MGA KATOLIKO

TUNGKOL SA PRUSISYON NG MGA  KATOLIKO



Ang prusisyon ay isa sa mahalagang bahagi ng pagsamba ng mga katoliko.  Hindi lamang kung kaarawan ng pista ng kanilang mga santo at santa sila nagdaraos ng prusisyon, kundi sa mga tanging pagkakataon, gaya na kung humihingi sila sa kanilang patron ng ulan, o ng mabuting ani, o kaya’y ng kaligtasan sa mga salot o mga sakit na lumalaganap.

     Sa prusisyon ay inililibot ang mga inukit na larawan ng kanilang mga santo at santa, na nagagayakang mabuti ng magagarang kasuotan, at napapalamutian ng ginto, pilak at mahahalagang bato.  Kung minsa’y pasan-pasan ito ng mga tao sa kanilang balikat at kung minsan nama’y nakalulan ito sa karo at hilahila o kaya’y itinutulak ng mga sa kanila’y nagpapanata.  Sa magkaabilang gilid ng mga diyus-diyusang ito ay nakahanay naman ang mga kasama sa prusisyon, lalaki at babae, matanda at bata, dalaga at binata na may mga hawak na kandilang may ningas.  Karaniwan na sa ganitong prusisyon ay may kasamang banda ng musika, na tumutugtog ng mga piling tugtuging naaangkop sa gayong pagkakataon.  Kasama rin sa prusisyon ang pari ng parokya.  Ang mga saradong katoliko’y buong pag-asang nagtitiwala na sa kanilang pagsama o pag-ilaw sa prusisyon ay nakagagawa sila ng malaking kabanalan sa harap ng Diyos.  Sumasama sila sa prusisyon sa pag-asa nilang ito’y utos ng Diyos at kabanalan kung ito’y gawin.  Hindi sila nag-abalang ito’y suriin upang alamin kung saan ito nagmula, kung ano ang layon nito, kung ano ang pinagsasaligan ng kanilang relihiyon sa pagsasagawa nito, at higit sa lahat, kung ito’y may halaga sa harap ng Diyos.  Ito ngayon ang aming ipinag-aanyaya sa aming mga kababayang katoliko.  Panahon na upang tayo’y magsuri.  Walang mawawala sa atin kung ito’y ating gawin, bagkus tayo’y makikinabang at makararating sa katotohanan.

Ang batayan na pinagsasaligan ng mga katoliko
sa kanilang pagpuprusisyon ng mga santo at santa nila
     Ano ang pinagsasaligan ng mga katoliko sa pagdaraos ng prusisyon ng kanilang mga santo at santa?  Tunghayan natin ang paliwanag ng The Catholic Encyclopedia, Vol. 12, p. 446.  Ganito ang salin sa wikang Pilipino:

     “Mga Prusisyon, isang bahagi sa lahat ng seremonya, ay masusumpungan, na dapat nating asahan, sa halos lahat ng anyo ng pagsambang relihiyoso.  Ang halimbawa ng mga prusisyong kasama ang Kaban ng Tipan sa Matandang Tipan  (pagparisin, lalo na ang II Hari VI, at III Hari, VII) at ang matagumpay na pagpasok ng ating Mananakop sa Jerusalem sa Bago, marahil ay hindi walang bisa sa ritual ng mga huling panahon.”

     Maliwanag na ang pinagbabatayan ng mga katoliko sa kanilang pagpuprusisyon ay ang sinasabi sa II Har, kabanatang ikaanim (Duoay Version), na ito’y nauukol, sa paglilipat sa Kaban ng Tipan.  Upang matiyak natin kung ito’y sapat na batayan ng pagpuprusisyon, tunghayan natin ang sinasabi sa II Hari 6:1-5 (Douay Version), o sa II Samuel 6:1-5 ng karaniwang Biblia:

     “At pinisan uli ni David ang lahat na piling lalake sa Israel, na tatlong pung libo.

     “At bumangon si David at yumaon na kasama ng buong bayan na nasa kaniya, mula sa Baale Juda, upang iahon mula roon ang kaban ng Dios, na tinatawag sa Pangalan, sa makatuwid baga'y sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa gitna ng mga querubin.

     “At kanilang inilagay ang kaban ng Dios sa isang bagong karo, at kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab na nasa burol: at si Uzza at si Ahio, na mga anak ni Abinadab, ay siyang nagpatakbo ng bagong karo.

     “At kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab, na nasa burol, pati ng kaban ng Dios: at si Ahio ay nagpauna sa kaban

     “At si David at ang buong sangbahayan ni Israel ay nagsitugtog sa harap ng Panginoon ng sarisaring panugtog na kahoy na abeto, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta, at ng mga kastaneta at ng mga simbalo.”

     Ang mga talatang ito ang pinagbabatayan ng prusisyon ng Iglesia Katolika.  Nguni’t ito kaya’y prusisyon?  Ang ginawa ni David at ng mga piling lalaki ng Israel ay hindi prusisyon ng mga diyus-diyusan o ng mga larawang inanyuan, na mula sa simbahan ay ilalabas at doon din sa simbahang iyon ang tuloy pagkatapos; hindi prusisyon ng mga may hawak na kandilang may sindi, gaya ng ating nakikita sa mga prusisyon ng mga katoliko.  Hindi nga ganito, kundi ito ay paglilipat sa kaban ng Diyos, mula sa isang dako patungo sa isang tanging dako, na ito ay karaniwang ginagawa ng mga panahong yaon.  Ano ang tanging pangyayaring naganap sa paglilipat na ito ng kaban ng Diyos na siyang pinagbatayan ng pagpuprusisyon ng mga katoliko?  Tunghayan natin ang sumusunod na talatang 6 at 7:

     “At nang sila'y magsidating sa giikan ni Nachon, iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay sa kaban ng Dios, at hinawakan; sapagka't ang mga baka ay nangatisod.

     “At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza; at sinaktan siya ng Dios doon dahil sa kaniyang kamalian; at doo'y namatay siya sa siping ng kaban ng Dios.”

     Narito ang kahambal-hambal na nangyari kay Uzza sa paglilipat ng kaban ng tipan, na siyang pinagbatayan ng prusisyon ng mga katoliko.  Nagalit sa kanya ang Diyos at siya’y pinatay.  Bakit?  Sapagka’t hinipo niya ang kaban upang alalayan dahil sa pagkatisod ng mga baka na humihila  sa karo na kinalululanan ng kaban ng Diyos.  Maaaring sabihin na ang ginawa ni Uzza ay pagmamalasakit sa kaban ng Diyos.  Nguni’t bakit nagalit sa kanya ang Diyos at siya ay pinatay?  Sapagka’t ang ginawa ni Uzza ay labag sa utos ng Diyos na mababasa sa Blg. 4:15:

     “At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.”

     May katwirang magalit ang Diyos kay Uzza at siya’y mamatay.  Ang ginawa niyang paghipo sa kaban ay bawal ng Diyos.  May babalang kamatayan sa bawa’t hihipo.  Bawal din ang kanilang pagpapahila sa karo sa pamamagitan ng mga baka.  Dapat lamang nilang buhatin iyon o pasanin sa pamamagitan ng mga pingga.  Hindi nila sinunod ang utos ng Diyos kundi pinahila sa mga baka.  Nang matisod ang mga baka ay tumagilid ang karo at ang kaban ng Diyos ay mabubuwal.  Hinawakan ni Uzza ang kaban upang alalayan at siya’y namatay.  Dito sa labag na ginawa ng bayang Israel sa paglilipat ng kaban ng Tipan, ibinatay ng mga katoliko ang kanilang pagpuprusisyon.  Kaawaawang mga katoliko!  Napaaakay sa mga pari na walang kamalay-malay sa katwiran ng Diyos!  Sumasama sila sa prusisyon at pagpuprusisyon sa pag-asang ito’y utos ng Diyos at kabanalan, ngunit hindi pala ito utos ng Diyos kundi utos lamang ng pari; hindi pala kabanalan kundi kasalanan.

 Ang kandila sa prusisyon
      Ang mga sumasama sa prusisyon ay nakikita natin na may mga dalang kandilang may ningas sa kanilang mga kamay.  Ano ang kahulugan nito?  Bakit gumagamit ng kandila sa prusisyon?  Utos ba ito ng Diyos o kaya’y ng ating Panginoong Jesucristo?  Tunghayan natin ang paliwanag ng  The Catholic Encyclopedia, Vol. 3, pahina 246.  Ganito ang salin sa Pilipino:

     “Pagbabasbas sa mga kandila at Prusisyon—Ayon sa Missal Romano ang nagsasagawa pagkatapos ng Tierce (9:00) may kasuotang ‘stola’ at ‘capa’ na may kulay na matingkad na pula, nakatayo sa dako ng altar na kinalalagyan ng kasulatan, ay binasbasan ang mga kandila (na ito’y pagkit ng pukyutan).  Pagkatapos awitin o sabihin ang limang dasal na itinakda, wiwisikan at pinauusukan ng insenso ang mga kandila.  Pagkatapos ay ipinamumudmod niya sa pari at sa mga tao, samantalang ang koro ay inaawit ang Awit ni Simeon, ‘nune dimittis.’  Ang ‘Antiphon (awit na pansagot) ‘lumen ad revelationem gentium et gloriam plebis tuae Israel’ ay inuulit pagkatapos ng bawa’t bersikulo, ayon sa matandang kaugalian ng pag-awit ng ‘antiphon’ (awit na pansagot), na doo’y lahat ng mga kasama ay hawak ang mga kandilang may sindi, aawitin ng koro ang awit na pansagot ‘ Adorna Thalamum tuum, Sion,’ nilikha ni San Juan ng Damasko, isa sa mga ilang tugtugin, na testo at musika, ay hiniram ng Iglesia Romana sa mga Griego.  Ang mataimtim na prusisyon ay kinakatawan ang pagpasok ni Cristo, na Siyang Ilaw ng sanlibutan, sa templo ng Jerusalem.”

     Narito ang katwiran ng mga katoliko sa paggamit ng kandila sa prusisyon. Para daw ipakilalang si Cristo ang Ilaw ng sanlibutan, at ang mataimtim na prusisyon daw ay kumakatawan sa pagpasok ni Cristo sa Jerusalem.  Napakahusay magpakahulugan ng mga tagapagturong katoliko!  Si Cristo’y Ilaw ng sanlibutan, kaya dapat gumamit ng kandila.  Totoo bang si Cristo’y Ilaw ng sanlibutan?  Ang Kanya bang pagiging Ilaw ng sanlibutan ay tumutukoy sa kandila?  Basahin natin ang sinabi ni Jesus, na nasa Juan 8:12:
   " Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.”

     Walang kandilang binabanggit si Jesus sa talatang ito.  Siya’y Ilaw ng sanlibutan — hindi kandila ng sanlibutan.  Anong uri ng Ilaw si Jesus? — Ilaw ng Kabuhayan.  Ang sumusunod sa Kanya’y hindi lalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng Ilaw ng kabuhayan.  Sa Juan 11:25, ay sinabi pa ni Jesus:  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya.”  Samakatuwid, sa anumang paraa’y hindi kandila ang tinutukoy ni Jesus sa pagsasabing Siya’y ilaw ng sanlibutan.  Ipinakikilala Niyang Siya ang pagkabuhay na mag-uli at ang kabuhayan.  Ang sinumang sasampalataya sa Kanya, bagama’t mamatay ay mabubuhay—magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

     Si Cristo ba lamang ang Ilaw ng sanlibutan?  Sino pa ang kanyang itinuturo na ilaw rin ng sanlibutan?  Sa Mat. 5:14  ay ganito ang sabi ni Jesus:  “Kayo ang ilaw ng sanlibutan…”  Ang kausap ni Jesus sa talatang ito’y ang mga kaanib sa Kanyang Iglesia—mga Iglesia ni Cristo.  Ang mga ito’y ilaw ng sanlibutan.  Ano ang dapat nilang gawin sa ilaw na ito?  “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit." (Mat. 5:16).  Samakatuwid, dapat magliwanag ang bawa’t Iglesia ni Cristo sapagka’t sila’y ilaw, at ang ilaw na ito’y hindi ang kandila kundi ang mabubuting gawa — ito ang dapat lumiwanag.  Talaga bang ang liwanag na hinihingi ay hindi liwanag ng kandila kundi ang mabuting gawa o pamumuhay?  Sa Filipos 2:15, ay ganito ang sinasabi: “ Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan.”  At sa I Ped. 2:12, ay sinabi pa:  “Na kayo'y mangagkaroon ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil; upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita, ay purihin nila ang Dios sa araw ng pagdalaw.”  Maliwanag na sa pagiging ilaw ng sanlibutan ng mga kristiyano, hindi kandila ang tinutukoy kundi ang kanilang mabubuting gawa na salig sa kagustuhan ng Diyos.

Kung ang liwanag na ibig ng Diyos ay hindi kandila
kundi ang mabubuting gawa na salig sa kagustuhan
ng Diyos, saan nagmula itong kandila?
      Sa ating ginawang pagsusuri sa pagpuprusisyon ng mga katoliko, natiyak natin na ito’y hindi utos ng Diyos, at kung mayroon man silang pinagbatayan sa Biblia, ito ang labag na ginawa ng Israel sa paglilipat sa kaban ng Diyos.  Gayundin, natiyak natin na ang paggamit ng kandila sa prusisyon ay hindi rin utos ng Diyos.  Dahil dito, dapat nating matiyak at hanapin kung saan nagmula itong kandila.  Saan namana ng mga katoliko ang paggamit ng kandila sa prusisyon?  Tunghayan natin ang paliwanag ng aklat ng mga katoliko, ang The Catholic Encyclopedia. Vol. 3, p. 246:

     “Mga Kandila”. — Ang salitang kandila (candela, mula sa Candeo, sunugin) ay ipinasok sa wikang Ingles na isang salita na ukol sa Iglesia, kaipala mula pa noong ikawalong  siglo.  Nakilala sa panahon ng pagbabago ng aral ng Iglesia at ipinakikilala ang alin mang uri ng maliit na kandilang pagkit na ang mitsa, hindi karaniwang binubuo ng bulay na papyrus, ay nakabalot ng pagkit o taba ng hayop.  Hindi natin dapat ipanliit na tanggapin na ang mga kandila, gaya ng insenso at panlinis na tubig, ay karaniwang ginagamit sa pagsambang pagano at sa mga ritong ipinatutungkol sa patay.  Nguni’t ang Iglesia (Katolika) mula ng unang panahon ay isinama ang mga ito sa kanyang paglilingkod.”

     Inaamin ng mga manunulat katoliko na ang kandila ay mula sa mga pagano.  Mga pagano ang gumagamit ng kandila sa kanilang mga pagsamba.  Ito ang ginaya ng Iglesia Katolika at isinama sa kanyang paglilingkod.  Samakatuwid, hindi mula sa utos ng Diyos itong kandila kundi mula sa utos ng mga tao.  Pati ang pagpuprusisyon ay hindi rin mula sa mga salita ng Diyos kundi mula sa aral ng tao.  Dahil dito, ang pagsunod sa utos ng tao ay walang kabuluhan sa harap ng Diyos, kung ito ay gagamiting batayan sa pagsamba (Mat. 15:9, Col. 2:23, 22).

Hango mula sa aklat na Isang Pagbubunyag Sa Iglesia Ni Cristo/Copyright 1964 by Iglesia Ni Cristo Church Of Christ/Kabanata XI/Pahina 94-99

    










THE CHURCH BUILT BY CHRIST INSIGHTS FROM THE BOOK OF MATTHEW

THE
CHURCH
BUILT BY
 CHRIST
INSIGHTS FROM THE BOOK OF MATTHEW

By DENNIS G. DULAY


THE IGLESIA NI CRISTO (Church Of Christ) believes that the members of the Church established by Christ in Jerusalem in the first century, eventually apostatized, that is, they turned away from the true faith.  Thus, the Church Of Christ that re-emerged in these last days, is the restoration of the Church founded by Christ.

     The gospel according to Matthew gives us an insight on the events that would take place in the history of the Church built by Christ in the first century.  It is important to understand the mission of the Lord Jesus Christ here on earth and the purpose for which God sent Him.

Matthew 16:18—The establishment of the Church
The mission for which Christ was sent has something to do with man’s reconciliation with God, according to the Apostles: “Now all things are of God, who has reconciled us to Himself through Jesus Christ, and has given us the ministry of reconciliation, that is, that God was in Christ reconciling the world to Himself, not imputing their trespasses to them, and has committed to us the word of reconciliation.  Now then, we are ambassadors for Christ, as though God were pleading through us: we implore you on Christ's behalf, be reconciled to God” (II Cor. 5:18-20, New King James Version).

     Since all have sinned (Rom. 5:12) all have been separated from God (Isa. 59:2) and become His enemies (Col. 1:21).  The righteousness or the law of God requires sinners to pay for their sins (Deut. 24:16) and the full payment for sin is death (Rom. 6:23)—in the lake of fire, which is the “second death,” according to the Bible (Rev. 20:14).

      To fulfill the purpose for which He was sent, Christ established His Church.  He declared, “And I also say to you that you are Peter, and on this rock I will build My church, and the gates of Hades shall not prevail against it” (Matt. 16:18, NKJV).  He made the Church His body (Eph. 5:23).

Matthew 24:14—This Kingdom will be preached in all the world
Christ did establish the Church.  In the beginning, the Church Of Christ was merely a small flock (Luke 12:32, NKJV; Acts 20:28, Lamsa Translation), but through the guidance of God and the outpouring of the Holy Spirit, the Church Of Christ which was centered originally in Jerusalem, flourished during the administration of Christ’s Apostles.  The number of disciples increased in Jerusalem (Acts. 6:7), in fact in one instance, 3000 souls were converted to the Church (Acts 2:41) and daily they increased in number (Acts 2:47).

     Time came when a great persecution arose against the Church in Jerusalem which caused the members to scatter to the regions of Judea and Samaria (Acts 8:1).  Ironically, this persecution, which was originally aimed at thwarting the Church’s growth even became the catalyst for its expansion.  Those who scattered to various regions of Palestine continued to spread the gospel (Acts 8:4).

     Through the instrumentality of Apostle Paul, the Church Of Christ spread to Gentile nations (Acts 13:46-49; Rom. 16:4, 16).  The labor of Apostle Paul and his companions was in line with the mandate of Christ that the Good News about the “Kingdom” be preached through all the world for a witness to all mankind (Matt. 24:14, Today’s English Version).  This kingdom which was propagated by the Apostles, to serve as a witness to all mankind, is the Church Of Church (Col. 1:13-14, NKJV; Acts 20:28, Lamsa Translation).

Matthew 24:4 and 11—The rise of false prophets
Before His ascension to heaven, Christ warned of the future rise of false prophets:  “And Jesus answered them, ‘Take heed that no one leads you astray … And many false prophets will arise and lead many astray’” (Matt. 24:4, 11, Revised Standard Version).

     Even the Apostles, who were being guided by the Holy Spirit, were aware of this foretold occurrence:  “Now the Spirit expressly says that in latter times some will depart from the faith, giving heed to deceiving spirits and doctrines of demons, speaking lies in hypocrisy, having their own conscience seared with a hot iron, forbidding to marry, and commanding to abstain from foods which God created to be received with thanksgiving by those who believe and know the truth” (I Tim. 4:1-3, King James Version).

     While the Apostles were still alive, they were able to restrain the falling away or the apostasy of the Church (II Thess. 2:8, 3, New American Standard Bible).  But they were also aware that time would come when a number of believers would be removed.  The departure of the Apostles (Acts 20:29) or their death (II Tim. 4:6-8), would be the turning point of the first-century Church Of Christ from her status as God’s chosen people (I Pet. 2:9-10).

     Apostle Paul knew that the false prophets would rise up from among the leaders of the Church:  “Also from among yourselves men will rise up, speaking perverse things, to draw away the disciples after themselves” (Acts 20:30, NKJV).

     He was so troubled about what was going to happen that he said:  “ But I fear, lest somehow, as the serpent deceived Eve by his craftiness, so your minds may be corrupted from the simplicityv that is in Christ. For if he who comes preaches another Jesus whom we have not preached, or if you receive a different spirit which you have not received, or a different gospel which you have not accepted—you may well put up with it!” (II Cor. 11:3-4, Ibid)

     The corruption of the faith and beliefs of the members of the Church after the death of the apostles was the reason why the organization lost its status as God’s children.  According to the Bible, God refuses to accept as His children those who have acted corruptly toward Him (Deut. 32:5, Ibid.).

Matthew 7:13-14—Enter the narrow gate
Christ made it clear that He truly wanted people to benefit from His work of redemption.  He taught:  “Enter by the narrow gate; for wide is the gate and broad is the way that leads to destruction, and there are many who go in by it.  Becausef narrow is the gate and difficult is the way which leads to life, and there are few who find it.” (Matt. 7:13-14, NKJV)

     The narrow gate that Christ admonished people to enter is in fact Himself, and those who enter in by Him will be saved:  “So Jesus said again, ‘I am telling you the truth:  I am the gate for the sheep … I am the gate for the sheep … I am the gate.  Whoever comes in by me will be saved’” (John 10:7, 9, TEV).  Those who have entered in by Christ are in the flock or fold (John 10:9, Revised English Bible; 10:16) which is the Church Of Christ:  “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood” (Acts 20:28, Lamsa Translation).

     In our time, the true Church Of Christ has re-emerged.  Through Christ and his apostles prophesied about the apostasy or turning away of the first century Church Of Christ, Christ also said:  “And other sheep I have which are not of this fold; them also I must bring, and they will hear My voice; and there will be one flock and one shepherd” (John 10:16, NKJV).  We believe that the prophesied “other sheep of Christ” are the members of the true Church Of Christ today—the Iglesia Ni Cristo.

     The true Church Of Christ has always been just one religious organization, in the first century and even now.  The true Church, no matter how far and wide it reaches, will always share the same beliefs, faith and hope, as it was during the time of the Apostles:  “There is one body [the body is the Church—Col. 1:18] and one Spirit, just as you were called in one hope of your calling; one Lord, one faith, one baptism; one God and Father of all, who is above all, and through all, and in you all” (Eph. 4:4-6, NKJV).

Matthew 28:19-20—Make disciples of all nations
Before ascending to heaven, Christ said to His Apostles:  “Go therefore and make disciples of all the nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, teaching them to observe all things that I have commanded you; and lo, I am with you always, even to the end of the age…” (Matt. 28:19-20, Ibid.).
     One has completely entered into the body of Christ, or the Church Of Christ, if he is baptized in it (I Cor. 12:13; Col. 1:18).  But true baptism can only be facilitated by one commissioned to teach the true commandments that came from God.  Christ warned about the proliferation of false preachers (Matt. 24:11), so one must be careful in his choice of preachers.  Since discipleship is the result of faith and obedience to the true commandments of God and Christ, one should examine first all the doctrines and teachings being propagated by any particular preacher or religion before adhering to such.  Christ promises only to be with those who observe what is in line with what He taught.

     Therefore, the true identifying characteristics of the true Church Of Christ today are the teachings it observes.  Even if an organization traces its history back to the original Church established by Christ in the first century, yet if it does not follow and uphold the true teachings of Christ, it could not be considered as the true Church Of Christ.

Matthew 10:36-38—Prove our love for Christ
But it’s not easy to be a follower of the Lord Jesus Christ.  Being a member of His Church entails enduring persecutions and tribulations.  The Bible declares:  “Then Jesus said to His disciples, “If anyone desires to come after Me, let him deny himself, and take up his cross, and follow Me” (Matt. 16:24, NKJV).

     Among the crosses that one must take up or bear is persecution.  Christ said:  “And ‘a man's enemies will be those of his own household. He who loves father or mother more than Me is not worthy of Me. And he who loves son or daughter more than Me is not worthy of Me. And he who does not take his cross and follow after Me is not worthy of Me” (Matt. 10:36-38, Ibid.).

     Those who are able to prove their love for Christ despite persecution and trials are the ones He considers as worthy and faithful.  Their sole inspiration in enduring all pains and sufferings in Christ’s promise of great blessings when He returns:  “And the Lord said, ‘Who then is that faithful and wise steward, whom his master will make ruler over his household, to give them their portion of food in due season? Blessed is that servant whom his master will find so doing when he comes.’” (Luke 12:42-43, Ibid.).  And so with utmost determination, a member of the true Church Of Christ will strive to complete his course because Christ fervently promised:  “But he who endures to the end shall be saved” (Matt. 24:13, Ibid.).


Pasugo God’s Message/September 2014/Volume 66/Number 9/ISSN 0116-1636/Pages 32-34

Linggo, Nobyembre 16, 2014

Ang Paglilingkod Ng Mga Tao Sa Diyos Na Labag Sa Kanyang Utos

Ang Paglilingkod Ng Mga Tao 
Sa Diyos 
Na Labag Sa Kanyang Utos



Ano ang ipinagbabawal ng Diyos na sambahin ng mga tao?
    Sa Exo. 20:3, ay itinuturo ang ganito:

     “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.”

Ano ang ipinagbabawal na sambahin?  Ang ibang mga diyos.  Ipinagbabawal ng Diyos na magkaroon pa ng ibang diyos sa harap Niya.  Alin itong ibang mga diyos na ipinagbabawal ng Diyos na sambahin?  Sa talatang 4, ay sinasabi.

     “Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.”

     Ang mga larawang ginagawa ng mga tao na kawangis ng mga anyong nasa langit, nasa lupa, at nasa tubig sa ilalim ng lupa ang tinatawag na ibang mga diyos na hindi dapat sambahin.  Alin ba ang mga larawang ito na ginagawa ng mga tao na hindi dapat sambahin?  Lahat ban g larawan?  Hindi. E, alin ang larawang iyon?  Sa Exo. 20:5, ay tinitiyak ang ganito:

     “Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin.”

Aling mga larawan?  Ang mga larawang ginawa upang yukuran at paglingkuran na sinasambang tulad sa Diyos.  Ang mga larawang ito ang tinatawag na IBANG mga diyos o mga DIYUS-DIYUSAN (Awit 115:2-7).  Ano ang parusang itinataan ng Diyos sa mga sumasamba, yumuyukod at naglilingkod sa larawan o diyus-diyusan?  Sa Apoc. 21:8, ay ganito ang sinasabi:

     “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”

     Ang mga sumasamba sa mga larawan o sa mga diyus-diyusan ay parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre na siyang ikalawang kamatayan.  Bakit parurusahan sa apoy at asupre ang mga sumasamba at naglilingkod sa mga larawan?

Ikinapopoot Ba Ng Diyos Ang Pagsamba Sa Mga Larawan At Ang Paglilingkod Dito?
     Sa Rom. 1:18, ay ganito ang sinasabi:

    “Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan.”

      Tinitiyak sa talatang ito na ang poot ng Diyos ay nahayag mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kalikuan ng mga tao, na sinasawata ang katotohanan ng kalikuan.  Paano sinasawata ang katotohanan ng kalikuan?  Sa Rom. 1:25, ay ipinakikilala ang ganito:

     “Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.”

     Paano?  Pinalitan ang katotohanan ng Diyos ng kasinungalingan, at sila’y nagsisamba at  naglingkod sa nilalang kaysa Lumalang.  Kaya ang Diyos ay napopoot sa mga tao, na sa halip na ang Diyos na Lumalang ang pag-ukulan ng kanilang pagsamba at paglilingkod, ang mga nilalang ang kanilang sinamba at pinupuri magpakailanaman.  Alin-alin ba ang mga nilalang na pinag-uukulan ng pagsamba at pagpupuri ng mga tao?  Sa Rom. 1:23, ay ganito ang tinitiyak:

     “At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.”

     Alin-alin?  Ang mga larawan ng mga tao na may kasamang iba’t-ibang uri ng hayop.  Kanino natin nasusumpungan ang mga larawang ito?  Sa Iglesia Katolika.  Mayroon silang tinatawag na larawan ni San Roque raw na may kasamang larawan ng isang aso, hayop na may apat na paa.  Mayroon din silang larawan na tinatawag nilang San Isidro na may kasamang larawan ng isang baka, hayop na may apat na paa.  Nasa kanila rin ang larawan ng tinatawag nilang San Nicolas, na may kasamang larawan ng isang ibon, hayop na may pakpak.  Nasa kanila rin ang larawan ng tinatawag nilang San Pedro na may kasamang larawan ng isang manok, hayop din na may pakpak.  Masusumpungan din sa kanila ang larawan ng isang babae na tinatawg nilang La purisima Concepcion na may kasamang larawan ng isang ahas, hayop na gumagapang.  Tangi pa rito, marami pang iba’t-ibang uri ng mga larawang sinasamba, niyuyukuran at pinaglilingkuran ang matatagpuan natin sa Iglesia Katolika, na ikinapopoot ng Diyos sa kanila.
    
 Anong Paglilingkod Sa Mga Larawan Ang Ikinapopoot Ng Diyos Sa Mga Naglilingkod Dito?
     Sa Rom. 1:21, ay sinasabi ang ganito:

     “Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.”

     Anong paglilingkod?  Kahit kilala nila ang Diyos, ang  Diyos ay hindi nila niluwalhati na tulad sa Diyos at hindi man lamang pinasalamatan.  Ipinalit nila ang mga larawan ng mga tao na may kasamang iba’t-ibang uri ng mga hayop sa Diyos na Lumalang at ang mga ito ang kanilang sinamba, pinaglingkuran at pinupuri magpakailan man (Rom. 1:25).  Paano nila sinasamba, pinaglilingkuran, pinupuri at pinasasalamatan ang kanilang mga larawan o mga diyus-diyusan?  Ang mga larawang ito ang kanilang tinatawagan, niluluhuran, ipinagpipista at ipinagdiriwang.  Sa larawan ng kanilang si San Isidro humihingi sila ng ulan.  Sa larawan naman ng kanilang si San Roque dumadalangin sila na iligtas sila sa salot.  Kung sila’y magkasakit at gumaling ay kung kani-kaninong larawan sila nagpapanata at nagpapasalamat.  Hindi sa Diyos sila nagpapasalamat.  Hindi ang Diyos ang kanilang pinaglilingkuran.  Hindi nila ipinagpipista ang Diyos.  Ang kanilang mga larawan ang kanilang pinupuri at pinararangalan.  Sa ganitong paglilingkod sa mga larawan napopoot ang Diyos.  At dahil sa hindi nila minagaling na kilalanin ang Diyos, sa anong pag-iisip sila ibinigay ng Diyos upang gawin na nila ang mga bagay na hindi nararapat?  Sa Roma 1:28-31, ay ganito ang sinasabi:

     “At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat; Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala, Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang, Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag.”

    Sa anong pag-iisip?  Sila’y ibinigay ng Diyos sa mahalay na pag-iisip upang gawin na nila ang lahat ng mga bagay na hindi nararapat.  Ang iba’t ibang kasamaan sa ibabaw ng lupa ay sa kanilang buhay at pamumuhay natin nakikita.  Sa mga tao nga bang nasa sinapupunan ng Iglesia Katolika na mga nagsisisamba at naglilingkod sa mga larawan masusumpungan ang lahat ng mga kasamaan at kalikuan?  Si James Cardinal Gibbons ang sumasagot sa atin ng ganito:

     “Nalulungkot akong ipagtapat ang kabulukan sa moral ay malimit masumpungan sa sinapupunan ng nangagsasabing sila’y Katoliko.  Di natin maipipikit ang ating mga mata sa harap ng katotohanang maraming-marami sa kanila ang di nabubuhay ayon sa mga ipinaguutos ng kanilang Iglesia, kundi bagkus nagiging sanhi pa ngkalungkutlungkot na eskandalo.  Dapat na ang eskandalo’y dumating, ngunit sa aba niya na magiging daan ng mga ito.  Tinatanggap ko rin naman na ang kasalanan ng mga Katoliko ay lalong karimarimarim sa mata ng Diyos kaysa kasalanan ng nahihiwalay nilang mga kapatid, sapagka’t lalong maraming grasya ang sinasayang nila” (Ang Pananampalataya  Ng Ating Mga Ninuno, p. 30)

     Ano ang pagtatapat ni James Cardinal Gibbons?  Nasa Iglesia Katolika nga raw ang kabulukan sa moral.  Ang mga tao raw na nasa sinapupunan ng kanilang Iglesia ay hindi  nabubuhay sa katuwiran ng Diyos kundi siyang nagiging sanhi ng mga kalungkut-lungkot na eskandalo.  Ang kasalanan daw ng mga Katoliko ay lalong karimarimarim sa mata ng Diyos kaysa sa kasalanan ng mga taong hiwalay sa kanilang Iglesia.  Sa pagtatapat na ito ni Gibbons ay hindi niya sinisiraan ang Iglesia katolika, kundi sinasabi lamang niya ang katotohanan.  Ang mga pusakal na mamamatay-tao, magnanakaw, manghaharang, manghoholdap, magdaraya, manlilinlang, mga nabubuhay sa kahalayan at iba’t iba pa ay pawang mga kaanib nga naman sa Iglesia Katolika.  Sa harap ng mapait na katotohanang ito’y inanamin ni Cardinal Gibbons na hindi nila maaaring ipikit ang kanilang mga mata.  Saan nagmumula ang malabis na pagsama ng mundo na ang nangunguna sa mga kasamaang ito’y ang mga nabibilang sa Iglesia Katolika?  Walang ibang pinagmumulan nito kundi ang pagtatakwil ng mga tao sa Diyos upang Siyang sambahin at paglingkuran at ang pinag-ukulan ng kanilang pagsamba at paglilingkod ay ang mga larawan o mga diyus-diyusan.  Dahil dito’y nahayag ang poot ng Diyos mula sa langit laban sa kalikuan ng mga tao, kaya sila’y ibinigay sa mahahalay na pag-iisip upang gawin na nia ang lahat ng mga bagay na hindi nararapat.  Hindi maaapula kundi lalong lalala ang kasamaan sa mundo kapag ipagpapatuloy pa ng mga tao ang kanilang pagsamba at paglilingkod sa mga larawan.  Kaya dapat nang itakuwil ang Iglesia Katolika at ang kanilang likong aral na pagpupuri, paglilingkod, pagpipista at pagdiriwang sa mga larawang kanilang dinidiyos, upang lubos na makatakas sa lahat ng mga kalikuan at kasamaan.  Bakit?  Sapagka’t ang lahat ng mga nagsisigawa at namumuhay sa mga gawa ng laman na labag sa kalooban ng Diyos ay hindi magmamana ng kaharian ng langit (Gal. 5:19-21).  Ayon sa turo ng mga Apostol, ilan at sino ang Diyos na dapat kilalanin, sambahin at paglingkuran?  Sa I Cor. 8:5-6, ay sinasabi ang ganito:

     “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”

     Ayon sa turo ng mga Apostol, mayroon lamang isang Diyos, ang Ama na buhat sa Kanya ang lahat ng mga bagay, at isa lamang Panginoon, ang ating Panginoong Jesucristo na Tagapamagitan ng lahat ng mga bagay at tayo’y sa pamamagitan Niya.  Ang Ama na iisang Diyos na tunay ang ang dapat sambahin, paglingkuran at pasalamatan.

Mayroon Bang Pagsuway Sa Kautusan Ang Aral Na Sinusunod Ng Mga Katoliko?
    Mayroon.  Ano ang isang aral na sinusunod ng mga Katoliko na ito’y pagsuway sa kautusan ng Diyos?  Sinasagot tayo ni James Cardinal Gibbons ng ganito:

     “Nalalaman ng mga Katolikong Kristiano na ang mga mahal na larawan ay walang pagiisip o kapangyarihang duminig at tumulong sa kanila.  Wala silang ibinibigay sa mga larawan kundi ang kaukulang galang lamang—alalaong baga’y ang pagpipitagan nila sa larawan ay nababagay sa pagpipitagang iniuukol nila sa may larawang nasa langit na kanila ring pinatutungkulan noon”  (Ang Pananampalataya Ng Ating Mga Ninuno, p. 200)

     Ayon kay Gibbons, nalalaman daw ng ng mga Katoliko na ang larawan ay walang pag-iisip at walang kapangyarihang duminig at tumulong sa kanila, kaya daw ang ibinibigay nila sa larawan ay ang kaukulang paggalang lamang, na hindi raw sa larawan, kundi sa may larawan ipinatutungkol nila.  Samakatuwid, ayaw tanggapin ni Gibbons na sila’y  sumasamba sa larawan, kundi sila’y gumagalang lamang.  Ngunit talaga bang sila’y hindi sumasamba sa larawan?  Sumasamba.  Sino ang nagtuturo nito?  Si Pari Enrique Demond.  Ano ang turo ni pari Demond?    

     “Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa krus…” (Aral na Katoliko, p. 12).  Kung gayon, hindi lamang gumagalang ang mga Katoliko sa larawan, kundi sila’y sumasamba rin sa larawan.  Ang aral na pagsamba sa larawan na sinusunod ng mga Katoliko ay pagsuway sa kautusan ng Diyos.  Bakit?  Sapagka’t ipinagbabawal ng Diyos ang yumukod at maglingkod sa mga larawang ginawa ng mga tao upang diyusin at paglingkuran (Exo. 20:4-5; Deut. 5:9).

     Ano ang iminamatuwid ng Iglesia Katolika sa kanilang ginagawang paggalang at pagsamba sa mga larawan?  Sinasabi nilang ang kanilang paggalang at pagsamba sa larawan ay hindi raw nauukol sa larawan, kundi doon sa may larawan.  Pumapayag ba ang may larawan na pag-ukulan sila ng paggalang at pagsamba?  Si Apostol Pedro noong nabubuhay pa, ay pumayag bang siya’y sambahin at yukuran?  Sa Gawa 10:25-26, ay ganito ang ipinakikilala:

     “At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba.  Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.”

      Si Apostol Pedro noong nabubuhay pa’y hindi pumayag na siya’y yukuran at sambahin ni Cornelio.  Ang mga banal na anghel na taga langit, pumayag ba silang yukuran at sambahin ?  Sa Apoc. 19:10, ay sinasabi ang ganito:

     “At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.”

          Maging ang mga anghel na taga langit ay hindi pumapayag na sila’y yukuran at sambahin.  Ano ang sama kung sambahin ang mga anghel?  Sa Col. 2:18, ay tinitiyak ang ganito:

     “Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman.”

     Ang sumasamba sa mga anghel ay hindi magtatamo ng gantimpala, kaya ang mga anghel mismo ay hindi pumupayag na sila’y pag-ukulan ng pagsamba.  Maging ang mga banal na gaya ng mga Apostol ay hindi rin pumapayag na sila’y sambahin at yukuran.  Kaya ang pagsamba at paglilingkod sa larawan na itinuturo ng Iglesia Katolika na iniuukol daw nila sa may larawan ay labag din s autos ng Diyos.  Bakit naman ipinipilit ng Iglesia katolika ang pagsamba at paglilingkod sa kanilang tinatawag na mga santo at santa at pikit-matang sinusunod naman ng mga Katoliko?  Sapagka’t naniniwala sila na ang larawan ng kanilang mga kinikilalang santo at santa ay nagmimilagro raw.

Totoo Ba Ang Paniniwala Ng Mga Katoliko Na Ang Mga Larawan Ng Mga  Santo’y Tinutulungan Ng Diyos Sa Pagmimilagro?
     Sa Isa. 42:8 at 48:11, ay ganito ang sinasabi:

     “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”

     “Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.”

          Hindi totoo ang paniniwala ng mga Katoliko na ang mga larawan ng kanilang mga santo’y tinutulungan ng Diyos sa pagmimilagro.  Bakit?  Sapagka’t ang sabi ng Diyos ay hindi Niya ibibigay ang Kanyang kaluwalahatian at kapurihan sa mga larawang inanyuan.  Kung gayon, sino ang tumutulong sa pagmimilagro ng mga larawan ng mga santong Katoliko?  Sa II Tes. 2:9-10, ay ganito ang ipinakikilala:

     “Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.”

     Ayon sa mga Apostol, si Satanas ang tumutulong sa mga sinasabing milagro na ginagawa diumano ng mga larawan ng mga santong Katoliko.  Maging ang mga paring Katoliko ba’y nagtuturo rin na talagang ang mga milagrong ginagawa ng larawan ng kanilang mga santo ay tinutulungan ng demonyo?  Opo.  Sinasabi ni Pari Mariano Pilapil sa kaniyang Pasion Genesis, sa dahong 208, ang ganito:

“Ang mga pagmimilagro
tutulungan ng demonyo
 siya ay magkakabayo,
 ano pa’t sa boong mundo
 maghahari itong lilo”

     Si Pari Aniceto de la Merced, sa kanyang Pasion Kandaba, sa dahong 25, ay nagtuturo naman ng ganito:

     “Sa dioses nila’y ang demonio’y nasok
 sa canilang tawag siyang sumasagot
 nang palisya lisya’t nang huag matalos
 ang cabulaanan nang canilang Dios.”

     Maliwanag  ang itinuturong ito ng dalawang paring Katoliko, na ang larawan ng kanilang mga santo ay gumagawa ng milagro sa pamamagitan ng tulong ng demonyo.  Samakatuwid, ang sinasabing pagmimilagro ng mga santong Katoliko ay di tunay na milagro.  Kabulaanan lamang sapagka’t ang demonyo ang tumutulong at hindi ang Diyos.  Kaya hindi dapat paniwalaan ng mga Katoliko ang mga pagmimilagro ng kanilang mga santo.  Nadaraya lamang sila ng kanilang bulag na pagtitiwala sa mga larawang ito na kanilang tinatawagan, sinasamba at pinaglilingkuran.  Dapat na nilang itakuwil at kasuklaman ang pagsamba sa mga larawang ito, sapagka’t ang gayong uri ng pagsamba ay labag sa kalooban ng Diyos.  Ito’y isang pagsambang kasinungalingan sa harap ng Diyos.  At habang nananatili at pinasisigla ng Iglesia Katolika ang kanilang ginagawang pagsamba at paglilingkod sa larawan ng kanilang santo ay lalong hindi maaapula ang paglago ng sarisaring kasamaan sa mundo.  Bakit?  Sapagka’t napopoot ang Diyos sa gayong pagsamba at ibinibilang Niya na ito’y kalikuan ng mga tao na isinasawata sa kaniyang katotohanan.  Kaya ang mga sumasamba s larawan ay ipinauubaya ng Diyos sa mahahalay na pag-iisip upang gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat.  Ano ang katunayan nito?  Ayon kay Kardinal Gibbons, ang mga Katoliko na siyang sumasamba sa larawan ay ipinauubaya ng Diyos sa mahahalay na pag-iisip na namumuhay sa mga kasalanang karimarimarim sa mata ng Diyos.  Ang kabulukan daw sa moral ay sa kanilang mga Katoliko nakikita.  Kaya dapat nang iwan ng mga Katoliko ang pagsamba at paglilingkod sa kanilang larawang sinasanto at dinidiyos.  Ang lahat ng sumasamba at naglilingkod sa mga larawan o sa mga diyus-diyusan ay parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre sa araw ng paghuhukom.

     Dahil dito, hindi na dapat mag-atubili o mag-alinlangan ng pag-alis at paghiwalay sa Iglesia katolika.  Itakuwil ang Iglesia Katolika at ang kanyang mga aral na kasinungalingan at pumasok sa Iglesia ni Cristo.  Ang Iglesia ni  Cristo ang tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo.  Ito ang tanging Iglesia na kay Cristo at sa Diyos.


Hango mula sa aklat na Isang Pagbubunyag Sa Iglesia Ni Cristo/Copyright 1964/Kabanatang VIII/Pahina 67-75